AIKEL'S POV
________
Pauwi na kaming lahat ngayon. Sobrang tahimik lang ng bus na sinasakyan namin. Magkatabi kami ni Angel sa upuan. Parehas pa ata kaming dalawa ni Angel na nawala ang hilo dahil sa sobrang okupado ng aming mga isipan.
"Ate, pano kung may mabuhay na namang killer? Mas okay siguro kung magkakasama tayong tatlo." Sabi ni Angel sa akin.
"Oo, hindi dapat tayo maghiwalay. Uuwi lang ako sandali bago tayo magkita-kita." Sabi ko dito.
"Pano sila Mama mo, Ate. Papagalitan ka nun." Sabi nya sa akin.
"Wala na akong pake kung pagalitan man nila ako, buhay na natin ang nakasalalay dito. Kita naman natin kung pano nila patayin ang mga kaibigan natin." Sabi ko sa kanya.
"Dapat nung una pa lang yun na ang ginawa natin. Hindi dapat tayo nag-hiwalay hiwalay." Sabi ko.
"Kaya nga, pero wala na tayong magagawa. Ang magagawa lang natin ngayon ay dapat protektahan natin ang bawat isa." Sabi nito. Tumango-tango ako.
"Kelangan nating tignan lagi ang book. Sya ang nagsusulat ng mga nangyayari." Sabi ni Angel. Tumango-tango ulit ako.
"Asan na ba ang book?" Tanong ko.
"Nasa bag mo, Ate." Sabi ni Angel. Tumango-tango na lang ako at ipinikit na ang mga mata. Gusto kong mabawi ang tulog ko.
"Aikel..."
"Help me..."
"And I'll help you too, Darling." Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ako ng isang magandang babae.
Namumukhaan ko ito, sya si Ophelia. Nakatingin ito sa akin habang nakangiti. Papalapit ito ng papalapit sa pwesto ko.
"Help me... help us please, Ophelia." I said.
"Don't open your eyes, Aikel. You are their vision." Sabi nito sa akin. She explained why I am the vision and she also told me about about transferring the curse to someone.
"This will happen when you go in front of the large tree where my body is buried and drip your blood on its side before begging it to transfer the curse. Only one of your friends can do that." She said.
"What about the killer, how can we defeat them?" I asked her.
"The Shapeshifter, he's the last killer. He's going to kill your friend Angel. His weakness is his own self." Sabi nito. Napakunot ang nuo ko. Anong ibig nyang sabihin.
"See you again, Aikel." Sabi nito.
"Thank you, Ophelia. Pano kita matutulungan?" I said. Pero bigla na lang itong naglaho at nilamon na ng kadililam ang paligid.
Napamulat agad ako at napatingin sa paligid. Bakit wala ng tao? Asan sila Angel at Rod? Asan ang mga kaklase namin?
Nakatigil ang bus sa isang highway na wala manlang dumadaan na sasakyan. Magubat din ang paligid. Kinilabutan na ako dahil sa nakikita. Anong nangyayari? Bakit wala na sila? Asan sila pumunta?
"Angel? Rod? Asan kayo?" I said. Bumaba ako ng bus. Wala akong makitang kahit sinong tao na nandoon.
Naglakad ako paikot sa bus kasi baka tinataguan lang nila ako pero wala talaga sila. Bumalik ako sa loob ng bus at kinuha ang mga gamit ko. Hindi na safe dito kapag gumabi na. Nagsimula akong maglakad, nagbabakasakaling may dumaang sasakyan dito.
Lakad lang ako ng lakad hanggang sa matigilan ako. How? Pano nangyari yun? Nasa unahan ko ang bus na sinakyan namin. Pinakatitigan ko pa itong mabuti at nakompirma kong ito nga ang bus na inalisan ko kanina.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HororPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
