XVII (In Love With The Curse)

395 27 0
                                        

WARNING: This story contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.

SOMEONE'S POV
________


Parehas kaming nakatago ng kapatid ko sa CR ng mga lalaki. Di ko inakalang mamamatay ng ganun kabilis ang mga kaibigan namin.

Tumingin ako sa paligid ng CR dito. Sira na ang kahoy na sahig konting yugyog mo lang dito ay malalaglag ka sa baba. Bakit di nila ito inaayos? Alam naman nilang delikado ito.

Kamusta na kaya si Angel?

"Tangina, ano na yang humahabol sa atin?" Inis na sabi ni Rod.

"Hindi ko rin alam pero maaaring may koneksyon ito sa pagpunta natin sa abandoned house na iyon." Sabi ko. Malakas ito bumuntong-hininga.

"Nasa labas parin ba yung babaeng gutom?" Tanong ko dito.

"Hindi ko alam, di ko na naman naririnig ang boses nito. Pero malakas parin ang sigawan sa labas." Sabi nya.

"Tara lumabas na tayo, kelangan nating mahanap si Angel." Sabi ko.

"At Aikel." Pagdadagdag nito. Tumango-tango ako.

"Yah, at si Aikel." Sabi ko. Tangina, masyado na ata akong halata.

"Pre, umamin ka nga, may gusto ko ba kay Angel?" Sabi nito. Natigilan ako sa tanong nya. Wala akong balak aminin kahit kanina na may gusto ako kay Angel. Mas okay na rin siguro na tinitignan ko na lang sya ng hindi nya alam.

"Wala." Sabi ko.

"Sigurado ka? Mas maganda kung umaamin na, di natin alam na baka ito na ang huli nating pagkikita." Sabi nito.

"Wala ng mamamatay pa sa atin. Wag ka ngang magdrama pre, nakakabakla." Sabi ko. Umiling-iling na lang ito habang nakangisi. Kung nasa ayos kaming sitwasyon siguro nakiasar na rin to sa akin pabalik.

"Pre, kung sakali mang mamatay ako. Lagi mong titignan para sa'kin si Aikel huh. Mahal na mahal ko yun. Kahit na madalas na masungit at tampuhin yun, alam kong iyakin yun. Sana wag mong ipaalam at iparamdam sa kanya na wala na ako." Sabi nito. Anong kadramahan na naman ng kinginang ito. Tumingin ako sa kanya at malungkot itong nakatingin sa akin.

Bakit pakiramdam ko ay nagpapaalam na sya?

Di ako nakapagsalita sa sinabi nya. Tinitigan ko lang syang mabuti.

"Tara na." Sabi nito bago dahan dahang binuksan ang pinto. Sumilip muna ito sa labas bago nya ito malaking binuksan at dahan dahang lumabas.

Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng tumambad sa amin ang babaeng ginugutom.

"I'm hungry." Paulit ulit na sabi nito. Nakatingin lang ito sa kapatid kong si Rod.

"I'm hungry. I want to eat your head." Sabi nito habang nakatingin sa kapatid ko. Napaatras kami ng dahan dahan itong naglakad palapit sa amin.

Nagkatinginan kami ni Rod. Nabasa ko agad ang gusto nyang ipahiwatig. Dahan dahan akong naglakad sa gilid nya. Di ako napansin nito dahil na kay Rod lang ang buong atensyon nito.

Mabilis na tumakbo papasok si Rod kaya agad kong tinulak papasara ang pinto pero di ko alam kung bakit sobrang tigas nito at hindi ko manlang ito maigalaw pasara. Napaupo ako ng malakas itong bumakas at tumama ito sa akin.

Tumingin ako kay Rod at sa babaeng nagugutom. Who are they? A damn killer.

"Prince, umalis ka na." Sabi ni Rod sa akin. Umiling-iling ako. No, hindi ko iiwan ang kapatid ko.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon