XXXV (Agony)

304 26 0
                                        

OPHELIA'S POV
______________

"Binibini, may natagpuan na naman pong bangkay malapit sa palayan ng mga Rivera." Sabi ni Mercedes. Tumingin ako kay Mercedes.

"Anong pangalan ng Binibining pinatay?" Tanong ko.

"Si Binibining Lucinda Rivera po." Sabi nito.

"Maaaring sya po ang Binibining nakita natin sa sekretong silid na dala dala ni Ginoong Hermes." Sabi nito. Tumango-tango ako. Oo, malamang sya nga yun.

"Nakita mo ba ang nakaukit sa hita ng Binibini?" Tanong ko dito. Tumango-tango ito.

"Ang nakasulat po ay 'IKAW NA ANG SUNOD'." Sabi nito. Napakunot ang nuo ko. Ikaw na ang sunod? Anong gustong iparating ng mga salitang iyon?

Tumango-tango ako sa kanya at sya naman ay nagpaalam na sa akin na tatapusin lang ang ginagawa nya sa hardin.

Nag-iisip parin ako ng plano kung paano malalaman ng mga mamamayan dito na si Hermes ang pumapatay.

"Sayzia." Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.

"Linus." Sabi ko sa kanya. Umupo ito sa tabi ko at tinitigan ako. Napakunot naman ang aking nuo.

"Bakit?" Nagtataka kong tanong.

"Wala lang." Sabi nito at ngumiti. Di man nya ipahalata pero alam kong may bahid ng lungkot ang tingin at ngiti nya sa akin.

"May problema ba, Linus?" Tanong ko dito. Umiling-iling ito sa akin bago tumayo.

"Binibining Ophelia, iniimbitahan kita sa aming mansyon mamayang gabi. May importante akong sasabihin sayo." Sabi nito sa akin. Tumango-tango ako.

"Mauna na ako, Binibini. Pumarito lamang ako para sabihin iyon." Sabi nito bago hinalikan ang likod ng aking palad.

"I'm sorry, Sayzia." Sabi nito sa akin. Kumunot ang nuo ko sa sinabi nya pero di na ako nagtanong pa.

Tinapos ko na ang ginagawa kong pananahi bago pumunta sa hardin kung nasaan nandoon si Mercedes. Nagdidilig sya ng mga halaman ni Ina.

"Mercedes." Tawag ko dito. Tumingin ito sa akin at ngumiti.

"Bakit po, Binibini? May kailangan po ba kayo?" Tanong nito sa akin.

"Wala naman." Sabi ko at umiling-iling. Umupo ako sa upuan sa ilalim ng malaking puno ng mangga.

"Mercedes, saan ka nakatira at nasaan na ang mga magulang mo?" Tanong ko dito. Tumigil ito sandali at tumingin sa akin.

"Wala na po akong mga magulang, namatay po sila dahil sa sunog. Sa Tiya ko na lang po ako nakikituloy dati pero pinalayas nya po ako dahil di nya na daw po ako kayang kupkupin. Naiintindihan ko naman po dahil alam kong hirap din syang buhayin ang labing-isa nyang anak." Sabi nito at naglakad papalapit sa akin.

"Kaya sobra po akong nagpapasalamat sa iyong Ina, Binibini, dahil kinupkop nya ako. Malaki ang utang na loob ko sa inyo." Sabi nito at ngumiti sa akin. Ngumiti din ako sa kanya, pero di ko parin maitago ang labis na awa sa kanya.

"Hindi ko alam na ganyan pala kasaklap ang nangyari sa iyo, Mercedes. Pasensya na at inungkat ko pa ang nangyari sa iyong nakaraan-"

"Wag po kayong humingi ng pasensya, Binibini. Ayos lang po sa akin." Sabi nito at ngumiti.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon