OPHELIA'S POV
_________
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ni Linus.
"Napatagal ako dahil sinundan ko pa sila Hermes at Angelita." Sabi ko sa kanya. Kumunot ang nuo nito sa sinabi ko.
"What do mean, hindi umalis si Hermes. Kanina pa sya nandito." Sabi ni Linus sa akin. Bigla akong naguluhan sa sinabi nya.
"Ginagagu mo ba ako, Linus?" May halong inis na sabi ko sa kanya. Nandito kami sa kwarto ni Ophelia kasama si Mercedes.
"Totoo po ang sinasabi ng Ginoo, Binibini. Hindi po umalis si Ginoong Hermes." Sabi ni Mercedes.
"Pero—ugh gulong gulo na ako. Mamaya ko na lang sasabihin sa inyo ang nangyari. Kelangan ko munang harapin si Hermes." Sabi ko sa kanila.
Nagsimula akong maglakad papalabas sa silid. Bumungad agad sa pagbaba ko si Hermes na nakatayo habang nakatingin sa bintanang nakabukas. Nakatalikod ito sa akin pero biglang napalingon pagbaba ko sa pinaka huling baitang sa hagdan.
Medyo nabigla at nakaramdam ako ng kilabot sa biglaan nyang paglingon. Lalo na nang magkaslubong ang mga mata naming dalawa.
"G-Ginoo..." Nauutal na sabi ko sa kanya. Humarap ito sa akin.
"Binibini, kanina pa kita hinihintay." Sabi nito sa akin. Napahawak ako sa aking braso dahil sa tono ng pananalita nito.
"P-pasensya na, Ginoo. Bigla lamang sumama ang aking pakiramdam." Sabi ko dito. Tumango-tango ito.
"Maupo muna tayo, Binibini." Sabi nito sa akin. Tumango-tango ako at umupo sa kaharap na upuan kung saan sya umupo.
Nang tumingin ulit ito sa akin ay pinilit ko ang sarili na hindi umiwas ng tingin sa kanya.
"Binibini, kaya ako ay naparito dahil nais ko lamang pag-usapan ang pina-plano ng ating mga magulang. Tungkol ito sa pina-plano nilang kasal." Sabi nito sa akin na kinalaki ng mga mata ko.
I know na mangyayari to pero bakit ang bilis naman ata. Bakit parang nagmamadali sila?
"A-ano ulit iyon, Ginoo? K-kasal natin?" Nauutal na tanong ko.
"Oo, Binibini. Sa katunayan, ako ay pumapayag sa alok ng iyong Ama at Ina——"
"T-teka lang, ano Yun? Bakit ka pumayag?" Diretsong tanong ko dito.
"Dahil sa alok ng iyong mga magulang. Hindi na importante kung ano-ano ang mga iyon." Sabi nito sa akin.
"Pa-pano kung di ako pumayag?" Sabi ko sa kanya.
"Ang iyong Ama at Ina ang tanungin mo tungkol diyan, Binibini." Diretsong sabi nito na parang na-offend ko sya sa sinabi ko. Tumayo na ito at agad na nag-paalam sa Ina ni Ophelia. Tinanguan lang ako nito bago ito dire-diretsong umalis.
Pagkatapos nun ay bumalik ako sa silid. Bumungad sa akin si Linus na natayo habang nakatanaw sa labas. Di parin pala sya umaalis.
"L-linus." Tawag ko sa kanya. Lumingon ito agad sa akin.
Sinarado ko ang pinto bago lumapit sa kanya. Parehas kaming umupo sa gilid ng kama.
"Nai-stress ako sa nangyayari at sa mga nalaman ko." Panimula ko. Hinawakan nya ang kaliwa kong pisngi at dahan dahan itong hinaplos.
"I'm sorry, Sayzia. I-I can't help you, but I promise to protect you always. I think, that's one of the reason why I'm here." Sabi nito. Hinawakan ko ang kamay nya na nasa pisngi ko.
"Thank you, Linus." Sabi ko sa kanya bago ngumiti. Napapikit ako at dinama ang haplos nya sa aking pisngi, pero agad ding napamulat ng may maalala.
"Dapat birhen ka parin sa sunod nating pag-kikita."
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
