AIKEL'S POV
_______
Dumating ang emergency pagkatapos itong tawagan ng driver ng bus. Marami kasi ang namatay, yung iba daw bigla na lang nahimatay at hindi na nagising. Ang iba naman ay nagkagulo lalo na nung inatake sila ng mga kamukha nila kaya may dalawang namatay na studyante at yung iba ay critical.
"Sino bang may kasalanan ng lahat ng ito?" Galit na sigaw ng kaklase namin. Kanina pa ito nagwawala dahil sa girlfriend nyang namatay. Nagkatinginan kami nila Rod at Angel.
"Kayo ba?" Sabi nito at dinuro kami.
"Wag mo kaming sinisisi sa kapabayaan mo, Pre." Sabi ni Rod dito.
"Sinong gusto mong sisihin ko--"
"Ikaw." Sabi ko dito. Nakakapikon e.
"Kung hindi ka sana nagpakaduwag at iniwang nagsi seizure ang girlfriend mo, edi sana buhay pa sya." Sabi ko dito.
"Wag mong sinisisi sa iba ang pagkukulang mo, Daniel. Dahil ikaw naman talaga ang kasalanan." Sabi ko dito. Hindi ito naka-imik sa sinabi ko.
After ng nangyari sa amin ilang minuto lang ay nag-seizure si Vivian. Walang nakakaalam na may nangyayari na palang ganun. Kung hindi pa bumaba itong si Rod at naglibot libot sa paligid hindi nya pa makikita ang kalagayan ni Vivian pero huli na ang lahat. Masyado ng nabagok ang ulo nito. At ang lintik ng boyfriend nya ay iniwan syang mag-isa. Tsaka lang nagpakita itong si Daniel nung dumating na rin ang emergency.
"Angel, Rod, tara na." Sabi ko sa kanila at hinila na sila papaalis. Napagisipan ko na hindi na lang uuwi dahil maaring madamay pa ang pamilya ko kapag umuwi ako.
"San tayo ngayon? Hanapin kaya natin ang puno kung saan nilibing ang katawan ni Ophelia." Angel said. Sinabi ko sa kanilang dalawa ang nangyari sa panaginip ko.
"Para saan? Hindi naman natin kailangan yun, Angel. Walang gagawa sa inyo ng paglilipat ng curse." Sabi ko dito. Natahimik silang pareho at nagkatinginan.
"Wag nyong sabihing gagawin nyo." Galit na sabi ko sa kanila.
"Aikel, it's for you--"
"No! Hindi nyo yun gagawin. Walang gagawa nun sa inyo. Ugh! Bat ko pa kasi sinabi sa inyo." Inis na sabi ko.
"Ate, nawala na ang book." Sabi ni Angel sa akin. Kumunot ang nuo ko. Ni hindi pa nga namin napapag-aralan ang book na yun.
"But don't worry, saulo ko na ang lahat ng nakasulat dun." Angel said. Di ko na ako magtataka sa sinabi nya. She's intelligent.
"I'm still trying to figure out what's the meaning of every story that is written in that book. Not the boy with a lot of secrets, but the boy who's in love with the curse. The opposite." Sabi nito. Tumango-tango ako. Malaking tulong si Angel sa nangyayari.
Katulad na lang ng nasa bus kami, hindi ko agad naisip na maaring salamin lang ang makakatalo kay Shapeshifter. Sya lang agad ang nakaisip nun kahit na nagpapanic na ang lahat.
Tumuloy muna kami sa boarding house nila Angel. Doon muna kami pansamantala habang di pa namin na-aayos ang lahat. Hanggat nasa panganip pa kami.
"Magpapahinga lang ako. Kayo na munang bahala dito." Sabi ko sa kanilang dalawa bago ako pumasok sa loob ng kwarto.
Sana hindi ulit ako magkaroon ng nakakatakot at weird na panaginip. I have a sleep paralysis. Madalas akong binabangungot, minsan naman ay nai-sleepwalk ako. Hindi ko alam kung pano ako nagkaganto pero alam ko kung kelan ito nagsimula.
"SALOT! SALOT! SUNUGIN! SUNUGIN!" Nasa ilalim ako ng malaking puno habang nakatingin kay Ophelia.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
