XII (Transferring The Curse)

584 33 1
                                        

SAYZIA'S POV
________


Pagkatapos ng nangyari ay nakatulog agad kaming lahat. Kahit na nasasaktan parin ako sa nangyari, lalo na sa pagkawala ni Aurora dahil sa pagod ay nakatulog agad ako.

Kinabukasan, tahimik lang kaming lahat habang kumakain ng breakfast sa dining table. Pansin ko ang mata ni Tita Aikel na pagang paga ito. Siguradong umiyak ito ng nalala bago matulog.

Natapos kaming kumain ng wala paring nangamgahas na magsalita. Nagliligpit ako ng pinagkainan ng biglang lumapit sa tabi ko si Tita Aikel.

"Sayzia?" Tawag nito sa akin.

"Yes po, Tita Aikel?"

"Can we talk?" She said. Tumango-tango na lamang ako at sumunod sa kanya sa labas papunta sa garden ng bahay.

Umupo kami sa mga benches doon. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin bago magsalita si Tita Aikel.

"Are you ready?" She said. Malakas akong napabuntong-hininga bago sya sinagot.

"N-no. I'm scared, pano po kung di ako mabuhay? Pano po kung di ako ma-revive agad ni Linus at tuluyang mamatay?" I said. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay.

"Don't worry, alam kong gagawin ni Linus ang lahat para mabuhay ka ulit. Mahal na mahal ka ni Linus kaya kahit na labag man sa loob nya ang gagawin sa iyo ay nilaksan nya ang loob nya para sa iyo at sa mga kaibigan mo. Kaya lakasan mo rin ang loob mo, Sayzia. Sayo nakasalalay ang lahat." She said.

Tumango-tango ako. Nawala ang book pagkatapos mawala ni Phasing Black Reaper kagabi. Kaya sabi ni Tita Aikel, hindi na daw namin malalaman ang pwedeng mangyari sa amin pero tuloy parin kami sa plano.

Natatakot man ako sa maaaring mangyari pero kailangan ko itong gawin para tumigil na ang curse at wala ng makuha pa sa amin.

Bumalik kami sa loob. Naabutan kong maghuhugas ng pinggan si Linus sa kitchen. Lumapit ako dito at mahigpit itong niyakap mula sa likod. Medyo nagulat pa ito, hindi nya siguro naramdaman ang presensya ko.

"Sayzia, are you okay?" Tanong nito.

"Yah, I'm okay." I said. Kumalas ako sa pagkakayakap at tumayo sa gilid nya. Pinanuod ko sya at kung pano sya mag-hugas ng pinggan.

"Linus?" I said. Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng dalawang kilay.

"What if we failed? Pano kung hindi na ako magising after? Paano kung——"

"Sayzia, don't say that. I will never let that happen. Trust me." Sabi nito sa akin. Natahimik ako at hindi na nakapagsalita. Tinapos nya ang pag-huhugas bago nagpunas ng kanyang kamay. Hinarap ako nito at tinitigan.

"Sayzia, I'm not really willing to do what I'm going to do to you, but that's the only solution for you to be safe." Tumango-tango ako.

"Masakit para sa akin na patayin ka, Sayzia. But that's the only solution to get rid of the curse. I know you're afraid, I am too. I'm afraid I will not be able to get you alive." Sabi nya sa akin. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi bago ako hinalikan sa labi.

"Oops, Sorry." Rinig kong sabi ni Daddy. Bigla akong nakaramdam ng hiya.

"Kuha lang ako ng water." Sabi ni Daddy. Hindi ako makatingin kay Daddy hanggang sa matapos itong kumuha ng tubig.

"Anak, come to my office later." Sabi nito sa akin bago ngumiti at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Linus. Nakikita ko sa mga mata nya ang labis na takot at sakit. Alam kong nag-aalala sya sa maaaring mangyari. Maaring hindi kami magtagumpay sa plano at maaari ring magtagumpay kami. Pero kailangan lang naming tatagan ang aming mga sarili. We only have two goals at ito ay ang mawala ang sumpa at mabigyan ng katahimikan ang mga kaibigan naming namayapa na.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon