XXIII (Help Ophelia)

389 27 0
                                        

AIKEL'S POV
_______


After the incident, akala ko magiging okay na ang lahat. But I'm wrong, kinaumagahan ay dumating ang mga pulis at kinuha kami. Akala ko nung una ay idadala na nila kami sa pamilya namin pero hindi pala, dinala nila kami sa presinto at kinulong.

They said na may nagsabi daw sa kanila na kami ang pumapatay. But they're still investigating.

Dumating ang Daddy ni Rod, he's a lawyer. Alam ko naman na dati pa na against siya sa amin ni Rod dahil mahirap lang kami. Galit na galit ito sa nangyari at ilang beses akong pinagduduro at pinahiya. Naka-alis si Rod sa presinto pero ako ay hindi nakaalis.

Binisita ako nila Mama at galit na galit ang mga ito sa akin. I took all the blame 'cause I know I deserve it. Alam kong sa paglabas ko dito ay mas marami pang mga mangyayari. Nakakatulugan ko na lang ang pag-iyak tuwing gabi.

"Tolleriza, makakalaya ka na." Napaupo agad ako pagkarinig ng sinabi ng pulis.

Binuksan nito ang selda at pinalabas ako. Pagkalabas ko ay nakita ko agad ang Papa ko at ang mga kapatid ko. Ngumiti ako sa kanila at lumapit pero malakas akong sinampal ng Papa ko.

"Dahil sayo namatay ang Mama mo." Malakas na sigaw nito sa akin. Hinila na ako palabas ng isa kong Kuya at pinasakay sa aming tricycle.

Humagulhol ako ng iyak habang tahimik lang ang kapatid ko. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa makauwi kami. Pero mas lalo akong nanlumo ng biglang may sumugod sa aming bahay at pilit akong pinapalayas.

"Magbibigay lang ng salot ang anak mo, Mang Oskar. Susunugin namin ang bahay nyo kapag hindi nyo pinaalis sa bayang ito ang babaeng yan." Sabi ng number one chismosa sa aming bayan.

Pinalayas ako ng Papa at ng mga tao sa bayan namin. Mabuti na lang at inabutan ako ng Kuya ko ng malaking pera para daw sa akin. Magpakalayo-layo na daw muna ako at magbagong buhay.

Pupunta muna ako sa bahay nila Rod para humingi ng tulong. Gusto ko na rin syang makita at makausap. Nasa harap ako ng bahay nila at ilang beses na akong kumakatok sa gate nila pero walang nagbubukas ng gate. Animoy parang walang tao pero nakabukas ang mga ilaw sa loob ng bahay.

"Rod, please lumabas ka. Rod, Aikel to." Malakas na sigaw ko para marinig ako sa loob. Halos isang oras at kalahati rin akong naghintay bago ko makita si Rod na nagmamadali habang may dala dala itong malaking bag.

Binuksan nito ang gate nila at lumabas. Napaiyak ako ng makita ito, may pasa ito sa gilid ng kanyang labi at halata sa itsura nito na wala pa itong tulog.

"Tara na habang natutulog pa si Dad." Sabi nito sa akin bago ako hinila pero hindi pa man kami nakakaalis ng may magpaputok ng baril at tumama ito malapit lang sa amin.

Lumabas ang Daddy ni Rod na may dala dalang baril at kasamang mga tauhan nito. Hindi kami makagalaw sa aming pwesto dahil nakatapat mismo sa akin ang baril na hawak ng Daddy ni Rod.

Pagkalabas ng mga ito sa gate ay mabilis nilang kaming pinaghiwalay ni Rod. Umiiyak pa ako habang pilit na inaabot ang kamay ni Rod at ganun din sya.

"Hindi pa ba sapat ang pagtulong ko sa iyong nakalaya at ang perang ibinigay ko sa pamilya mo, gusto mo pang kuhanin pati ang nagiisa ko ng anak. Masyado kang suwapang na babae ka." Sabi nito sa akin at malakas akong sinampal sa pisngi.

"Ipasok nyo na ang anak ko sa loob at ikulong nyo sa basement." Utos ng Daddy ni Rod pero pumalag-palag ito at sinubukan lumapit sa akin.

Pumunta sa likod ko ang Daddy ni Rod at tinutukan ako nito ng baril sa ulo. Doon natigilan sa pagwawala si Rod.

"Kapag hindi ka sumunod sa gusto ko, papasabugin ko ang ulo ng babaeng ito." Sabi ng Daddy nya. Malungkot itong tumingin sa akin.

"I'm sorry." Sabi nito at hinayaan na nyang hilahin sya papasok. Umalis na rin ang Daddy ni Rod pero bago ito pumasok sa gate nila ay may sinabi pa ito sa akin.

"Lubayan mo ang anak ko kapalit ng buhay ng pamilya mo." Sabi nito at iniwan na ako doon. Napahagulhol ako at napaupo. Deserve ko parin ba lahat ang nangyayari sa akin?

________

PRESENT

"Simula nung gabing yun, pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik dito. But look, bumalik parin ako. Kasi gusto ko lang din kayong tulungan." Sabi ko kay Sayzia. Tumingin ako kay Rod na kanina pa nakatingin sa akin.

"Maaring binago nila ang solusyon para matanggal ang curse. Pero kelangan nating malaman kung pano maibabalik si Linus sa dati. Maaaring ganun din kay Angel ang nangyari kay Linus. Kaya kelangan na nating malaman ang sagot sa lahat." Sabi ko sa mga ito.

"How? Pano natin yun magagawa, Tita Aikel?" Tanong nito sa akin.

"Kelangan nating malaman ang buong pagkatao ni Ophelia, dapat nating malaman ang nangyari sa buhay nya, kung pano nagkaroon ng curse. Kung bakit sya pinatay." Sabi ko sa kanila. Tumango-tango si Sayzia.

"Pero pano natin yun magagawa, Tita Aikel? Pumunta na kami sa bahay nila pero wala kaming nakalap na ibang info." Sabi ni Sayzia.

"Nalibot nyo ba ang buong bahay? Ang sabi nila may secret room daw sa bahay na yun pero walang sino man ang nakakaalam kung nasaan iyon." Sabi ko sa kanila.

"Kelangan nating pumunta ulit sa bahay na iyon." Sabi ni Sayzia.

"Yes, pati na rin sa puno kung san nilibing ang katawan nya." Sabi ko sa kanya.

"Tita Aikel, tingin mo ba e wala talagang kasalanan si Ophelia?" Sabi ni Sayzia sa akin.

"Alam kong wala syang kasalanan kaya kailangan nating malaman kung pano nagkaroon ng curse." Sabi ko at tumango-tango naman ito.

"Tinulungan nya tayo kaya this time tayo naman ang tutulong sa kanya."

*****

Please kindly vote and comment but don't spoil the plot twist of this story. Thank you!

🌷

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon