OPHELIA'S POV
________
Se puede escribir una nueva historia. a new story can be written.
"Binibini, ayos ka lang ba?" Tanong nito sa akin ng hindi mahihimigan ang pag-aalala sa boses nya. Tumingin ako sa kanya.
"Ah-ahhh, ayos lang ako. Bigla lang sumama ang aking pakiramdam, Ginoo. Maaari na ba tayong bumaba?" Sabi ko sa kanya at pinilit ang sarili na ngumiti kahit na ramdam ko ang panginginig ng aking kamay. Ngumisi ito sa akin bago tumango.
"Pasensya na, Ginoo." Sabi ko dito.
"Ayos lang, Binibini. Sa susunod ko na lang ipapakita ang mga aklat na may lamang tula na ginawa ko. Sana mag-kita pa tayo ulit, Binibining Ophelia." Sabi nito sa akin na nginitian ko na lang. Naglalakad na kami pababa.
Sana di nya nahalata ang pagkagulat ko kanina. Naguguluhan parin talaga ako. Gusto kong ma-confirm kung sya na talaga ang taong nag-curse kay Ophelia. Ang taong nagpasimula ng mga nangyayaring patayan.
Halata sa kanya na marami syang tinatago. Marami rin akong napansin sa kwarto nya. Marami akong napapansin na sirang mga gamit nya. Masyado ring makalat sa loob ng kanyang kwarto. Marami syang mga weird na drawing sa mga pader nya. May mga nagkalat din na bubog sa sahig na hindi ko alam kung saan nanggaling. At isa pa sa napansin ko ay hindi sya nagbubukas ng kanyang mga bintana. Kahit na sobrang init na sa loob ng kanyang kwarto.
Pagkababa namin ay hindi parin tapis sa pagkukwentuhan si Ina at ang Nanay ni Hermes. Tumigil naman sila sa kwentuhan ng makita kami.
"Ina, pwede na po ba tayong umuwi? Bigla po kasing sumama ang aking pakiramdam. Pasensya na po." Sabi ko dito. Ngumiti naman ito sa akin tumango-tango.
Nagpaalam sya sa Nanay ni Hermes at ganun din ako. Di ko na magawang kausapin at tignan pa si Hermes kaya nagmamadali na akong pumasok sa karwahe para makaiwas sa kanya.
Nang makapasok si Ina at magsimula ng umandar ang karwahe ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Kelangan ko na talagang pumunta sa isang silid aklatan. Meron kaya dito?
"Ina, pwede po ba tayong dumaan sa silid aklatan?" Tanong ko dito. Mahinhin itong tumawa kaya napakunot naman ang nuo ko.
"May sarili tayong silid aklatan sa mansyon, Mija? Nakalimutan mo na rin ba ang tungkol doon?" Sabi nito sa akin na ikinatigil ko. Tumango-tango na lang ako at awkward na ngumiti sa kanya.
"Kamusta ang iyong pakiramdam, Mija?" Tanong nya sa akin.
"Ma-masama parin po ang aking pakiramdam, Ina. Pero huwag po kayong mag-alala sa akin, kaya ko naman po ang sarili ko." Sabi ko sa kanya.
"Mabuti pa'y magpahinga ka muna sa iyong silid. Ipagluluto kita ng sabaw para gumaan ang iyong pakiramdam." Sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Maraming salamat, Ina."
_______
"Caduceus. Caduceus. Caduceus. Asan ka na ba? I can't find it." Nakailang kuha na ako ng books dito sa silid aklatan sa mansyon pero hindi ko parin mahanap ang salitang Caduceus.
Kung may phone na ng panahong ito, madali ko na lang mahahanap ang meaning ng mga word na iyon.
"Caduceus. Caduceus. Ilang books pa ba ang kailangan kong basahin para mahanap lang yun? Sumasakit na ang ulo ko." Sabi ko sa sarili at tinigil na muna ang pag-hahanap. Sumasakit ang ulo ko dito. Kanina pa ako nag-hahanap, di ko na alam kung anong oras na.
"Mija." Napalingon ako sa pinto ng silid aklatan ng tawagin ako ni Ina.
"Hindi ka parin ba tapos sa iyong ginagawa. Mas maganda kung ipagpapabukas mo na lang muna iyan. Magpahinga ka na muna." Sabi nito sa akin.
BINABASA MO ANG
Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)
HorrorPART I ...... Every All Souls' Day, Filipinos observe a long-standing tradition of visiting cemeteries to remember and honor loved ones who have passed away. Some families even choose to stay overnight, sleeping beside the graves, because it is ofte...
