XXX (Soul Guide)

348 26 0
                                        

OPHELIA'S POV
________


Labing-dalawa? Labing-dalawang ano? Papatayin nya ba? Labing-dalawang babae? Maaaring tama ako pero maaaring mali rin. Pero kung sakaling tama ako, sino sino ang mga babaeng iyon?

Kelangan kong makakalap ng info about sa tatlong babaeng pinatay. Alam kong makakatulong iyon para sa misyon ko dito.

"Ina?" Sabi ko sa aking ina na nasa sala. Busy ito sa pagbuburda.

"Ano ang iyong kailangan, Mija?" Tanong nito sa akin. Umupo ako sa tabi nya at tumingin sa kanya.

"Ina, pwede po ba akong magtanong sa inyo tungkol po sa mga babaeng pinatay sa plaza at sa palengke?" Tanong ko dito. Tinigil nya ang pagbuburda at tumingin sa akin ng diretso.

"Ano ang iyong katanungan, Mija?" Sabi nito sa akin.

"Ano po ang mga pangalan ng babaeng pinatay sa plaza at palengke, Ina? Kilala nyo po ba sila?" Sabi ko sa kanya.

"Nalaman ko lang ang mga pangalan nila dahil sa iyong Ama. Ang mga pangalan ng mga binibining pinatay ay Pelita, Ora, at ang babaeng pinatay sa palengke ay si Hera. Silang lahat ay galing sa mga mayayamang pamilya." Sabi ni Ina. Tinandaan ko agad ang bawat detalye sa mga sinabi ni Ina.

"May alam na po ba sila sa kung sino ang pumatay sa mga babaeng iyon?" Tanong ko ulit kay Ina. Malungkot na umiling-iling si Ina.

"Pero ginagawa ng iyong Ama ang lahat para malaman ang salarin sa nangyayaring pagpatay sa mga kababaihan dito sa ating bayan." Sabi ni Ina. Tumango-tango ako at ngumiti ng kaunti sa kanya.

Ang dapat kong gawin ngayon ay laging bantayan ang mga kilos ni Hermes. Malakas ang kutob ko na may kinalaman sya sa mga nangyaring pagpatay.

Pelita, Ora, at Hera. Sila ang mga babaeng galing sa mayayamang pamilya. Ang daming katanungan sa aking isip na hindi ko parin masagot masagot. Katulad na lang ng nangyari sa akin nung isang gabi. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon panaginip. Alam kong totoong nangyari iyon. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit wala akong sugat sa bandang dibdib ko at isa pa ay ramdam ko parin na tumitibok ang puso ko. Ang tanging nagpapatunay para sa akin na totoong nangyari ang lahat ay ang pulang marka ng mga daliri at sakit na nararamdaman ko sa aking leeg pag-gising ko.

Ramdam ko ang sakit ng leeg ko, pag-gising ko pero di ko pa nakita ang marka sa leeg ko. Napansin ko lang iyon ng bumalik ako sa silid ni Ophelia para magsalamin. Napansin ko agad ang pulang marka ng mga daliri sa aking leeg.

Simula nung nangyari kahapon ay sinasama ko na si Mercedes sa silid-aklatan sa tuwing pupunta ako doon para hanapin ang mga salitang nakita ko sa mga hita ng babaeng pinatay. Hindi ko na kayang pumunta ng mag-isa lang doon dahil natatakot akong mangyari ulit ang nangyari sa akin nung isang gabi.

"Senyora, Binibini, may natagpuan na naman daw pong bangkay ng babae. Sa palengke na naman po ito nakita. At ang nakasulat po sa hita ng babaeng iyon ay letrang Z." Sabi nito. Napakunot ang nuo ko.

"Iyon lang ang nakalagay sa hita ng babae? A-anong pangalan nung babaeng pinatay? Alam mo ba?" Tanong ko dito. Tumango-tango ito. Anong ibig sabihin nun?

"Eva Miranda po, Binibini. Anak ng dating Alcalde Mayor ng Cabacalan." Sabi nito sa akin. Tinandaan ko ang pangalan ng babaeng sinabi sa akin ni Mercedes. Pelita, Ora, Hera, at Eva.

"Mercedes, samahan mo ulit ako sa silid-aklatan." Sabi ko sa kanya at tumayo na.

"Opo, Binibini." Sabi nito. Nagsimula na akong maglakad habang si Mercedes naman ay nakasunod sa akin sa aking likuran.

Pagbukas ko pa lang ng pinto sa hagdanan ay may kakaibang kilabot na naman akong naramdaman. Kahit na kulob ang loob ay kakaiba parin ang lamig dito. Para bang kulob na silid na kapapatay lang ng aircon ang lamig nito.

Ophelia Libano's Curse (COMPLETED)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon