Kabanata II: Ang Parte ng Nakaraan

15.5K 376 52
                                    

YACI

"THAT WAS BRILLIAN, YUM!" Magiliw na salubong ni Tita Micah sa amin. Nasa dressing room kami ngayon ng aking Mommy at kasalukuyang nagbe-break sa katatapos lang na rehearsal nila sa gaganaping concert nito next week. I was just here for support and to learn also by watching her with the opera.

"Micah!" Masayang salubong ng Mommy ko sa dumating at binigyan ito ng bone crushing hug. Though ngayon lang kami nagkita ng personal ni Tita Micah ay nakilala ko pa rin ito kahit na nga nag-mature na ito. Who wouldn't know her? She's one of the famous talk show hosts in international show business. And like Mmy and Ma, babae rin ang asawa nito. Nagkatuluyan sila ni Tita Sheila na kaibigan rin ng mommies ko. Tita She was still playing Lawn Tennis. "Hmm na-miss kita. Buti naman umuwi ka rito," dagdag na sabi ni Mommy pagkatapos nyang kumalas sa pagkakayakap kay Tita Micah. Sa Brazil na kasi ito nag-migrate kasama ng pamilya nito.

"Umuwi kami, Yum. We're staying here for good," masayang balita naman ni Tita Micah.

"Talaga? Oh my god. Siguradong matutuwa si Dani pag nalaman nyang narito na kayo. Nagkita na ba kayo? Where is Sheila?"

"Nope. Dumiretso ako dito kasi may meeting ako sa organizer ng concert mo. Ako ang host eh," nakangiting sabi naman nito. "As for Sheila..."

"I'm here," sabad naman ng isa ring magandang ginang. Pagkatapos makita ng mommy ko ito ay magiliw na nagyakapan naman ang dalawa.

They talk random things again at nagkumustahan. Nakalimutang naroon pala ako.

"Ito na ba si Yaci?" Sa wakas napansin rin ako ni Tita Shiela.

"Oh yeah." Para namang natauhan si Mommy. "Halika, baby," tawag nito sa akin. Nakangiti naman akong lumapit sa mga ito. "This is my bunso girls, si Yaci. Yaci, this is your Tita's, Micah and Sheila..." pagpapakilala sa amin ni Mommy.

Makikipagkamay lang sana ako sa dalawang ginang pero magiliw na nila akong binigyan ng mahigpit na yakap.

"Ang cute ng anak nyo, Yum. She looks more like you but the eyes were Danica's," ani Tita Micah.

"Of course. Saan pa ba magmamana ng kagandahan ang mga anak ko kundi sa magagandang mommy rin nila," proud na sabi ni Mommy. Napangiti na lang ako. That was true kasi. My physical features was more on Mayumi Tan but my eyes is from my Mama Danica. Opposite kami ni Ate Yuca. She got Mommy's eyes.

"Sya nga pala," sabi ni Tita Sheila na napabalik sa pinto at may tinawag mula sa labas. "Mishael! I told you to come with us." Narinig kong saad nito sabay hila sa isang dilag papunta sa gawi namin. Hindi ko pa nakikita ang mukha nya dahil nakayuko ito at natatakpan ng mahabang itim na buhok at naka-hoodie rin ito.

Emo.Yun agad pumasok sa isip ko. Matangkad naman ang babaeng tinawag na Mishael kaya lang mahilig sa dark colors. Magkasingtangkad lang siguro kami. Nasa 5'5" lang ang height ko and my ate Yuca was 5'7". The girl's hoodie was black, knee shorts na black at vanz na black. May earphone rin ito na nahalata ko lang when she was near us.

Checking her out, eh? Admittedly, yes brain. Maganda naman kasi ito kaso parang aloof. Emo nga. Oo nga, sabi mo eh.

"This is our daughter Yum, Mishael. Hale, this is your Tita Mayumi and her daughter Yaci," pagpapakilala sa amin ni Tita She.

Hale? Cool!

The girl sheepishly smiled to my Mom but the latter give her a welcoming hug. Ako naman, syempre naki-hug na rin para pang welcome. Para naman itong tuod na nakatayo lang doon but infairness, ang bango ha.

"So, sa VBS nyo rin ba i-e-enrol si Hale?" tanong ni Mommy. Si Hale naman, uninterested na naupo sa couch na naroon at mukhang nakikinig lang sa kung anong nasa playlist nya.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon