Pinasok ko ang sitwasyong hindi ko alam kung paano ako lalabas
Hindi ko naman pinagsisihan dahil naranasan kong maging masaya
Tuwing kapiling sya'y kiliti sa puso ang hatid at ligaya
Kaya tumagal kami't patuloy na magkasamaBuhay nya, buhay ko, bukas at walang tinatago
Binabahagi lahat sa isa't isa kahit madilim na sekreto
Teka, sandali, ako lang pala ang nagsabi ng totoo
Binigyan ko pa kasi sya ng panahon para ako'y pagbuksan ng pintoUnang kita ko pa lang sa kanya minahal ko na
Sabi nya ganun din naman sya
Pero ewan ko ba may kakaiba sa kinikilos nya
Hindi ko lang alam kung guni-guni ko lang baSabi ko sa kanya, mahal kita
Sagot nya, mahal din kita
Sabay yakap sa akin ng mahigpit
Na ramdam ko namang iba na ang kanyang pagkakakapitLumipas ang mga araw isipa'y puno pa rin ng tanong
Ngunit gustuhin ko man hindi ko namang magawang magtanong
Takot ang bumabalot, sa pusong nagsusumamo
Na sana'y kapraningan lang ang lahat ngunit sarili ko lang ang nilolokoKaruwagan man ang aking gagawin
Hindi ko lang sya kayang lisanin
Kaya nya man akong linlangin
Magtitiis pa rin at tapat syang iibigin˜*˜
AN:
Sapat ba ang pag-ibig para magpakamartyr? Anyway, patalastas lang. Nagsesenti lang dahil malapit na valentayms. XD
P.S.
May relevance 'to sa kwento. Hindi lamang itong ordinaryong pahina.
Nagmahal, nasaktan, naging aswang,
Corazone 😘
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...