YUCA
MABILIS NA NAGDAAN ang tatlong araw at hindi ko napansin ang mga kakaibang pangyayari sa buhay ko at sa buhay ng mga tao sa aking paligid.
There are foreign feelings na pumapasok sa diwa ko ngayon. Hindi ko maintindihan kung ano itong mga pakiramdam na 'to. This is all new to me.
Nakakalito. Lalo na noong dumating si Miss Stone dito sa VBS. Oo nga't attracted ako sa mga kabaro ko. I am a total lesbian, that I can't deny, kahit NGSB o NBSB ako. Yes, guys, 'di pa ako nagkakaroon ng boyfriend o girlfriend then I concluded myself as a lesbian. Confusing, right? Pwede nyong sabihin na baka nalilito lang ako o dahil sa parents ko kaya ako nagkakaganito but no, lesbiana ako. Period.
Balik tayo kay Miss Stone. Admittedly, may little crush, okay hindi little, huge crush. Yan, huge crush, happy? Sige, may huge crush ako sa aking English teacher. So, crush lang naman, 'di ba? Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Super attracted ako sa teacher ko and its not right, right? The fact that she's my teacher and probably straight. She's so hot, gorgeous, and very desirable. At sa tatlong araw na naging teacher ko ito'y nalaman kong 5 years ang gap namin. Tsaka she's a good teacher at ang bait pa. Sinong hindi magkakagusto sa kanya? Nagkakagulo nga minsan ang mga kaklase ko dahil gustong magpapansin sa kanya. Ako? Tahimik lang dahil nahihiya pa rin ako sa nagawa ko nung first day nya. Hayy, if only I could turn back time.
So, that explains kung ano talaga ang sexual orientation ko. Kahit 'di pa ako naka-experience makipagkarelasyon, the mere attraction that I'm feeling with my teacher right now, sums it all.
Enough of that label arguments, hindi na naman ako magbabago. Ganito na talaga ako. Period, again. Makakuha na lang nga ng pictures ngayon.
Acquaintance Party na kasi sa Friday and all SCO officers are busy na nagpe-prepare dito sa VBS arena. Oo, dito na lang ginaganap ang Acquaintance Party unlike many years ago na sa mga hotels and other establishments. Hindi naman sa tinitingi kami ng school pero mas safety kasi dito sa VBS arena. Ang dami na rin kasing estudyanteng napahamak nung sa labas nila inoorganisa ang event na yun. Mas advantage lang dito dahil mas mahigpit ang security at mas classy pa ang arena compare sa ibang hotels o establishment.
Napakalaki rin kasi ng Arena at ang mga nag-construct at nag-design nito ay proud na proud akong sabihin na ang dalawang Tito kong kambal, na sina Tito Cris at Tito Basil. Engineering and Architect ang naging peg ng mga Tito kung yun. Pero mas prioritize pa rin nila ang kumpanya ng mga Lopez's. Bale, for the sake of the school, which is their alma mater, napapayag sila ng ex-headmaster slash one of the current board of trustees, na si Mr. Brad Pittsburgh, na sila ang gumawa ng arena. And I can definitely say na job well done sa mga Tito ko.
"Hi babe." Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Ay kabayo!" Natralala ako ng saglit. Potek naman itong nanggugulat. Muntik ko ng nahulog ang pinakamamahal kong camera. Buti na lang may sling itong nakasukbit sa leeg ko, kung hidi pa, ay nakuup! Baka samain talaga 'tong nanggulat sa akin. Ang mahal pa naman ng camera ko! Regalo ito ni Mama when I turned 17.
"Oh, nakakagulat talaga ang presensya ko babe." Kahit nakatalikod pa ako'y alam na alam ko ng abot hanggang tenga ang ngiti ng hunghang na salarin. Hinawi ko muna ang bangs kong tumakip sa mukha ko tsaka ako humarap dito. At tama ako, ang mokong ay ubod ng lapad ang ngiting nakatingin sa akin.
"Anong kailangan mo, Marlo?" taas kilay na tanong ko dito.
"Aww, babe. Hindi mo ba ako na-miss?" anito.
Tumaas lalo ang isang kilay ko sa narinig. "At bakit kita mami-miss?" supladang turan ko. Hindi naman naapektuhan ang bruho. Ngiti pa ito rin to the max.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...