Kabanata XIV: Ang mga Emo

8.4K 292 35
                                    

YACI

"TE, KAILANGAN MO talagang umuwi mamayang gabi. Tsaka kailangan rin naroon si Kuya Marl dahil get together yun ng pamilya at barkada nila mums," sabi ko sa kausap ko sa kabilang linya, walang iba kundi ang aking pinakamamahal na ate.

"Wala akong natatandaang schedule nila mamaya, ading. Bakit biglaan ata?" tanong ng ate Yuca ko.

"Hindi ko rin alam, te. Basta umuwi ka na lang. Teka nga, ba't ba nag-aalinlangan ka? Dati-rati naman ay di ka na nagtatanong, ah." Natahimik naman ang ate ko sa kabilang linya. Tinignan ko ang screen ng phone ko, baka na-end call ko ng di ko namamalayan, pero hindi naman. "Ate? Andyan ka pa ba?"

"O-oo." Tumaas ang kilay ko dun. Bakit para syang kinakabahan? "S-sige, sige, uuwi ako." Narinig kong bumuntong hininga ito. "Alam na ba ni Marlo 'to?"

Ang weird naman ng mga nangyayari sa ate ko.

"Hindi pa ata, te. Kakasabi lang kasi nila mama at dito sa bahay gagawin yung party kaya mukhang ngayon pa lang nila ipapaalam." Nonetheless, hindi ko na pinansin ang nangyayari sa ate ko. Ang importante ay mapaalam ko sa kanya na kailangan nyang umuwi mamayang gabi dahil maya-maya nga ay papanaog na ang mga magulang ko't aalis na kami para mag-grocery.

Today is Sunday. This day is supposed to be our family day pero ilang weeks na rin naming di nagagawa dahil sa palagiang pagpapraktis ni mmy para sa concert at kabikabilaang photoshoots ni mama.

"Okay. Ako na magsasabi kay Marlo. Susunduin ba ako ni Tatay Jack?"

"Oo, te. Anong oras ka ba matatapos dyan?"

"Whole day pero try ko magpaalam ng half-day kay Ate Tina."

"Ate Tina?" Huh? Di ako pamilyar sa kung sino ang tinutukoy nya. Tsaka kailan lang nagka-ate si ate Yuca sa school?

"Uh-huh. Si Miss Stone. Sige, tatawag ako ulit after kong makapagpaalam. Magpapraktis muna kami. Bye, ding. Send my regards to our mums. Love ya."

"Ate---" Ate yuca hung up. "I love you, too." Pahabol ko kahit di na nya maririnig. Awp. Nagmamadali?

"Uyy, may pa-I love you, I love you na bunsoy namin, ah." Panggugulat ni mama mula sa likod ko.

"Mama naman," natatawang litanya ko. Nagulat talaga ako dun. "Si ate kaya yun."

"Weh?"

"Totoo, ma. Kahit tignan mo pa call logs ko."

"Ang defensive naman ni bunsoy," tudyo pa rin nya sa akin. Si mama talaga, kahit kailan ang lakas mangtukso. Tumahimik na lamang ako kaya naman kinurot nya ako sa magkabilang pisngi.

"Mama!" I whined and pouted pagkatapos nyang panggigilan ang pisngi ko.

"Aww. Ankyut ng bunsoy namin." Tsaka pa nya ako tinigilan. Haist. Si mama talaga. "Anong sabi ng ate mo? Pinayagan ba sya ni Aileen?" tanong ni mama habang inaayos ang damit ko. "Blooming ka, bunsoy. Umamin ka, may gelpren ka na, ano?" Hindi ko napigilang matawa sa pag-iiba ng tono ng accent ni mama. Ginaya nya kasi ang bisaya accent ni Manang Inday.

"Mama, mamaya multuhin ka ni Manang sa ginagawa mo." Opo, patay na si Manang Inday. Last year lang dahil sa cancer. Napagamot pa namin sya at napa-chemo. Gumaling naman sya kaso isang araw ng ginising ko sya, hindi na ito nagising. Though, masakit sa aming lahat ang nangyari dito, lalo na kay mmy na tinuring itong pangalawang ina, naging masaya na lang din kami dahil natupad ang hiling ni Manang na sana'y mamatay syang payapa at hindi sa ospital na naghihingalo.

"Aguy. Alam mo kung sino sa pamilya ang takot sa multo, anak. At hindi ako yun." Yeah, o nga pala, si mmy at ate ang tinutukoy nya. Ewan ko sa dalawang yun, ang aangas naman pero pag madilim at multo na ang usapan, nababahag ang buntot. Tsk!

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon