Kabanata XXIX: Ang Pagtataksil

5.4K 182 29
                                    

MISHAEL

"HAY NAKU, YACI. Hindi kasi nag-iingat eh." Hindi ako mapakaling naghihintay sa labas ng clinic. Kahit sabihin pang malayo sa bituka ang sugat ni Yaci, nakakabahala pa din. Paano kung may epekto yung chemicals na pinaghalo dun sa nabasag na flask? Eh nag-e-experiment pa lang kami nun. Nakuuu... hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. May pa-catch-catch pa kasi akong nalalaman, eh. Ugh!

Tanga mo, Hale! Paninisi ko sa aking sarili.

Mabuti na lang hindi nag-freak out si Yaci sa nangyari. Ang alam ko kasi nung mga bata pa kami, takot sya sa dugo. But now, I can see how strong she is dahil hindi sya nag-react nang makita ang dugo sa kamay niya. Although parang natigilan ito na akala ko ay patungo na sa paghihysterya nya'y hindi pala ganun. Baka na-shock lang ng konti.

Anyway, I was in my panic mode pa din ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko at tinignan kung sinong tumatawag sa akin. Para akong naubusan ng dugo nang makita ko kung sino ang tumatawag.

Patay ako! Sigurado akong pagagalitan nya ako dahil sa pagpapabaya ko kay Yaci.

Kahit natatakot man, sinagot ko pa din ang tawag. Aakuin ko ang lahat dahil kasalanan ko naman kung bakit nasa clinic ngayon si Yaci.

"A-ate Yu, y-yes p-po?" Mahina akong lumunok at naghahanda ng makinig sa sasabihin nito.

"Saan ka, Hale? Kasama mo ba si Yaci? Hindi ko sya matawagan eh." Mukhang hindi naman galit. Nabunutan tuloy ako ng tinik.

"Kasama ko pa si Yaci. N-nasa cli---"

"Hale? Choppy ka. Please bring her to my room. I-i need to tell her something important."

She sounded off. I can't help to ask her what's going on.

"Ate? May problema ba? Umiiyak ka?" Matagal bago nakasagot si Ate Yuca.

"I-- " Affirmative, umiiyak si Ate Yuca. Myghad! Akala nya siguro malala na si Yaci. Patay talaga ako. "Hale, this is Tita Mara..." Oh? Why is Tita Mara here?

"Yes, Tita?" agad kong sagot.

"Please just bring Yaci here and we'll explain everything later ha."

I'm such a hard-headed person and I need further information about this. This is really something important kasi pumunta pa si Tita Mara dito. I'm sorry, I just can't let this go.

Chismosa ka lang, eh! Shatap, brain!

"Tita, sorry, but can you tell me what's going on?" As nosy as I am, I need to know more.

Tita Mara knows me well. Kaya naman she told me some of the details which I actually regretted knowing first. Parang wala kasi akong karapatang maunang malaman yun but then good thing that I know of it first as well, because eventually, I'll know how to handle it. For Yaci.

But I can't help my eyes to escape some extra liquid on it. I just found my tears flowing from my face na agad kong pinapahid. Bakit? Bakit kailangang mangyari ang ganito?

"Hale." Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon na nagmumula sa likod ko. Agad kong pinahid ang aking mga luha at sumagot muna ng mabilisan kay Tita Mara.

"Yeah. I'll come with her. We'll see you." I turned off the phone at kunwaring nagtatanggal ng muta sa mata pero nagpapahid na pala ako ng luha.

Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nya. Kaya pinagpasyahan ko na lang syang yakapin para hindi na nya mapansin ang namumula kong mata. Niyakap ko sya ng mahigpit. Pinaparamdam ko dito na hindi ko sya iiwan.

"Ano ka ba? Hindi pa ako mamamatay. Malayo sa bituka yun," biro pa nya.

Naiiyak na naman ako. Hayyy... luha, stop!

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon