BONUS CHAPTER
"OKAY KA LANG?" tanong ni Tina sa fiancee na kanina pa nakatulala sa couch. Tinabihan nya ito at niyakap.
"Oo," maikling sagot ni Yuca at gumanti ng yakap sa kanyang iniirog.
Narito ulit sila sa bahay ni Tina sa Teacher's village. Bumisita si Yuca kay Tina after work.
"Sigurado ka? Kanina ka pa wala sa sarili mo?" Hinalikan ni Tina ang noo ni Yuca. "You know you can tell me anything, right?" Tina encouraged.
Yuca sighed. "I'm just so worried."
"Saan? Sa kasal?" mahinahong tanong ni Tina. Kumalas naman sa pagkakayakap si Yuca at hinarap ito. Hinawakan ni Yuca ang magkabilang kamay ni Tina.
"Hindi, love. Ang tagal kong hinintay ang araw na yun para sa ating dalawa. This has nothing to do with the wedding," Yuca answered.
"Is this about Yaci?" hula ni Tina.
"Yeah," sagot ni Yuca. Nag-iba ito ng upo at sinandal ang likod sa couch. "Hindi ko na alam ang dapat sabihin sa kanya to convince her."
"Love, malaki na si Yaci. She has the say whatever she wanted in her life."
"I know." Muli, bumuntong hininga si Yuca. "Hindi ko lang mapigilang mag-alala. Okay na sana ako ako sa pagtuturo nya sa TMS (Tan Music School). She's safe there tsaka matutulungan pa nya ang business namin while she choose the degree she's supposed to take."
"Love, listen to me." Tumingin naman si Yuca kay Tina. "Did you see how happy Yaci is? Tsaka Yaci told you her reasons why she chose that path. Your mums are very supportive of Yaci's decision. Actually, she's handling it well and she survived for two years now."
"I understand. But she's my baby sis. I don't want her to get hurt."
"Hmm. Nakalimutan mo na rin ba yung sinabi ni Yaci? Let me remind you na para yun sa self-growth nya at para na rin makatulong sa bayan. She has her reasons. She's intelligent, skillful, talented and most of all, very qualified sya dun."
"You are right." Yuca gave in. "Natatakot lang talaga ako para sa kanya pero tama ka. Shall I call her?"
"Well, she will be happy to hear it from you that you finally understand her choices," Tina said. "But I think she's busy. Uuwi naman sya sa weekend, 'di ba?"
"Uuwi sya?"
"Hindi mo alam?" nagtatakang tanong ni Tina kay Yuca.
"Hindi."
"Oh. Shoot." Nagtatakang reaction ni Tina. "She texted me na uuwi daw sya this weekend."
"Nag-text sya sa'yo?"
"Yeah. Kinumusta ko kasi sya nung isang araw," Tina explained. "Baka gusto nya lang kayong surpresahin kaya hindi nya sinabi," dagdag pa ni Tina. "Me and my big mouth," bulong ni Tina sa sarili. Mas lumungkot kasi ang mukha ni Yuca sa kanyang sinabi.
"Galit kaya sya sa akin kaya hindi nya sinabi na uuwi sya?" malungkot na tanong ni Yuca.
Gustong batukan ni Tina ang sarili dahil sa talas ng dila nya.
"Ah eh... Hindi naman siguro. Surprise lang siguro talaga yun, love." Hinanap ni Tina ang text ni Yaci sa phone. Nakita ni Tina na wala namang surprise na nakalagay sa text ni Yaci. "Ay, ayan nga. Surprise daw, love. Naku, patay ako kay Yaci. Sinabi ko na sa'yo na uuwi sya," gawa-gawa ni Tina.
Bakit ba kasi sa akin lang sinabi 'to ni Yaci? tanong ni Tina sa isipan.
"Talaga?" Nabuhayan ng loob si Yuca na sinilip ang phone ni Tina. Agad namang ini-lock yun ni Tina.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...