Sa Acquaintance Party...
YUCA
"ANG GALING NILA magtago, Yu," bulong ni Ark sa akin habang pasimpleng tinignan ang dalawang babaeng kanina ko pa rin minamasdan.
Sang-ayon ako kay Ark. Ang galing nga talaga magtago ng feelings yung dalawang teacher. Simula kasi kagabi, hindi namin nakitaan na may ibang pagtitinginan ang mga ito. Sa isip ko naman, baka 'di lang showy yung dalawa sa feelings nila kaya nga sa likod pa ng stage nagyayapusan, 'di ba? Anyway, may gesture kahapon si Miss Stone na hindi ko alam kung dapat ko bang ikasiya o hindi. Hayy...
Hindi ako agad nakatugon sa sinabi ni Ark dahil bigla na lang lumingon yung isang babaeng dahilan ng pagsa-somersault ng tyan ko tuwing makikita ko ito. I'm sure sa akin sya nakatingin at agad kong nakitang ngumiti ito na ikinalusaw ng malandi kong puso. Emergeyd!
"Yu?" untag sa pagde-daydream ko ng bruhong Ark.
"Ano?" inis na turan ko. Eh, paano naman kasi, nang-eepal lang 'tong baklita na 'to sa dreamland ko. Hindi ko ulit ito pinansin at bumuntong hininga na lang kasabay ng sparkling shimmering eng-eng-eng na pagtitig sa aking crush.
"Gosh, Yu. Nginitian ka lang parang nahulog na ang panty mo. Ang exagg, ha." Di ako tinigilan ni Ark. O nga pala, kasi wala pa si Ici dito dahil nandun sila sa tapat ng stage nagbabantay.
Kasalukuyan namang nagpe-perform ang NGUF, panay ang tili ng mga kababaihan at kabaklaan sa Arena pero kami, nasa bantay mode pa rin. Bakit? Kung tanda nyo ang consequences sa pagkakalat namin sa DITO, maiintindihan nyo kung bakit nakabantay lang kami ng tropa ko at nakatayo sa kanya-kanyang post na gaya ng mga teachers sa paligid. Hayy, I promise to not to get caught when I'll do my stunts again. This is my last year to attend this AP (Acquaintance Party) and supposed to be nagsasaya with the Victorians pero heto nga't ngatngat na lang ang damdamin naming nanonood sa kanila.
Though, pinayagan naman 'yung mga ilan sa amin, like Yaci, Marlo, at Marga na may special part sa event, na gawin muna yung mga task nila pero pagkatapos nun, balik bantay uli sila. Gaya ngayon, pagkatapos mag-perform ni Marlo dyan, balik sa post nya uli ito.
"Yu! Panty mo, hoy!"
"Tangina! Ba't ka nangbabatok?" Oo, binatukan ako ng walang hiyang bakla. Wala akong kawala rin kasi dito dahil ito ang partner ko tonight bilang usherette. Sinisira nya ganda ng buhok ko, eh. Although simple lang naman ang theme ng AP ngayon but elegant naman, if I may add.
Of course, elegante dapat dahil anak mayaman naman 'tong mga victorians. Although casual dress lang ang kasuotan namin pero magkakaroon ng twist mamayang second part ng program.
"Nasa planetang earth ka pa, girl. Pero kung umasta ka ay parang naengkanto at napunta sa gay heaven. Hmm. Lakas ng tama, ah." Really? Ganito na ba ako ka-transparent sa pagkakaroon ng crush sa teacher ko?
"Ewan ko sa'yo. Ang dami mong alam," wika kong binaling ang atensyon sa stage ng Arena.
"Uh-huh. I can sense romance in here."
"Ang pangit ng senses mo."
He faked a laugh. "Deny pa more, Yu."
"Wala akong dapat i-deny."
"Ngayon ko lang napagtanto. Mahilig ka pala sa matatanda."
"Luhh... Mas mukha ka pa ngang matured kaysa sa kanya."
Tumawa si Ark. Ha? Baliw? Bakit tumawa? Nakasalubong ang kilay na nag-crossed arm na lang ako habang nakatingin sa stage.
May waiter na dumaan sa tapat namin kaya kumuha muna ako ng cocktail juice at ngali-ngaling ibuhos 'yun sa tumatawa pa ring si Ark. Ininom ko na lang yung juice dahil panay pa rin ang nakaw na sulyap ni Miss Stone sa akin. Nakapanghihina ng tuhod yung tingin nyang yun, nakaka-drain ng lalamunan. Oha.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...