Kabanata XV: Ang Larawan

8.4K 280 28
                                    

YUCA

"SORRY," narinig kong sabi nya as she tore herself away from me. Speechless lang ako. Nangyari ba talaga yun? Oh god. "Yu, I'm really sorry. It's just that..." Bakas ang pagkalito sa diwa nito as she said those words. Ako? Tulala pa rin.

I needed to speak. Pinilit ko ang sarili kong magsalita. But oh God, natatameme ako sa nangyari. Ang sarap kasi ng labi nya but as she said, she's sorry for what happened. Hindi ko mapigilang hindi malungkot. Siguro nadala lang sya sa sayaw kanina? Siguro nga. Oo, tama! Nadala lang sya at para naman mas maganda yung ending, eh, dapat may halikan moment. Sheyt! Ang sharap talaga ng labi nya. Ugh!

"Its o-okay, a-ate--"

"No!" putol nya sa sasabihin ko. I throw her a confused look. Sabi ko na nga na okay na, 'di ba? Eh, ano pa bang pa-No-No na epek nya? "It's not okay. You we're in your vulnerable state and what did I do? I took advantage of you! I'm so sorry, Yu." She a ran a hand through her hair as she said that.

Eh? So, buffering ako. Natulala ako. Ang sexy nung gesture nyang yun. Ayeee...

"Yu..." Masuyo nya uling hinawakan ang magkabilang braso ko. Ayan na naman yung kuryente at pagtambling ng kung anu-anong bagay sa tiyan ko. Huuu... "I'm sorry but not totally sorry because I like what I did. I---"

"Merienda's here!" Nariyan na pala si Marlo. Pasimple akong binitiwan ni Tina. Nakatingin lang ako all the way sa kanya at kung may langaw lang na gagala-gala, malamang, napasukan na ang bibig ko dahil ako po ay nakanganga.

Sheyt! Anong sinabi nya? Howemgee... G-gusto nya rin yung paghalik nya sa akin? At ano pa daw yung sasabihin nya?

"Yu, merienda's here," untag ni Marlo sa akin. Ay, nakatulala na po pala ako sa gitna ng dance room habang si Miss Tina ay naroon na po, malapit sa stereo.

"Huh? Sino si Merienda?" Nagtatakang nakatitig si Marlo sa akin, na para bang isang krimen ang aking tinanong.

"Pft." Pigil nito sa pagtawa. Ang weird ng mokong na 'to. "Kumain ka na lang nga. Gutom ka lang, eh." Tapos tumatawa itong hinila ako palapit kay Miss Tina. Naroon kasi si. . . Merienda. Sheyt! Late ko na na-realize ang tanong ko. Ugh! Ang slow!

Pasensya na po, wala po ako sa sarili. *buntong hininga*

"May problema ba, Yu?"

"Huh? Wala, Marl? Bakit mo nasabi?" Miss Tina's looking at me with that look na di ko maintindihan. Ang alam ko lang, nalulusaw ang puso ko sa klase ng pagtitig nya.

"Okay, kain na." At sinubuan na naman nya ako.

Nakaw na tinginan.

Yan ang ginawa namin ni Miss Stone during that practice. I don't know if ilang butterflies yung nagliparan sa loob ng tyan ko during the moments I'll caught her, intensely looking at me. Goosebumps never fail to raise in the back of my neck and arms whenever she's doing that. Though I was uneasy by her actions, parang may sarili namang pag-iisip ang aking malanding katawan at mas lalong ginagalingan ang pag-indayog sa mga awiting sinasayaw namin ni Marlo.

Minsan, mahuhuli ko syang napapalunok habang hindi binabawi ang tingin sa akin, mula ulo hanggang paa. Nakaka-intimidate kung minsan pero nang maalala ko ang sinabi nya kaninang, she like the kiss we have shared, eh, yung malandi kong puso, di mapigilang lumandi pa more.

Isang maharot na lang na kembot sa rumba at pumalakpak na si Miss Tina para kami ay patigilin. She's smiling widely as she said these words, "Good job! Maganda na, guys. Konting mas mahirap na routine na lang para maiba naman." Mukha naman syang nasiyahan sa performance namin ni Marlo. Humihingal na nagngitian na lang kami ni Marlo. "Marl, medyo i-exercise mo pa yung biceps mo because we will do more liftings."

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon