Kabanata XXX: Date-saster

4.5K 198 27
                                    

YUCA

"ANONG IBIG NYONG SABIHIN NA wala pang balita tungkol sa mga nanay ko? Ginagawa nyo ba ng maayos ang trabaho nyo? Come on! Ayusin nyo naman ang trabaho nyo!" Hindi ko na napigilan mag-burst out sa opisina ng rescuers. Dalawang buwan na ang lumipas wala pa din silang balita kung ano na ang nangyari sa mga nanay ko.

"Yuca, huminahon ka, anak," pangkakalma sa akin ni Tita Mara.

"Tita, how? It's been two months!" I began to tear up. "H-hindi na nga namin sila nakasama nung Christmas at New Year. Tapos ngayon wala pa din silang update? T-tita, ramdam kong buhay pa sila mama. T-tita..." Hindi ko na napigilan at napaiyak na ako sa akong upuan.

"Ma'am, maniwala po kayo, sinuyod na po namin yung mga island malapit sa pacific ocean pero wala po talaga kaming nakita. Pabalik-balik na po kami dun pero wala po talagang mga survivor dun," sabi ng head rescuer.

"How come, sir? Kahit isang survivor sa plane hindi nyo naman nahanap? Yung flight JE0217, ano yun, wala talagang survivor?" narinig kong tanong ni Yaci. Kalmado lang ang pagkakatanong nito.

Magmula nang nalaman nyang nawawala ang magulang namin, hindi ko pa sya nakitang umiyak bukod noong araw na nalaman niya ang nangyari sa mga nanay namin. Nag-aalala na din ako sa kapatid ko pero kapag tinatanong ko naman sya ay "okay lang" ang lagi nyang sinasagot.

"Ma'am, to be honest, if wala pa pong balita this week, the team will declare that all passengers of flight JE0217 are dead."

"No! Hindi pwede! You need to find my mums!" sigaw ko. Pinakalma ulit ako ni Tita Mara.

"Sir, blah blah blah..." May sinasabi pa si Tita Mara pero hindi na ma-register sa utak ko. The thought of losing my mothers, the thought na patay na sila ay hindi kinakaya ng sistema ko.

May mga sinasabi pa sila pero wala na talaga, wala na akong marinig sa pinag-uusapan nila. I'm so down. I'm so lost.

Mama, mommy, where are you? Uwi na kayo, please. Hindi na ako galit.

˜*˜

DALAWANG ARAW PA ANG NAKALIPAS na parang dalawang taon na para sa akin. Wala pa ring balita sa mga nanay ko. Hindi na rin ako nakapasok muna sa school kasi hindi ako makapag-concentrate. Palagi kong naiisip ang mga nanay ko.

Hindi din kami masyadong nagkikita ngayon ni Tina dahil nasa school din ito at napaka-busy sa pagiging teacher nya. Hindi naman ito nagkulang ng suporta sa akin at lagi akong binibisita tuwing may bakante ito. Tsaka malayo din ang bahay namin sa VBS kaya hindi rin frequent iyon.

Hindi din talaga ako makapag-concentrate sa pag-aaral lalo na't sinangkot pa ni Yaci ang sarili nya. My sister is missing. We've been looking for her for two days now.

Hindi ko na alam ang gagawin sa sunod-sunod na dagok na dumating sa buhay ko. Hindi ko na rin namalayang nagkulong na ako sa bahay. Sa malungkot naming bahay.

Nakaupo lamang ako sa aming sofa kung saan lagi kaming nagkululitang pamilya. Naluluha na lamang akong naaalala ang tawa ni Mama pag kinikiliti sya ni Mommy. Ang nakaingos na mukha ni Yaci, kunwaring ampalayang-ampalayang nakikita ang kasweetan ng aming mga ina. Ang biglang pagtapon ni Yaci ng unan sa mga mommy namin na nauuwi sa pillow fight. Para lang kaming magbabarkada.

Hindi ko namalayang nakatakas na naman ang mga butil ng pait sa aking mga mata. Ang sakit sa dibdib na isiping wala na sila. Hindi ko kayang tanggapin na mauulila na kami ni Yaci.

Pinilit kong maging matapang sa harap ng kapatid ko ngunit ako ay natalo sapagkat bumigay ako. Naging marupok ako sa pagsubok. Bumigay ako ng ganun-ganun na lang. Kaya siguro iniwan na din ako ni Yaci.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon