CLARISSA
WEEKEND IS LOVE... because the weekend is a rest day!
Kung makapag-express naman ako ng saya about sa weekend, eh, wagas, ano?
For the normal high school students, talaga namang rest day ang weekend. Pero sa isang tulad ko? Nahhh, don't expect. Tambak pa nga yung mga i-edit na stories para sa next publication ng SURAT at hindi pa ako nangangalahati dun pero napilit nila akong sumama dito sa EK.
Paano ba naman kasi, pinangakuan ako ni Marga at Yuca na tutulungan sa pag-i-edit kaya sumama na lang din ako. Maano ba't makapag-unwind din minsan.
Anyway, yun nga nasa EK na kami. The whole gang. Kaya sobrang ingay na naman. Ay, sorry. I stand corrected, mas maiingay at excited pa kami kaysa sa mas batang kasama namin na sina Kame at kapatid kong si Earn.
Sila pa nga yung ayaw sumama dahil napaka-childish daw kung pupunta kami ng EK. Oh, 'di ba? Sila na yung mature.
Moving on, we had spent half of the day riding all our favorite rides at nag-loosen up na ang dalawang 'mature'. Sila na mismo ngayon ang aya nang ayang sumakay dito, gawin 'to, gawin yan, pabili neto, laro nyan. Hayyy, natuluyan nang lumabas yung pagiging bata nila.
Ang maganda lang din naman sa pamilya at kaibigan ko'y walang mga killjoy talaga at hindi matatakutin sa mga rides kaya go lang nang go. Pinaglihi kasi yata kaming lahat sa katapangan kaya malalakas ang mga loob.
In short, we did enjoy our day in EK. When we had enough, pumunta kami sa isa sa mga restaurant na paborito naming kainan. As normal, nagkukulitan na naman at naghaharutan while we're waiting for our food and then bigla akong kinalabit ni Ark sa tagiliran. Nang mapatingin ako sa kanya'y ngumuso ito. Nagtataka man, sinunod ko naman kung saan ang direksyon ng nginunguso nya.
Binalik ko ang tanaw dito at tinaas ang gitna ng glasses ko gamit ng aking isang hintuturo. As one of my bestfriend, he definitely know how to read my actions. That means kasi, nagtatanong ako kung anong tinutukoy nya.
Tinaas nya lang ulit ang isang kilay nya at pinagmasdan ang nginunguso nya kanina. Napatingin na din ako sa pinagmamasdan nya.
Tinagalan ko ang pagmamasid sa pinagmamasdan namin ni Ark. Mukha itong tangang nabaliw na tinopak na may sayad. In short, papunta ng mental.
Paano ba naman ay nakangiti ito. Ayos lang sana yun, 'di ba? Pero nakangiti ito sa labas ng bintana ng resto dahil sa isang dulo ito nakaupo. Ang problema nakangiti nga ito pero wala namang nginingitian. Yung klase ng ngiti pag nag-daydreaming at waring kinikilig. Hala, tinopak na talaga sya!
Nagkatinginan ulit kami ni Ark at sabay pang sumingkit ang aming mga mata habang tahimik na pinagmamasadan pa din si Yuca. Hinayaan na lang muna namin at nagkaisa ang mga isipang mamaya na kokornerin ang kaibigan if the coast is clear at kaming magbi-beshy na lang ang magkakasama.
Maya-maya nga'y sine-serve na ang pagkain na inorder namin. We prayed for the food at unang-unang lumantak sa pagkain ay Yaci na waring hindi nakakain ng fifty-two years.
"I didn't know that I was starving 'til I tasted you!" hirit pa nito at kay lapad ng ngiting kumakain.
"Don't need no butterflies when you give me the whole damn zoo," may sumagot din ng pakanta. Si Hale at Paula. Mga gutom na mga bata.
"Sarap, 'no?" hirit naman ng nakangiti ding si Yuca. Aba, iba din ang ngitian ng mga magkapatid ngayon, ah. In good mood lang siguro at masyado lang akong nagiging judgmental? Pero hindi, iba talaga. Basta, mamaya ka sa akin Yuca ka.
˜*˜
YUCA
HINDI KO MAPIGILAN ang ngiti sa mga labi ko kahit pa hindi na kami magkasama ni Tina nung weekend.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...