Ang Tula (Patalastas)

5.2K 157 8
                                    

AN: Credits to the owner of the poem. Inedit ko lang po ng konti. Thanks, anyway :)

˜*˜

BINUKSAN NI YACI ang kanyang locker para kunin ang kanyang flute. Nagbabalak na naman kasi itong tumambay sa green house tutal free time pa naman.

Umiwas muna si Yaci sa mga pinsan pero hindi kay Hale. Hindi na nya kayang iwasan ang babae pero hindi ibig sabihin na okay na din ang status nila.

Si Yaci ang hindi pa handa. Sa dami kasi ng nangyayaring kababalaghan sa pamilya nito'y hindi nya pa kayang unahin ang feelings nya kay Hale pero nangako naman si Hale dito na maghihintay, gaano man katagal at maging handa si Yaci para sa relasyon nila.

Wala ng mahiling pa si Yaci sa pagiging understanding ni Hale sa sitwasyon nya. Kaya ang naging hiling na lang ni Hale na huwag syang iwasan ni Yaci at hayaan lang nitong mahalin ito ni Hale ay tango at ngiti na lamang ang naging sagot ni Yaci.

Pero sa ngayon, gusto nya munang mapag-isa. Maraming bagay na naman ang tumtakbo sa isipan ni Yaci at may mga pumapasok sa isipan nyang kumbaga'y Deja Vu na hindi nya mawari. Para bang may maalala sya pero hindi naman sya sigurado kung nagawa nya yun noon o nangyari na ba yun noon. Napakagulo.

Tsaka bumabalik na naman ang pagsakit ng ulo nya. Hindi nya lang masabi sa mga tao sa paligid nya dahil parang nasanay na si Yaci na indahin ang sakit. Kumbaga, numb na. Manhid na sa sakit. (#whogoat)

But this time, yung naging flashback sa isipan nya'y nakakatakot. Pero hindi nya ma-identify kung totong nangyari, na hinihiling nyang hindi sana totoo.

Kinuha na ni Yaci ang kanyang flute sa pinakadulo ng locker nya. Nang hilahin nya ito'y may folded na papel na kulay itim, na nahulog sa sahig.

Agad na pinulot iyon ni Yaci sa isang kamay habang ang isang kamay ay nakahawak na sa flute nya. May nakasulat na white ink sa papel with Yaci's name on it.

Napangiti na lamang si Yaci sa nakasulat. Marami ang nagtatangkang maglagay ng love letter sa locker nya pero walang nagtagumpay. This person na nakalagay ng love letter sa locker nya'y kakaiba. Hindi kasi basta-basta nabubuksan ang locker ng mga estudyante ng taga-VBS.

Ngumiti na lang ulit si Yaci at pumunta na ng green house hawak ang flute at ang sulat.

˜*˜

YACI IS PLAYING  the song Stand By You by Rachel Plattern with her flute habang inaalala ang nakasulat sa love letter.


Ilang bundok na ba ang aking nalakbay?

Dahil walang pagod ang aking pag-aalay

Sa puso mong tila hindi nabubuhay

Na sa aki'y nagbibigay ng matinding pagkahimlay


Ilang beses na ba akong nagpapagal?

Sa pag-ibig mong napakatagal

Ang nais lang naman ay ang iyong parangal

Sapagkat kasama na ruon ang iyong dangal


Ilang hirap na ba ang aking naranasan?

Laging tinatanong puso mo'y nasaan?

Ako'y lagi na lamang iyong nililisan

Na sa aking pandama'y ako'y iyong iniiwasan


Ngayon, ang aking mga mata'y nakamasid

At naghihintay sayong pagbabalik

Ngunit ang pagkakatao'y sadyang madalang

Kaya nanalangin makita ka, kahit saglit man lamang


Tapat na aking pag-ibig ay hindi magbabago

Ang aking pagmamahal ay wagas at totoo

Sa pagsubok, katatagan, yan ang pangako ko

Maghihintay ako, gumunaw man ang mundo.

P.S.

♩ ♪ ♫ ♬Even if we can't find heaven, I'm gonna stand by you
Even if we can't find heaven, I'll walk through Hell with you
Love, you're not alone, 'cause I'm gonna stand by you ♩ ♪ ♫ ♬

˜*˜

SA MUMUNTING MGA  kataga ng sulat na yun, naging sobrang saya na ni Yaci. Kilala nya kung sino ang nagpadala no'n at kahit pa mag-deny ito nang mag-deny, alam ni Yaci ang hand-written at artistry ng taong yun.

"Love, you're not alone, 'cause I'm gonna stand by you," narinig ni Yaci na may kumanta sa likod nyang ikinalingon nya. Nagngitian na lamang sila nang magtama ang kanilang paningin. Tumabi na din agad kay Yaci ang gumawa ng napaka-corny pero napakasweet na love letter na yun, habang pinapanood si Yaci na tumutugtog ng flute.

 Tumabi na din agad kay Yaci ang gumawa ng napaka-corny pero napakasweet na love letter na yun, habang pinapanood si Yaci na tumutugtog ng flute

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon