YUCA
Lunch break at DITO...
"Ate Yu, may sakit ka ba?" narinig kong tanong ng emong katabi ko. Hindi ko agad ito nilingon kaya 'di ko inaasahan ang pagpatong nito ng likod ng palad at dinama ang noo ko. Agad akong napatingin sa gawi ng kapatid kong nakatingin rin pala sa amin and I saw how one of her brows arc when Hale did that gesture to me. Agad naman nitong binawi ang tingin nang nakita nyang nakatingin ako sa kanya at nagkunwari itong bumalik sa pagkain.
"Yes, I'm fine," nakangiting sagot ko sa emo at pasimpleng inalis ang kamay nitong nakadama pa rin sa noo ko.
"Hindi mo po kasi ginagalaw ang pagkain mo. Baka po magkasakit ka." Mababanaag naman ang sincerity sa mukha ng bata and she's so cute kaya 'di ko naman kayang ignorahin lang ito. Concern lang naman ito at wala namang malisya ang ginagawa nya, 'di ba?
"Okay lang ako. Don't worry," I reassured her kasabay ng pagtapon ko ng tingin sa mesang 'di kalayuan sa amin.
"Kahapon pa yan walang gana si Yu, eh," buking sa akin ni Marga.
"May sakit ka, te? Magpahinga ka naman. Baka masyado mo ng kina-career ang pagiging teacher's assistant mo?" nag-aalalang epal ng kapatid ko. I smiled to my sister. Akala ko dideadmahin na naman nya ako. And of course, kalat na sa buong VBS ang pagiging teacher's assistant ko kay Augustina.
"No, hindi naman," sagot ko. "Hindi naman masyadong mabigat ang pinapagawa ni Miss Stone sa akin," dagdag na sabi ko kasabay ng mabilis na pagtapon ulit ng tingin sa mesang iyon, na pinagsisihan ko rin dahil super saya ng mga taong nasa table na yun. Hayy, ba't hindi ko napansin ang closeness nila? Tsk. Too late. I'm too late. I talked to Ark na huwag na munang ipamalita ang newsflash namin. I was able to convince him na gagamitin lang namin yun pag pinag-initan kami ng teacher. Luckily, naniwala naman sya sa akin pero ang totoo, ayaw ko lang masira si Miss Stone.
"Kahit magkasakit pa si Yu. She will never miss the opportunity na 'di makasama si Miss Stone," parang wala lang na sabi ni Issa tsaka sumubo ng pagkain. Lahat kami ay napatingin dito. Naglalakihan naman ang mga mata kong tinapunan ito ng masamang tingin. "What?" takang tanong nya nang makitang nakatingin kaming lahat sa kanya. Pinanlakihan ko pa ito ng mata, saying a what-do-you-mean-by-that look.
"What do you mean, te?" tanong ni Yaci dito. Tinignan ko si Issa ng umayos-ka look pero nginisihan lang ako ng nerd.
"Ah, I mean, ano... " Nakangisi pa rin ang bruhang nerd. Huwag nyang masabi-sabi sa mga taong narito na narinig nya akong makipag-debate sa sarili dahil kay Miss Stone. Malalagot talaga ito sa akin. "Yu will never missed that opportunity kasi plus points yun sa kanya tsaka ang daming benefits, 'di ba, Yu? Mas napagaan ang loads mo sa subject nya dahil 'di mo na kailangan mag-effort to take notes dahil provided na ito as her assistant." Diniinan pa ng bruha yung last word nya tsaka ngumiti ng nakakaloko sa akin. Tinaasan ko lang ito ng kilay pero na-relieve din dahil 'di nya ako pinagkanulo.
"Ahh ganun ba. Ayos naman pala maging teacher's assistant." Halatang na-convince naman ang kapatid ko. Hindi ko naman napigilang 'di tumingin sa gawi ng kabilang mesa. In case you're wondering sinong naroon, hmm... yung crush na teacher ko lang naman kasama yung lover nyang teacher at isa pang lalakeng teacher. Hindi ko maiwasang pagsikipan ng dibdib sa nakikitang kasiyahan nila habang kumakain. Awts, my first broken heart. Ouchie!
"Pero ate, 'di ba ang daming nag-approach sayo maging teacher's assistant nila? You declined Mr. Tulfo III, Miss Blanca at Miss Zobel. Bakit kay Miss Stone ka lang pumayag, te?" Yaci is being nosy. My ged, nilagay pa ako sa hotseat ng kapatid kong 'to.
"Oo nga, Yu. Bakit nga?" epal na rin ni Marga na kanina pa sambakol ang mukha.
"Oh, come on. Isn't it obvious? Dahil super hot ni Miss Stone kaya napapayag si Yu na maging teacher's assistant nito," sagot para sa akin ng joiner na feelingerong nobyo ni Issa, si Orzon. Yan ang dahilan kung bakit sambakol ang mukha ni Marga. Actually, hindi lang si Marga ang may ayaw dito, lahat kami kaso respeto na lang kay Issa kaya kami nakikisama sa douchebag na nobyo nito.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...