YUCA
"MMY, SAMAHAN ko muna si Mama sa studio nya. Absent daw si Tita Clara, eh," sabi ko sa nanay kong tutok na tutok sa laptop nya habang humihigop ng kape. Nakakunot pa ang noo nito habang nagco-concentrate sa kung anumang binabasa nito mula roon pero kahit magkaganun, hindi pa rin ito nakakabawas sa magandang mukha nito.
Tumigil naman ito sa ginagawa at tumingin sa akin.
"Okay, baby. Parang nawiwili ka na sa larangang yan, ah..." sabi nito at ngumiti sa akin. Halos mawala na ang mga magagandang brown eyes na yun dahil sa pag-ngiti.
Napangiti na rin ako, sabay subo sa isang bacon na nasa plato ko. Nasa hapag kainan kami ngayon at kasalukuyang nag-aalmusal. Its weekend kaya walang pasok at every weekend, nakasanayan ko na ring umuwi from VBS tuwing walang pasok.
"Yes, Mmy. Ako na nga ang official photographer ng SURAT (School Publication) ng VBS..." pagmamalaki ko sa nanay ko. SURAT is not only exclusive sa VBS, minsan na po-post din ang mga gawa namin sa ibang kilalang publications na kilala nationwide through it.
Ngumiti naman ito ng malapad at proud na proud na nakatingin sa akin. "That's my baby. Manang-mana ka talaga sa mommies mo. I'm so proud of you, Danielle Yuca Lopez-Tan."
Napahagikhik naman ako sa sinabi nya. Masaya akong napasaya ko ang inay ko sa mga achievements ko. And yeah, I love my full name. *grin*
"Oh, mukhang nagkakasayahan tayo ah," bungad na dating naman ng isa ring magandang ginang na ang tanging suot lang ay simpleng plain white sando, baggy pants at converse. Nakasuot rin ito ng nerd glasses na mas nagpa-boost pa ng sex appeal nito with her reddish brown hair na naka-messy bun. My mother, biologically, is so damn hot.
And guess what? I so looked like her pero mas maganda ako syempre. Ang magre-react ng disagreement, mamamatay. Ngayon din! XD
Masaya namang napalingon ang Mommy ko sa dumating. Bakas na bakas ang pagmamahal sa mga mata nito habang hinihintay ang asawa upang bigyan sya ng kanyang 'morning kiss'. At hindi nga yun pinagkait ng Mama ko at binigyan ng medyo matagal na halik ang kabiyak.
Ngingiti-ngiti naman akong nakatingin lang sa kanila. Sa isipan ko'y napakaswerte ko sa mga magulang ko. Bukod sa ang gaganda na'y, tunay na tunay ang pinapakita nilang pagmamahal sa isa't isa kahit pa ilang taon na ang kanilang pinagsamahan.
Ilang taon na nga ba? 17 na ako ngayon. So... 19 years na silang kasal pero 8 years silang magnobya bago sila nagdesisyong magpakasal. Over all... Ilan? 27 wonderful and beautiful years! Hayyy, true love. Nakakainggit ang mga magulang ko. Kaya as for me, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Makikita ko rin ang true love ko kaso 'di pa siguro ngayon. Wala pa naman akong napapagkainteresan.
"Ugh! Get a room. Ang aga-aga..." putol ng moment ng kapatid kong si Yumielle Yaci Lopez-Tan o mas kilala sa tawag na Yaci (read as Ya-shi). Hindi naman sya galit, nakangiti pa nga ito. Tinutukso lang nya ang mga magulang namin. She's two years younger than me. Si Mommy naman ang nagluwal sa kanya and copy cat rin ni Mayumi Tan. We were both fruits from the so called, insemination.
Natigil naman ang dalawang adults at natatawang pumwesto na sa hapag after she kissed Yaci and me on the cheek. Humalik rin si Yaci sa pisngi ni Mommy at sa akin. Mommy is on the center table, si Mama ay nasa right side nya, magkatabi kami ni Mama and Yaci was on the left side. May dalawang katulong kami sa bahay at isang driver. They were also joining us pagkumakain kami and I can say, larawan kami ng masayang pamilya.
Masaya lang kaming nagkwentuhan ng kung ano-ano. Nagtanong ang aking mga Ina about sa school namin ni Yaci, nagkwentuhan sa mga pangyayari sa isa't isa at nag-aasaran. Lagi naman kaming ganun, lalo na pag weekend, kumpleto kami at kahit pa super busy ng mga magulang ko'y gumagawa ang mga ito ng paraan para makumpleto kami, kung hindi man sa breakfast, sa dinner time kami bumabawi.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Novela JuvenilDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...