Kabanata XXXVIII: Ang Kinalabasan

5K 181 33
                                    

THIRD PERSON

TANGAY-TANGAY NI JAMES si Yaci sa masukal na kagubatan. Wala ng choice ang tatlong bandido kundi pumasok doon para makapagtago sa mga pulis na humahabol sa kanila.

"Boss, anong gagawin natin?" tanong ni Kalbo kay James habang lakad takbo sila sa kagubatan.

"Tatakas, malamang," patuyang sabi ni James.

Napakamot ng kalbong ulo si Kalbo.

"Ang bobo," maririnig na litanya ni Waldo. Sinamaan sya ng tingin ni Kalbo.

"Ganito," salita ulit ni James. "Pagdating natin sa gitna ng kagubatan, maghiwalay na tayo. Si Kalbo sa kanan, si Waldo sa kaliwa, ako sa gitna. Maingat na hanapin yung exit nitong kagubatan pagkatapos ay maghanap ng masasakyan para makatakas tayo. Open niyo location niyo para ma-track natin kung saan yung isa't isa."

"Okay, boss," ani Kalbo.

"Eh, paano 'tong bata, boss?" tanong ni Waldo.

"Sasama sa akin si Yaci. Ako ng bahala sa kanya." Kahit ganun ang sitwasyon ng tatlo'y nakangisi pa din si James. Mukhang may masamang binabalak kay Yaci.

Umabot nga ang tatlo sa gitna ng kagubatan, na ewan nila kung gitna ba talaga, pero naghiwalay pa din sila.

Yaci was with James. Hirap na hirap si James na kargahin ang dalagita dahil hindi nya inaasahang mabigat ito.

"Parang wala lang kay Waldo kanina nang kinakarga nya si Yaci. Ang bigat nya pala," litanya ni James habang nagpapatuloy sa paglalakad sa masukal na kagubatan.

Hindi makapagmadali ng lakad o takbo si James dahil nga sa karga nya si Yaci. Hirap din itong tukuyin kung saan na ito patungo. Basta lamang itong naglakad kung saan ito dinala ng mga paa.

Alam ni James na sugat-sugat na sya dahil ang daming harang na mga sanga sa dinadaanan nya. Wala din itong pakialam kung magkasugat-sugat si Yaci. Ang mahalaga dito ay makalayo at makatakas na magkasama.

Sa 'di kalayuan ay maririnig ang putok ng baril. Biglang kinabahan si James. Nasundan na ata talaga sila ng mga pulis.

Dahil sa isiping yun, naging maliksi si James sa paggalaw. Kailangan nyang mag-isip ng paraan.

Narinig na naman ni James ang mga putukan at nataranta ulit sya. Malapit na malapit na ang mga pulis sa kinaroroonan nya. Kailangan nya ng mapagtataguan!

Mukha namang dininig ang panalangin ni James at nakakita ito ng isang maliit na kwebang hindi mo mahahalatang pwedeng mapagtaguan. Agad itong pumasok doon at hinila si Yaci.

Umuungol si Yaci kaya tinakpan ni James ang bibig nito habang naririnig nya ang mga yabag ng paa ng mga pulis na dumadaan sa kanyang pinagtataguan.

"Hanapin nyo ng mabuti! Malapit lang yun!" Rinig na rinig ni James ang mga boses ng mga pulis. Actually, ang iba nga ay nakatayo sa pinagtataguan nya.

Nakahinga ito ng maluwag at napangiti ng mawala na ang mga yabag. Nagkontrabida laugh si James pero sa isipan lang nya.

"Napag-isa din tayo, Yaci," mahinang bulong ni James sa naghihingalo pa ding si Yaci.

Sa lakas ng suntok kanina sa tyan ni Yaci at pagkakakarga sa kanya ni scar face ay naalog yata ang utak ng dalagita. Natatakot na nakatingin si Yaci kay James. Ungol lang ang lumalabas sa bibig nya, hindi sya makapagsalita.

"Tambay muna tayo, Yaci, ha. Naghahanap pa yung mga pulis sa atin." At mahinang tumawa si James. Yung tawang may masamang gagawin. "Masaya 'tong laro natin, 'di ba, Yash?" Hinaplos pa ni James ang pisngi ni Yaci. Gustong sumigaw ng dalagita ngunit wala talagang lumalabas na salita sa bibig nya!

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon