Kabanata XXI: Ha Ha Ha Hassle

7.7K 271 51
                                    

MISHAEL

REQUIRED BA mag-holding hands kung kakanta together? Required bang masaktan ang isang tulad kong hindi naman pinangakuan ng kung ano ng babaeng pinag-aagawan namin ni Paula?

Wala naman akong karapatang magselos dahil hindi naman kami.

After that rooftop incident, yung pag-uusap namin ni Yaci, sinabi nya sa akin na gusto nya pa ng enough time to think. Hindi ko sya ginulo nun para makapag-isip sya ng maayos though gustong-gusto ko na syang lapitan at bakuran lalo na pag dumidikit ang bruhildang si Paula, na hindi yata makaintindi sa sinasabing "personal space" at "privacy".

Ever since nun, ilang araw na ang nakalipas, hanggang natapos na lang ang concert ni Tita Yumi kung saan nabigyan ng chance tumugtog si Yaci at tapos na rin ang dance sport competition nila Ate Yuca at Kuya Marl, wala pa ring progress. Late na rin ako na-inform na may victory party pala at magugulat na lang ako na may duet pala si Yaci at Paula. At ayan nga, look at them, ang sweet. Hohoy.

Nakapili na ba si Yaci sa amin? Yan ang tanong na mukhang may sagot na ngayon, base sa nakikita kong ka-sweetan ng dalawa.

Ouch.

Ouch.

Ouch!

"Aray!" mahinang atungal ko, na napatingin sa paa ko. Walang hiyang langgam, ang sakit kumagat! Bakit ba may langgam dito?! Walang hiya!!!

Pati langgam sinasaktan na ako. I feel pity on myself. Lahat na lang sila, sinasaktan ako.

Pero kung tutuusin, mas may pakialam pa sakin ang langgam. Bakit? Kasi naman, nagkaroon pa ang langgam ng time sa akin. Pinag-aksayahan pa nyang akyatin at kagatin ako. Si Yaci? Kahit time, wala! #whogoat1

Pinagpag ko na lang ang paa ko para mahulog ang langgam at hindi ko tiniris. Ayaw kong maging kontrabida sa love life nito. Baka naghihintay ang syota nito sa baba at nagmamakaawang wag kong tirisin ang syota nyang langgam. Napailing-iling ako sa naiisip. Buti pa sila, may forever. #whogoat2

Anyway, makaalis na nga lang dito dahil sumasakit ang dibdib ko sa mga nasasaksihan. Parang nae-enjoy naman ni Yaci ang pakikipag-duet kay Paula. Kailangan ko na bang tanggapin? Na wala ng Yashael dahil panalo na ang Yaula?

Ouch.

Ouch.

Ouch.

Wala sa sariling naglalakad ako palayo sa bulwagan. Woohoo! Bakit ganito kasakit ma-inlove? Bakit kailangan kong maranasan ulit 'to? I'm just fifteen f*cking years old. And an emo, don't forget about that.

I plug in my earphones and blasted the music on my ears para ma-divert sa kanta ang nararamdaman kong paninibugho ngayon. Timing namang ang isang revision ng Boyce Avenue ang nasa playlist ko. Which is one of my favorite songs, this year.

Am I wrong? To figure that we could be something for real?

Now, Am I wrong? For trying to reach the things that I can't see?

That's just how I feel

That's just how I feel

That's just how I feel

For trying to reach the things that I can't see?

Siguro nga I'm wrong. Umasa ako. Tsk. Sabi na ngang wag mag-expect eh! Yan tuloy, akala ko lang meron kaming ganun pero hanggang akala lang pala ako. Maling akala! #paasa

"--aman neto," I snap on my thoughts. May mga kamay kasing humawak sa aking braso. Sino? Mali iniisip nyo, hindi sya 'to.

"Ano kamo, Kame?"

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon