Ang Talaarawan (Pahina Dalawa)

3.3K 109 1
                                    

Saan nga ba patungo ang puso kong nagsusumamo?
Hiling ko lang nama ay gantihan nya ang aking hiling.
Ngunit ito yata ay mahirap gawin.

Lahat na ay aking sinakripisyo,
Para lamang kami ay magkatagpo.
Handa na nga akong mapasubo,
Pero bakit ayaw nyang magpabuko?

Ayaw na ayaw kong sumuko,
Subalit mahirap pala ang ganito.
Yung mag-isa kang lumalaban,
Na hindi mo alam kung meron pa bang dapat ipaglaban.

Saan ba ako magsisimula ulit?
O dapat ko pa bang ipagpumilit?
Hindi ba mas lalong masakit?
Na umasa ako at magkunwaring hindi mapait?

Kanya na akong ipinagkanulo,
Ngunit heto ako't nakakapit pa rin sa kanyang pangako.
Akala ko'y nakalimutan na nya ang paghihiganti,
Nakalimutan kong hindi pala ako importante.

Kung ito ang kanyang ikakasiya,
Ako rin ay nakapagpasya na.
Kung buhay ko ang gusto nya,
Walang alinlangang ibibigay sa kanya.

P.S.

Huling talaarawan ng magandang dalagita. Hanggang sa muli.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon