YUCA
"MAHAL NA MAHAL KITA at hindi kita iiwan," sinserong litanya ni Tina sa akin habang binibigyan ako ng maliliit na halik sa mukha.
"Mahal na mahal din kita," masayang sagot ko. Ang ngiti ko ay hindi mapuknat-puknat sa mga katagang binitawan nya. Sa wakas, magiging masaya na din kami.
Pagkatapos akong bigyan ni Tina ng light kisses ay sinakop na nya ang aking labi. Hinalikan nya ako ng marahan. Yung ramdam mo ang buong pagmamahal nya sa pamamagitan lamang ng halik na iyon.
Hindi na ako nagpakyeme. Napapikit pa akong tumugon sa kanyang mga halik. Na-miss ko syang halikan. Miss na miss ko ng gawin ang mga lampungan namin.
Dahil sa halik nyang iyon ay madali namang nag-init ang aking pakiramdam. Ang dali ko talagang ma-turn on pagdating kay Tina.
Nasa kainitan kami ng paglalandian nang biglang natigil sa paghalik sa akin si Tina. Yung marahas na pagtigil. At nang nagmulat ako upang alamin kung anong nangyayari, sa sindak ko ay nakita ko si James na hawak si Tina at nakatutok ang baril sa sintido nito.
Nakangiti si James ng nakakaloko habang hostage nya si Tina sa harapan ko.
"Akin ka lang, Yuca," wika pa ni James, na ngayon ay namumula sa pagtawa na parang demonyo. "Kaya papatayin ko kung sinong gustong kumuha sa'yo mula sa akin. Akin ka lang!"
Muling sigaw ni James. Binaril nya si Tina sa sintido! Ganun kabilis.
"Huwag!" ang naisigaw ko at napabangon.
"Baby, Yuca, it's okay... Panaginip lang 'yun. You're okay now," that was Tina.
Panaginip nga lang pala talaga when I realized I'm still at the hospital. Nakahinga ako ng maluwag. At least pala pananginip lang yun at hindi totoong namatay si Tina sa harapan ko.
Hindi namatay si Tina sa harapan ko?
When I realized that phrase, napatingin ako sa nagpapakalma sa akin.
"Nasa langit na ba ako?" Out of nowhere na tanong ko.
Napangiti ito sa aking tinuran at dahil sa ngiting yun, parang bumalik na lahat ng lakas ko. Parang gumaling na lahat ang dapat gumaling sa physical o mental na masakit sa akin.
Ah, the effects she has on me.
"Baby, buhay ka pa. Wag kag mag-alala," sagot nya. "I'll call the doctor first. Wait lang ha," paalam nya.
"No, don't leave," pigil ko dito.
"I won't," makahulugang sabi nya. "But I need to call the doctor. I'll be back. I promise." Tsaka sya ngumiti ulit at nawala sa paningin ko.
Maya-maya nga lang ay dumating ang doctor at nurse na nakatoka sa akin. Tsaka humahangos na dumating sila mama at mommy, kasabay ng mga iilang kapamilya at kaibigan.
Kumustahang malupit ang nangyari. Lahat ay masaya na nagising na ako dahil dalawang araw din akong tulog.
Masaya akong nakikita ang pamilya ko na masaya sila. Nakatingin lamang ako sa kanila at ina-appreciate ang mga nangyayari. Nagpapasalamat sa Diyos dahil buo pa din kami.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman kong may kumalabit sa braso ko. Si Yaci.
Napaluha akong nakatingin sa kanya. Nakasuot pa din ito ng hospital gown at nakaupo sa wheelchair. May mga iilang gasgas sa maganda nyang mukha at medyo namamaga ang putok na labi nito. May mga iilang pasa din sya sa mukha at kamay.
Niyakap ko ito kasabay ng pagsabing, "I'm sorry, ading. Sorry." Hindi ko mapigilan ang aking luha. Hindi ko sya nalayo kay James gaya ng pangako ko sa sarili ko. May part sa akin na sinisisi ko ang aking sarili sa mga naranasang paghihirap ng kapatid ko. Yaci don't deserve that!
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Novela JuvenilDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...