SA ARENA... ASSIST MODE.
YACI
"AYOS, AH. Kung makangiti parang nanalo sa lotto." Mahinang binangga ni Ici ang balikat ko.
Binelatan ko lang ito at tumingin uli sa gawi ng pinakamagandang babae sa balat ng tinalupan. Kasalukuyan nitong tinutulungang magpinta si Kame at Ate Espe sa mga canvasses na gagamitin sa Acquaintance Party. Ang dami kong na-di-discover sa emo ko sa araw-araw na nakakasama ko ito. Bakit ko nasabi 'yun? Kasi naman, based on how she point her brush on the canvass, I can say may alam rin sya sa arts. Oha! Ang talented na, ang ganda pa. Hayy, my dream girl. My ideal one.
"Laway mo." At pinahid ni Ici ang kwelyo ng shirt ko sa bandang bibig ko. Napalo ko naman ang kamay nito na ikinatawa lang nito ng malakas. "Grabe, Ins. Kumikislap pa mata mo, oh," tudyo nya sa akin.
"Tse! Wag kang makialam!" Palo ko sa braso nya.
"Ang sakit na nun, ah. Bully na bully na ako sa'yo. Isusumbong kita kay Papa Ark," natatawang hinimas nito ang brasong pinalo ko. Opo, medyo sadista po talaga ang batang Yaci.
"Edi magsumbong ka. Duwag!" hamon ko dito at akmang sasapakin uli ito nang tumakbo na ito palayo sa akin at parang batang nagsumbong kay Kuya Ark. Pagkatapos ng nakakapagod na paglilinis sa DITO kanina, heto na naman po kami sa Arena at ginagawa ang ikalawang parusa namin, partially.
Balik kay Ici na nagsumbong nga sa BF nya. Kuya Ark looked at me and just shook his head at ginulo ang buhok ng nobyo at nagpatuloy sa ginagawa nila ng Ate Yuca kong nagkakabit ng mga abubot sa loob ng arena. Ngumuso naman si Ici dahil as usual, hindi na naman sya pinagtanggol ni Kuya Ark mula sa akin. Kaya binelatan ko lang uli ito at nag-sign sya ng middle finger sa akin. Nag-sign naman ako ng kamao dito at kunwari ay susugurin ito kaya bigla itong napakapit sa braso ni Kuya Ark at sumiksik pa sa nobyo. Natawa na lang ako sa kaduwagan ni Ici pagdating sa akin. Alam nya kasing sadista ako at hindi ko ito titigilan hanggang hindi ko sya nasasaktan, physically. Eh sa yun ang bonding naming magpinsan. Lalo na kami ni Ici, kami yung mas close eh tsaka bff ko 'yang baklang 'yan.
"Hoy, tumulong ka." Biglang appear ni Coco sa tabi ko.
"Ikaw din, hoy!" sabi ko at binatukan ito. Paano ba naman kasing hindi. Sya pa may ganang magsabi na tumulong, eh, ito 'yung kanina pa nakakatutok sa cellphone at naglalaro.
"Ins, naman! Hindi ako si Ici!" nagpapadyak na angal nya.
"Lakas kasi ng loob mong sabihan akong tumulong, eh, ikaw nga 'tong panay ang tutok dyan sa phone mo. Tss!" sita ko sa kanya na aktong sisikuhin pero mabilis na itong nakailag bago ko pa magawa 'yun.
"May ginagawa kaya ako at sigurado akong magugustuhan mo." He wiggled his brows with a naughty smirk on his face.
Salubong ang kilay kong napatingin dito. "Ano naman 'yun?"
"Bagong imbensyon, Ins. Katatapos ko lang ma-install yung program sa phone ko," excited na turan nito.
"Ano nga?" impatient na tanong ko at the same time na-excite na rin. Ang pinsan ko kasing 'to, may pagka-Einstein. Isang imbentor at masasabi kong magaling ito sa larangang 'yun, lalo pa kung imi-mix sa technology. Tinatawag namin itong magbabarkada na The Hacker kasi kahit anong applications ang ipapa-hack namin sa kanya'y kayang-kaya nitong pasukin pero he knows his limitation at hindi po namin ginagamit ang skills ni Coco na 'yan para makakuha ng malaking grado. We never cheat. Matatalino naman kami kaya no need na to hack the answer sheets.
"This." Masayang binuklat nya ang palad at nakita ko ang isang maliit na itim na bagay doon.
"Black bug?"
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...