AN:
The song on top is entitled Certain Things by James Arthur.
There will be a lot of twisting of POV in this chapter so be cautious in reading para hindi po kayo malito.
Trigger warning: sensitive content. You may skip instead.
CZ :*
˜*˜
YUCA
ANG NAKARAAN NA MAHIRAP KALIMUTAN. Na parte na ng iyong pagkatao. Na kahit na pilit mong binubura sa iyong sistema at isipan pero parang multong nagpapakita at nagpaparamdam ng hindi mo inaasahan.
Dumating na nga ba ang kinakatakutan ko? Akala ko'y nabaon ko na lahat ng takot na yun pero bakit mapaglaro ang tadhana? Bakit nya ako ginaganito?
Naging mabait naman akong tao, naging masunuring anak, masipag na mag-aaral at magalang sa kahit na sino. Bakit ginagawa ng tadhana 'to sa akin? Bakit ako pa?
Hindi ko maintindihan. Akala ko'y nabaon na yun sa nakaraan. Na tapos na talaga. Na kahit na alam kong hindi ko maiaalis ang nakaraan na yun sa aking isipan, at least ang salarin ay nakabaon na't hindi ko na makikita kailanman.
Pero bakit gano'n? Sigurado akong hindi lang katha ng isipan ko ang aking nakita. Pero no, I refused to agree with my mind, kamukha lang siguro yun.
˜*˜
CLARISSA
"WHEN SOMEONE IS ACTING so strange at parang lumilipad ang utak, what will you do to get their attention?" tanong ko kay Marga na wala ng ibang ginawa kundi ang tumitig sa phone nya at makipag-chat sa messenger. Nakakainis. Dinideadma na nga ako ni Yuca, pati ba naman sya?
"Ano daw?" Aba't bingi pa ang bruha.
"Nagtatanong ako kung anong ginagawa mo para makuha mo ang atensyon ng isang taong lumilipad ang utak?" inulit ko na lang para sa kamahalang Margarita.
"Ahhh..." Nakatutok pa din sya sa cellphone nya. "Edi, hulihin mo yung utak para hindi lumipad." At ginago pa ako ng sagot.
"Gano'n?" Ride on ko kahit ngani-ngani na akong batukan ito. I will give her a chance. "Eh paano pag hindi ko nahuli yung utak? Mahirap kasi hulihin, eh, at tsaka baka mapagod ako, alam mo namang bawal akong mapagod." Isa na lang talaga tong gunggong na 'to. Pag hindi ako sinagot ng maayos, may kalalagyan talaga sya sa akin.
Baaa, biglang tinigil ng bruha yung pangangalikot nya sa cellphone nya at humarap sa akin. Tsaka biglang nagpa-cute ng ngiti. Taenang babae 'to, gagamitan na naman ako ng charms nya. Brrrr...
"Don't worry, baby. Ako na ang huhuli no'n para sa'yo para hindi ka na mahirapan. I will be your knight in shining armor." Ayan na naman yung pa-hokage moves nya. May pahawak-hawak pa sya ng kamay at pisngi ko. Naku, bestfriend kita, hoy!
"Babe? Hina-harass ka ba ng babaeng 'to?" Parang nakahinga ako ng maluwag ng dumating si Orzon. Salamat naman. Agad namang tinanggal ni Marga ang mga kamay sa mukha at kamay kong nakalapat sa kanya kanina. Kitang-kita muna ang pagnguso nito at may binulong pa bago inignora na naman ako at bumalik sa pagkalikot sa cellphone.
˜*˜
MARGARITA
"EPAL MUCH." Badtrip 'to si Orzon. Kung kalian may moment na kami ni Issa tsaka naman susulpot. "Inamo," naiinis pa ding bulong ko pero napalakas ata at narinig ni Issa.
"Are you cursing, Margarita? What for?" Oops, nahuli ako ni Issa.
"Aba't, ano, babe? Kahit bestfriend mo 'to papatulan ko na talaga 'tong babaeng 'to. Hina-harass ka na, minumura ka pa." Pabida naman tong si Orzon. Edi wow! Eh, para naman sa kanya yung mura ko. Inamo!
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...