Kabanata XXXIV: Ang Pagkawala

4K 158 2
                                    

YACI

CHANCE.

Hindi lahat nakakakuha ng pagkakataon para gawin ang mga bagay na gusto nilang gawin.

Timing.

Oo, nasa timing lang yan minsan at kung pabor sa'yo ang tadhana'y mangyayari at mangyayari ang mga inaasam mong mangyari. Subalit may kasabihang, "you make your own destiny." So, if you don't step up, wala talagang mangyayari sa gusto mong mangyari.

I'm determined to win back Hale but I've been stuck up sa mga gagawin sa party. I know I have three weeks to sort things out for her pero naging duwag din ako. Tsaka she managed to ditch me every time I tried to talk to her. Imagine that, we are playing cat and mouse. Ika nga, mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.

But now is my chance. She's going to attend this party no matter what kaya I have the chance to seclude her later no matter what.

However, I need to finish my task first sa celebration ng ate ko then I can do whatever I want. Kaso nga malakas din tumiming si Paula. Now she wanted to see me at the birdbath. Ano kayang problema?

Importante din siguro dahil kahit minsan naman ay hindi sya ganun makipag-usap sa akin. Kaya nga curious ako kung bakit ganoon na lamang yung urgency sa boses nya. Kaya pagkatapos kong matapos ang lahat ng aking gawain ay pinuntahan ko na ito sa birdbath.

I saw her, sa malayo pa lang. Hindi ito mapakaling tingin nang tingin sa phone nya at pabalik-balik nang lakad within the area. She looks so bothered. Why is that?

Malapit na ako sa kanya when I heard my phone ring again. Narinig nya din marahil ang pagtunog ng phone ko at napatingin sya sa gawi ko. A smile crept on her lips at biglang sinugod ako ng yakap.

"Thank God, you came," she said in relief.

What's with the voice? She really sounded so relieved.

"Why?" I can't help to smile. Tapos yung yakap nya, ang higpit at parang hindi kami nagkita ng ilang taon. Ang tagal pa. Aba'y namnam na namnam ata nya ang pagkakayakap sa akin. "Anyare ba?" I asked nang kumalas na sya sa pagkakayap sa akin.

"Ahh... wala. I was just checking if you're okay. Y-you seem fine naman." Paula is not telling the truth.

"Yung totoo?"

"Yun nga lang." Pati ngiti nya'y parang kakaiba.

"Wag ako, Paula. Anong sasabihin mo?" Tsaka ko sya tinignan ng scrutinizing look.

"Eh, Yash. Baka false alarm lang."

"Ano nga? Naiinis na ako."

Kwinento nya ang narinig ni Kame. Napaisip tuloy ako.

"Pero baka alam mo na, gawa-gawa lang ni Kame at ni Earn kasi alam mo namang medyo may pagkamaloko yung mga yun."

Hindi ako umimik. Nag-iisip ako ng mabuti kung bakit naman magjo-joke si Kame ng ganitong bagay.

"Yash, alam mo tara na. Baka magsisimula na 'yung party. Hayaan mo na lang 'yung sinabi ko," litanya ni Paula.

"Hmm, okay," I said but I did not totally agree with her. "Mauna ka na. I need to do something," I told her. This is the perfect time to talk with Mishael.

"P-pero---"

"I'm going to be okay, Pau." I smiled a reassuring smile to her. She sighed in defeat at iniwan na ako sa birdbath. Madali naman kausap si Paula. I'm glad she's being a good friend and a good sport kahit na mas pinili ko si Hale kaysa sa kanya. She's a very supportive friend.

˜*˜

THIRD PERSON

TINEXT AGAD NI YACI si Hale to meet her in the birdbath. It's not the first time na magmi-meet sila sa lugar na yun dahil isa yun sa mga unforgettable place nila ni Hale. Dun sila nag-kiss na nahuli pa ng Mama nya.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon