YACI
"READY?" tanong ni Mommy. Malapad akong ngumiti at tumango dito. "Let's go then." Tumango ako ulit at inakbayan ako ng magandang mommy ko. Sabay kaming naglakad papuntang kotse nya.
"MAYUMI!" Napatigil si mommy na napa-oops tsaka hinay-hinay na lumingon. Nagtataka man, napalingon na rin ako. In case you're wondering, weekend po ngayon at umuuwi po talaga kami sa bahay. That's why, kasama ko si Mommy dahil sasama uli ako sa praktis. Kasali nga kasi ako sa isang piece nya sa concert nito, 'di ba? Uh-huh.
"Uhh... y-yes, mahal?" Hmm? Ba't nabubulol si mmy sa pagsagot kay mama?
"Parang may nakalimutan ka." Poker face na lapit ni mama sa amin. Anyare? Nag-away ba parents ko? Parang okay pa naman sila kanina ah.
"Ahh oo." Lumakad pabalik si mmy sa gawi ni mama at akmang hahalikan ito pero umiwas si mama. Tumaas ang kilay ko sa nasaksihan. LQ, eh?
"Baon nyo." Diretsong bigay ni mama kay mmy. "Bye, anak. I love you. Ingat!" Baling ni mama sa akin at 'di na ako hinayaang sumagot at tumalikod na ito.
"Mahal naman," Mmy whined at pinigilan si mama sa wrist nito. "Ako? Walang ganun?"
"Bakit? Anak ba kita?" Ayy, suplada ang peg ni mama? Anyare talaga kaya dito? Wala pa naman din ang ate ko dito. Nasa school kasi ito dahil may dance practice ito. Uh-huh, dance practice. Super talented talaga ang ate ko.
While I excel on music and instruments, si ate naman sa photography at dancing. She's the dancing queen ng VBS. Pero hindi lang sya solo sa tronong yun. Actually, sa dance sport sya nag-e-excel. Undefeated duo sila ni Kuya Marlo since 7th grade. Kaya attach na attach rin yan si Kuya Marlo kay ate dahil grade 4 pa lang, sila na ang dance partner. Dun na rin siguro si Kuya na-fall sa ate ko dahil sa kasasayaw nila nun, plus lagi silang tinutukso ni Tito Mario sa isa't isa. Pero ang ate ko, ewan, parang wala namang interes kay Kuya Marlo. Tsaka lesbian ang ate ko, 'di ba? She confirmed it nung nasa DITO kami. Pero wala pa rin naman akong nababalitaan na may nagugustuhan ito.
Pero teka... may crush ito, 'di ba? Si Mi--- I dunno. Akala ko nga si Mishael pero nung mga nakaraang araw, parang wala namang ganun na pagtingin ang binibigay nito kay Hale. So, hindi siguro si Hale. Eh sino?
Nauna na akong pumasok sa sasakyan ni Mmy. Pumasok kasi uli yung dalawang ginang at halatang may LQ nga kaya nag-uusap pa siguro. Ganyan talaga yang parents ko. Kaya kampante pa rin akong wag makialam sa away nila dahil hindi naman nagtatagal talaga. Hindi sila naghihiwalay kung hindi nagbabati.
I turned on the stereo at prenteng umupo at naghihintay kay mmy. Pumikit muna ako as I listen to some mashup acoustic version from the radio.
Naiisip ko si Hale at nangyari nung Rebel Night. Ang saya ko lang. Pagkatapos kasi ng gabing yun, I got the chance to be with her the whole duration. Hindi naman ito nagreklamo. Ang masayang part, eh, pagkatapos ng party, hinatid nya ako sa dorm room ko at hinalikan ako sa pisngi! Ayeee... oo, she kissed me on the cheek! No, hindi ako ang nag-initiate. Sya! Oo, sya!
Hayyy... hindi ko napigilang mapangiti sa tuwing maiisip ko yun. Natulala pa akong napahawak sa hinalikan nyang pisngi ko when she bid good night at pumasok sa dorm room nito. Hanggang sa paggising ko, yung ngiti ko di mapuknat-puknat.
Kahit sinabi ni ate na di sya makakauwi, na ang reaksyon ko sana'y malungkot pero nakangiti lang akong tumango sa ate ko at hinintay na sunduin ng driver namin na si Tatay Jack.
"Ang saya ng baby namin ah," puna pa ni Tatay Jack sa akin nung dumating sya.
"Maganda lang ang gising ko, Tatay Jack," sagot ko dito with a huge smile. Close talaga kasi kami ng mga kasamahan namin sa bahay. Tsaka mababait rin kasi sila sa amin at ganun rin kami sa kanila. Parang pamilya na rin kasi kung ituring namin sila.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...