Kabanata XIX: Ang Pagseselos

9.9K 311 48
                                    

MISHAEL

"YASH?"

Hindi ako pinapansin. May nagawa ba akong kasalanan? Why is she ignoring me?

"Yash?"

Anong problema ng babaeng 'to? Okay pa naman ang pagtrato nya sa akin kanina ah?

Narito lang kami sa loob ng classroom at naghihintay sa teacher namin. Nakatitig lang ako sa kanya kanina pa.

Halatang may bumabagabag dito dahil panay ang buntong hininga nito at nakapatong pa ang baba sa isang kamay. Pero kahit magkaganun, ang cute pa rin nya.

Oo na. Admittedly, may crush po ako sa makulit na bunso na Tan.

Weh? Crush.

Shush brain. Wag epal, okay?

Let's continue... Noong una ko pa man din syang nakita, may kakaiba na akong naramdaman sa kanya.

And yeah, guys, tama ang iniisip nyo. Ang emong 'to ay myembro rin ng LGBT. Ano pa ba ang ini-expect nyo? Eh lesbiana kaya ang parents ko tsaka hindi lang din 'to mere influence. Confirmed ko ng ganito ako nung six years old pa lang ako. Gusto nyong malaman kung paano?

Ahmmm... Sa takdang panahon. *peace sign*

Anyway, balik tayo sa makulit na Tan na crush ko. Hay. Ano bang nangyayari sa babaeng 'to? Hindi ako sanay na ganyan sya ka-gloomy. Nakaka-miss lang yung kakulitan nya. Lalo na ang pagpapa-cute nya sa akin.

Aware naman ako na may thing si Yaci sakin, eh. Yun nga lang, pakipot pa ako nun. Emo nga kasi ako, 'di ba? Dapat mataas yung wall ko. Pero si Yash, grabe, tinitibag nya yun. Hay. Ano ba naman 'to?

Ito ding mga bff nya, bakit parang hinahayaan lang nila si Yash na nag-e-emote?Hindi na ako nakapagpigil. Akma ko ng lalapitan sana si Yash sa kinauupuan nito ng may umepal na baklang emo.

"Everyone, listen!" Impaktitang Paula. Anong gagawin nya? Gumagawa pa ng eksena sa harap ng teachers table. Napataas tuloy ako ng isang kilay. Natigil naman ang pag-iingay ng classmates ko. Napatingin lahat sa baklang impaktitang emo.

Nakita ko sa gilid ng aking mga mata na napatingin rin si Yaci dito pero nasa ganung posisyon pa rin.

Umayos ka Paula! banta ng isip ko. I smell rotten rats sa agaw eksena na impaktitang 'to.

"Salamat sa cooperation niyong manahimik today, guys."

Nakangiting nagpapa-cute pa ang bruha. Tsaka kailan lang nagkaroon ng minions ang impaktitang 'to? At may dala pang gitara ang isa. Wtf? Ano 'to, may show?

"This is a very important date in my life. Ito yung araw na nakilala ko yung taong alam kong mamahalin ko ng panghabang buhay kahit pa nga mga bata pa lang kami nun."

"Aww... Sweet!" Umeepal yung isang classmate ko. Salubong ang kilay na napaismid ako sa narinig. Mamahalin panghabang buhay? Psh.

Napangiti lalo ang impaktita sa feedback ng mga kaklase ko. Err... Papakain ko 'to sa pating eh.

"Thanks, guys. Alam ko namang sweet po ako." Peste! Epal talaga 'tong si Paula. "Anyway, nandito po ako sa inyong harapan, magiliw kong tapakinig, upang handugan ang kaisa-isang babaeng tanging pinag-alayan ko ng aking puso't kaluluwa."

Korne. Korne.

Kilala ko na kung sinong tinutukoy nya. Psh.

"This is for my one and only." Ang lagkit na ng tingin ni Paula sa tinutukoy nito. At mukha ngang kakanta ang impaktita. Boses palaka naman 'to si Paula dati. Alam kong mapapahiya ito sa lahat.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon