Kabanata III: Ang Parte ng Nakaraan 2

11.2K 341 29
                                    

YUCA

"MMY, WE ARE HOME," bungad na bati ko sa isang ina ko ng tumuntong kami sa bahay.

"Yuca, nandoon sya sa library," sagot ni Ate Irma sa akin at sinalubong si Mama para kunin ang dala-dala nitong groceries. "Ma, I'm just going to greet Mommy," paalam ko sa mama ko at hindi ko na narinig ang sinabi nito dahil tumakbo na akong papuntang library.

I'm excited to see my Mmy because may magandang balita ako sa kanya.

"Mmy?" wika kong binuksan ang pintuan at diretso ng pumasok. At naroon nga sya't tutok na tutok sa pag-aaral ng mga nota nya sa mesa. Kahit magaling na magaling na ito sa larangan nya'y napapabilib pa rin ako sa sipag nyang pag-aralan ang buong detalye ng kanyang concert piece. Ang ganda pa rin ng ginang kahit na nakasuot ito ng reading glasses nya.

Tumingala naman ito sa akin at nagtanong, "Bakit 'nak?" takang tanong nito.

Masaya muna akong humalik sa pisngi nya at niyakap ito. "Good news, mmy," masayang sabi ko.

Her eyes glowed as I said that. "I bet it is. You look so happy, daughter," tukso nya sa akin at tinanggal ang reading glasses nito. "Come on, tell me."

"Sa exhibit ni Mama after your concert---"

"Mahal, I missed you," putol ng isang ginang sa litanya ko nang bigla na lang itong pumasok sa library at mabilis na yumakap kay Mommy at pinaghahalikan ito sa mukha.

Ugh! Ang PDA lang? Itong mga nanay ko talaga. Hayyy...

"Na-miss din kita, mahal," sagot naman ni Mommy na hinigpitan ang pagkakayakap kay Mama. I rolled my eyes. Alam ko na ang susunod na eksena kaya naman before ko pa makitang maghalikan ang mga adults sa harapan ko, umexit na ako.

"Ma, dahil disturbo ka, ikaw na magsabi kay mommy ng good news!" sigaw ko sa kanila pero nakatalikod na ako. Magmo-moment pa yung dalawa. Hinayaan ko na lang.

Walang kasawaan? Hmm, masaya na rin ako kahit na mag-super PDA sila basta lagi ko silang makikitang masaya sa piling ng isa't isa.

Pumunta ako sa kitchen para kumuha ng mansanas. Naroon na rin si Yaci na ngingiti-ngiting umiinom ng juice.

"Hoy!" gulat ko sa kanya.

"Ay, butete!" gulat na turan nito.

"Day dreaming? Bago yan ah," tukso ko sa kanya at pinitik ng mahina ang noo nito tsaka pumunta sa fridge. Nagsisimula na ring magluto ang dalawang katulong namin.

"Ate, naman eh. Kailangan talagang gawin yun?" reklamo nito na dinama ang noo.

"Kanina pa 'yang parang baliw na ngumingiti mag-isa, Yu," sumbong ni ate Irma. Agad naman akong napatingin sa kapatid ko pagkatapos kong mahugasan ang apple ko.

"Ate Irma, naman eh. Masaya lang naman ako eh." Hindi pa ako nagtatanong, nagrarason na ito. Kilala na talaga ako ng kapatid ko kahit sa tingin lang.

Guilty?

"Eh bakit parang namumungay ang mga mata mo? Teka, in love ka ba?"

Muntik naman nitong nabuga ang iniinom na juice sa harapan ko. Buti na lang napigilan nito. "Ate naman. Wala pa sa isip ko yan. Alam mo namang nagco-concentrate ako sa pag-aaral. May bet tayo, 'di ba? Hindi ko nakakalimutan yun. Mananalo ako, promise!"

"Oh sige." Kibit-balikat ko sa kanya tsaka umalis sa kusina pero bago pa ako makaalis ay may pahabol pa akong salita sa kanya. "Hindi ka mananalo. Makukuha ko ang title nila Mama at the end of school year!" confident na sabi ko at tuluyang umalis na doon.

"Ako rin!" narinig ko pang sigaw nya.

Ang sweet namin no? Sigawan ang trip. Haha! Anyway, may pustahan kasi kami na magiging top of the class every end of the school year and so far, wala pang nananalo o natatalo sa amin dahil pareho kaming top sa klase. Ang consequences sa matatalo? Magiging alila for one month.

Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon