THIRD PERSON
0200 HOURS. DAWN.
Nasa kanya-kanya ng kwarto ang pamilya Tan. Mahimbing na natutulog ang mag-anak kasama ng mga kasambahay nito.
Nasa kanikanilang kwarto ang magkapatid, pagod na nakatulog dahil late na rin natapos ang welcome party ng mag-inang Wilson. Himbing na himbing na ang lahat pero lingid sa kanila ay may nangyayari sa magkapatid sa oras na yun, pareho ang sinasapit ng dalawa sa kanikanilang mga silid.
Nakapikit silang balikwas nang balikwas. Nakatulog at binabangungot. Pawisan ang magkapatid at hindi mapakali sa kinahihigaan. Iisang eksena ang kanilang napapanaginipan.
"Yash! Shush, wag kang maingay. Ssshh, relax," kahit nanginginig ang tinig ni Yuca ay pilit nyang pinapatahan ang anim na taong gulang na kapatid. Iyak ito ng iyak at nanginginig pa sa takot.
"A-ate... N-natatakot a-ako," umiiyak na bulong ni Yaci habang mahigpit na nakayakap sa kanyang ate.
Tinakpan na lamang ni Yuca ang bibig ng kapatid habang kagat labing pinipilit wag lumabas ang iyak na kanina nya pa pinipigilan pero katulad ng kapatid, lumalandas na rin ang mga luha sa kanyang mukha.
"Sshhh... Wag kang maingay. Makakalabas din tayo dito. Sshhh," pilit nyang pinapakalma ang kapatid na alam nyang kaunti na lang ay magbe-breakdown na ng tuluyan.
Nakasiksik ang magkapatid sa isang closet sa isang kwarto ng kanilang malaking pamamahay. May pinagtataguan silang tao. Sinasaktan kasi nito ang mga bata at ngayon nga ay parang nagha-hide and seek na naman silang hinahanap nung walang awang tao.
Natatakot ang batang Yaci, hindi para sa sarili kundi para sa kanyang ate. Bukod sa sinasaktan kasi sila ng walang awang tao'y may ginagawa rin itong di kanais-nais sa nakakatandang kapatid.
Marahas na bumukas ang pintuan ng kwartong pinagtataguan nila. Muntik ng mapasigaw si Yaci pero mabuti na lang at agad na natakpan ni Yuca ang bibig ng kapatid. Impit na lamang na umiyak si Yaci habang naginginig sa takot. Samantalang, kabang-kaba naman si Yuca na pinapakikiramdaman ang paligid kasabay ng pagdaloy ng kanyang mga luha.
"Alam kong narito kayo," sabi nung tao. Rinig na rinig pa nila ang yabag ng yapak nito sa loob ng kwarto. Kasabay ng tunog ng mga yapak nito'y ang pagtambol ng dibdib ng dalawang bata dahil sa takot na nararamdaman. "Lumabas na kayo habang hindi pa ako nagagalit," pakanta pa yung pagkakasabi nung tao. Takot na takot naman yung dalawang batang sumiksik ng mariin sa loob ng closet. Pinakiramdaman lang nila ang taong nasa labas.
At unti-unti ngang lumapit ang yabag ng mga paa nito sa closet na kinaroroonan nila. Muntik ng mapasigaw uli si Yaci dahil narinig nilang marahas na binuksan iyon. Nakatakip pa rin sa bibig ni Yaci ang mga kamay ni Yuca. Parang mahihimatay na rin ang nakakatandang Tan sa nangyayari pero nilalakasan nya lang ang loob alang-alang sa nakababatang kapatid.
"Tsk. Ang galing nyong magtago, ah," nakakalokong sabi nung tao. Ibang closet pala yung nabuksan nya. Nakahinga ng maluwag sina Yuca at Yaci. Hindi kasi sila nakita. "Nasa kabilang kwarto siguro sila," wika ng tao at lumayo ang yabag at narinig nila ang pagsara ng pinto.
Nakahinga ng maluwag ang magkapatid. Dahan-dahan na tinanggal ni Yuca ang kamay na nakatakip sa bibig ng kapatid at sumilip sa maliliit na gewang ng closet. Nakita ni Yuca na wala na nga ang taong yun sa paligid. Humarap ito sa kapatid at sinenyasan na wag maingay. Tumango naman ang nakababatang Tan kasabay ng pagpahid ng luha nito at sipon. Hinawakan ni Yuca ang isang kamay ng kapatid habang marahan nyang binuksan ang closet.
"Huli kayo!" biglang sulpot ng taong yun at nakakalokong ngumiti. Malakas na sigaw na lang ng mga bata ang maririnig. Nanginginig na natatakot silang sumisigaw at di malaman kung anong gagawin upang makatakas sa walang awang taong yaon.
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...