AUGUSTINA
"HINDI MAARI 'TO. Hindi maaari," hindi mapakaling nagpalakad-lakad ako sa sala.
Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi sya yun.
Inabot ko ang aking phone at tinawagan uli si Crystal. I need to talk to her. A.S.A.P.
"Kanina ko pa sya tinawagan at pinapunta dito, ah," kausap ko pa din sa sarili habang naghihintay na sagutin ni Crystal ang tawag ko. "Answer, please." Why is she not picking up? "Nasaan ka ba? Answer your goddamn phone, please!" Natataranta ako sa bawat minutong lumilipas.
Nasa ganoon pa din akong kalagayan nang marinig kong tumunog ang doorbell sa bahay. Agad kong pinagbuksan kung sino man ang nagapatunog dito.
"Crystal! Bakit hindi mo sinasagot phone mo?" pinagalitan ko sya kahit nasa pinto pa lang sya ng bahay.
"Ay, fuck! Naiwan ko ata sa kanila," wika nya habang kinakapa kung nasaan ang phone nya.
"Ha? Saan ka ba galing?" nagtatakang tanong ko. Nakita kong namula ito. Hmm?
"Wala. Never mind. Hindi mo ba ako papapasukin?"
Hindi ko na pinansin ang pamumula nya. Binuksan ko ng mas malaki ang pinto at pinapasok ito. Agad itong pumunta ng kusina tapos ay bumalik na sa sala kung saan naroon ako. Uminom muna ito ng kanyang softdrinks bago nagsalita.
"Bakit nagpatawag ka ng meeting bigla?" At nagawa nya pang mag-joke.
"We have a big problem," sabi ko na lamang.
"Tungkol ba yan sa mga Tan?" hula nya.
"Oo," sagot ko.
"Count me out, Tina. I told you to stop this nonsense." Tsaka akma itong tatayo pero pinigilan ko ito.
"Please, Crystal. I need you. Please." Dahil siguro nahimigan nya ang desperation sa boses ko'y naupo sya ulit.
"Tina, ilang beses ko ng sinasabi sa'yo. Tigilan mo na 'to habang maaga pa. May oras ka pa."
Napabuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Please, makinig ka muna sa akin," sabi ko. Tinaas nya ang dalawang kamay as an act of surrender. "The girl in the airport, nung seven years old pa lang ako, I think I found her."
Nanlaki ang mga mata nya. Muntikan pa akong mabugahan ng iniinom nya.
"Anong relate nun sa mga Tan?" she commented. "Teka, don't tell me---"
"Si Yuca yung bata."
"What?!" Konting katahimikan. "Sure ka ba?" maya-maya'y tanong nya.
"Naalala ko pa din yung mukha ng bata. I mean, I took a picture of her bago pa sila makaalis nun. Yung teddy bear is the same with the teddy bear na hawak nya sa larawang naroon sa bahay nila," I bitterly said. habang nakahawak sa teddy bear na bigay nya sa akin noon. What are the odds, right?
Namuo ang katahimikan sa aming dalawa ni Crystal.
"Hmm, this is a sign, Tina."
"What?"
"I said, this is a sign," inulit nya ang sinabi.
"Why?"
"A sign saying you need to stop whatever revenge you're doing and thinking. Tama na, Tina. Binibigyan ka pa ng Diyos ng pagkakataon para mag-back out sa anumang pinaplano mo."
Napaisip ako sa sinabi ni Crystal. Hindi muna ako makaimik.
"I-i can't," I mumbled.
"Anong you can't?"
BINABASA MO ANG
Victoria Boarding School Series 2 (DALAGITA) - GirlXGirl
Teen FictionDALAGITA Yuca found the love she was waiting for. She found that person who truly understands her situation. However, there were a lot of "but's". But that love is her teacher. But that love is hiding a lot. ~*~ Welcome to the sequel of Probinsyana...