Nakanganga at hindi makapaniwalang nakatingin si Ren sa lugar na kaniyang kinatatayuan, suot niya pa rin ang school uniform niya na siyang kanyang huling suot bago mapadpad sa bagong mundo.
Namamangha na nakatingin si Ren sa malalago at naglalakihang mga puno na nasa kanyamg harapan. Mas lalo pang gumaganda ito sa sinag na tumatama rito na nagmumula sa haring araw.Hindi naman na nagtagal pa sa kanyang pwesto si Ren at nag-simula ng maglakad upang malibot ang lugar na kanyang kinaroroonan. Malakas na hangin at maiingay na tunog na nagmumula sa mga nilalang na nakatira sa gubat na ito.
Ramdam ni Ren na may kakaiba sa gubat na kanyang kinalalagyan ngayon, ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng pansin dahil mas kailangan na maging alerto siya sa maaaring dumating na panganib.
Ilamg oras na siyang naglalakad, ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin makita ang daan palabas sa lugar na ito na para bang may bagay na humaharang sa kanya uoang hindi makalabas.
Muli siyang nag-umpisa na maglakad sa pagkakataong ito ang daang kanyang tinatahak ay paloob sa pinakagitna ng gubat. Mas lalong lumalakas ang hangin na tumatama sa kanyang buong katawan. Medyo dumidilim na rin ang dinaraanan niya dahil sa naglalakihang mga puno na humaharang sa sinag ng araw.
Nakakaramdam na ng takot si Ren para sa buhay niya. Hindi niya alam kung ano ba ang mga nilalang na maaaring sumalubong o umatake sa kanya.
Wala pa siyang alam sa mundong ito, armas o kahit anong klaseng pwedeng gamiting pang protekta sa sarili ay wala siya bukod sa bag na kanyang bitbit na ang tanging laman lang ay ang notebook at libro niya na hindi naman magagamit.
Padilim mg padikim ang lugar na kanyang dinaraanan na naging dahilan upang hindi niya makita ang kanyang nilalakaran. Mas lumalakas din ang hangin na siyang dahilan upang lamigin siya.
"Bakit ba kase hindi nila pinuputol ang mga punong ito. Wala tuloy sinag ng araw ang pumapasok sa bahaging ito." Wika niya.
Hindi naman na siya nagaantay ng sasagot sa kanya dahil alam naman niya sa sarili niyang mag-isa lamang siya ngayon sa lugar na ito.
Napatigil sa paglalakad si Ren ng makarinig ng mga ungol ng wolf. Nagtaasan bigla ang mga balahibo niya sa katawan dahil sa takot na ibinigay ng ungol na ito.
Hindi niya matuloy kung saang pwesto ba amg mga ito nagtatago at nagaantay lamang ng tamang oras para atakihin siya.
"Bakit ngayon pa? Wala pa akong alam sa mundong ito ni hindi ko nga alam kung anong nilalang ang maaari kong makita o makasalubomg sa mundong ito." Saad niya.
Muli niyang inilibot ang kanyang tingin sa paligid bago muling magumpisang maglakad. Ilang oras na siyang naglalakad,ngunit bumabalik lamang siya sa dinaraan niya ng paulit ulit.
"Bakit hindi pa rin ako makaalis sa pwestong ito? Ilang beses na akong nagpapabalik balik rito. Hindi kaya.......?." Agad niyang hinubad ang kanyang suot na polo at muli itong isinuot ng pabaliktad. "Sabi mg matatanda baliktarin lang daw ang suot para hindi maligaw o mapaglaruan ng kung sino." Nakangiting sabi niya.
Hindi naman na siya nagaksaya pa ng oras at muking nag-umpisamg maglakad.
[New skill acquired: Night vission.]
Napasigaw si Ren sa gulat ng makarinig ng boses sa kanyang isip. Hindi niya ito inaasahan kaya hindi niya napigilang hindi magulat at mapasigaw.
"Sino ka?." Hindi alam ni Rem kung maaari ba niyang makausap o hindi ito pero wala naman sigurong masama kung susubukan hindi ba?.
"Bea, ang makakasama mo sa iyong paglalakbay."
"Ibig mong sabihin ay ikaw ang nagdala sa akin sa mundong ito?."
"Tama ako ang nagdala sa iyo dito dahil namatay ka na sa mundong iyong pinanggalingan." Agad na napahinto si Ren ng muking pumasok ang mga alala niya bago siya makarating sa mundong ito.
"Namatay na pala ako?." Patanomg na sabi niya. Muking nagsimulang tumulo amg kanyamg luha habang inaalala ang mga mahal niya sa buhay na iniwan niya ng maaga.
"Ngayong binigyan kita ng panibagong pagkakataon ay nais kong gamitin mo ito sa kabutihan at huwag sa kasamaan." Wala namang paligoy ligoy na tumango siya rito at pinunasan ang luha sa kanyang mukha.
Malayo layo na rin ang nilalakd ni Ren hanggang sa huminto siya sa isang bahay na hindi kalakihan, ngunit mapapansin na luma na ito dahil sa unti-unti na itong nabubulok.
Kalahating araw na rin siya sa mundong ito, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng impormasyon tungkol sa mundong ito.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng bahay na naging dahilan ng kanyang pagbahing dahil na rin sa alikabok na kanyang nasinghot.
Inilibot niya ang kanyang tingin sa loob ng bahay,subalit ang kanyang ikinagulat ay dahil maayos ang loob ng bahay nito, kumpleto sa kagamitan at may hagdan din na daanan papuntang pangalawang oalapag ng bahay na ito na hindi niya man lang napansin.
"Kailangan ko na sigurong hindi magulat sa mga bagay na tulad nito. Sa mundong ito ay ang mga hindi kapanipaniwala ay totoo rito." Naiiling na sabi niya.
"Bea, matanong ko lang ano bang mahika ang meroon ako?." Imposible namang wala ako noon diba? Sa mga napapanood komg anime kapag binuhay siya sa panibagong mundo ay may kakayahan o mahika na ininibigay ang mga ito.
Ilang minuto siyang nag-antay sa tugon nito , ngunit wala itong narinig na kahit isa mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...