Ren P.O.V.
Sa nakalipas na linggo wala kameng ibang ginawa kundi ang magpalakas at magimbestiga sa kung ano ang mga hakbang na isinasagawa ng mga iyon. Wala pa naman akong ibang napapansin na kakaiba bukod na lamang sa hindi pa din nagpaparamdam ang grupo ng mga pumasok sa academya na aking talagang ipinagtataka.Hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanilang pagkawala ngunit ang hindi ko lamang lubos na maisip ay hindi man lamang sila nagsasabi sa akin sa mga galaw na kanilang ginagawa dahil kung nagkataon na magkaroon ng problema ay hindi namin sila matutulungan.
"Chief Ren, nagkita na kame ng grupo ni keikio. Ipinapasabi niya na ang mga sect ay gumagawa na ng hakbang upang imbestigahan ang nangyari sa black market maging ang pagkakaroon ng bagong guild na lingid sa kaalaman ng lahat, ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tungkol sa pagkawala ng lahat ng bayan na hawak noon ni duke rave ay iniimbestigahan na din nila."
Napatayo ako sa aking pagkakaupo ng marining ko ang sinabi ni Mataki, wala sa isip ko na ganito kabilis gagawa ng hakbang ang mga iyon. Kahit na meroon permit ang guild na aming ginawa hindi pa rin ako mapapanatag lalo na at nagtatago ang mga werebeast na aking mga tauhan sa mga kwartong naririto.
"Greg, hanapin mo lahat ng mga werebeast na nasa guild. Ang mga tauhan ng demomyong hari na iyon ay siguradomg ano mang oras ay pupunta na sa guild."
Mabilis akong tumayo at humarap kay Frosch na siyang aking kasama ngayon.
"Frosch, hindi ka nila maaaring makita." Nagtataka naman itong napatingin sa akin ng sabihin ko iyon. Mabilis kong hinatak ang kanyang kamay at bumaba napansin ko ang hindi karamihang werebeast na nasa ibaba na seryosong nakatingin sa akin.
"Hindi kayo maaaring manatili pa rito. Ano mang oras ay siguradong parating na ang mga sugong ipinadala ng demonyong hari na iyon upang imbestigahana nag guild na ito." Seryosong sabi ko.
"Saan naman kame tutungo Ren?." Tanang tanong ni Frosch. May isa akong bagay na naisip ngunit hindi ko pa alam kung maganda bang bagay na dalhin ko sila sa lugar na iyon.
"Pasting chain: Teleport." Bigkas ko. Pansin ko ang gulat sa mga mukha ng mga ito ng malaman ang aking mais gawin. "Pasting Chain: Telepathy." Seryoso kong tiningnan ang mga ito bago muling magsalita.
"Bumalik kayo sa Flora Mix Empire." Seryosomg sabi ko. Wala ng ibang lugar na mas ligtas pa doon. "Hindi ko kaya na mamatay kayo kaya bumalik na muna kayo doon at magpalakax at kapag okay na muli ay pababalikin ko kayo." Tumango ang mga ito bago nawala sa aming paningin.
"Magsipaghanda kayo dahil ano mang oras ay darating na ang mga sugo ng demonyong hari na iyon. Wala akong alam kung amo ang mangyayari pagdumating ang araw na iyon kaya pakiusap lumaban kayo para sa inyong mga buhay kung hindi niyo na kayang lumaban pa gamitin ninyo ang mga kakayahang ibinigay ko kani-kanina lamang upang bumalik sa ating empire." Seryosong sabi ko.
Kaligtasan nila nag pinakamahalagang bagay sa lahat kung wala sila hidni mabubuo ang empire na ngayong aking pinamamalakad.
"Masusunod, Chief Ren." Sabay sabay na sabi ng mga ito.
"Mataki, Kiekio may bagay akong nais na ipagawa sa inyo. Bumalik kayo ngayon din sa Guild. Importante ito at nais kong ipagkatiwala sa inyo ito."
Hindi naman siguro pwedeng sila lang amg gumawa mg hakbang laban sa akin, hindi ba? Kung siya ay nagpapakalat ng galamay bakit hindi ko maaaring gawin din iyon.
Hindi ko na maaari pang patagalin pa ito. Hindi ko na nais pang may madamay na iba upang matapos at mapalitan na si Hading hellious sa kanyang position.
"Nais kitang makausap, pumunta ka sa lugar na aking sasabihin."
Napatayo ako sa aking pagkakaupo ng makarinig ako ng malumanay na boses sa aking isip. Sino ka? Alam kong nagmula ka sa royal family ngunit sa dami ng kabilang sa royal family ay hindi ko na alam kung sino ka sa mga iyon. Kalaban ka ba o kakampi?.
"Greg, may pupuntahan lamang ako saglit." Ani ko. Tumango ito sa akin at ipinagpatuloy ang kanyang ginagawa, hindi ko alam kung tama ba ang aking gagawing pagpunta sa lugar na iyon gayong hindi ko naman alam kung anong klaseng tao ang aking makakaharap at kung may kasama nga ba ito.
Seryoso kong tiningnan ang lugar na sa aking haraoan ngayon at hindi ko maisipang bakit sa dami ng lugar na aming maaar8ng pagkitaan sa ganito pa katagong lugar?.
"Buti naman at nakarating ka." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na iyon. Doon ko na saksihan ang mukha ng taong nakikipagkita sa akin. Siya ang lalaking nakita kong nakasakay sa flashflame noon kasama amg dalawa niyang kapatid na aking pinatay ng walang kahirap-hirap.
"Anong kailangan mo sa akin?." Seryosong tanong ko. Base sa kanyang suot at ayos ay hindi mo siya mapagkakamalang anak ng hari, hindi hamak na mas maayos pa ang suot ko dito. Kahit na ganoon man ay hindi ko maitatangging na anagt pa rin ang magandang mukha nito, mahing ang mapupulang labi nito na kay sarap hali------. The hell? Bakit ko naman iyon gagawin?.
"Sumunod ka sa akin." Kahit na hindi pa ako nakakasagot ay naglakad na ito agad palayo sa akin kaya naman wala na akong iba pang choice kung hindi ang sumunod upang malaman ko kung amo ang nais niyang mangyari.
Bumungad sa akin ang hindi kalakihang kwarto na mayroong hindi kahabaang lamesa at napapalibutan ng mga upuan na ngayon ay kita ko ang iba pang mga nakaupo na siyang ikinakunot ng aking noo.
"Maupo ka." Naupo ako na para bang isa akong puppet. Seryoso ko silang tiningnan isa isa lahat habang pinakikiramdaman ko ang mga enerhiya nila, hindi naman ako nabahala ng hindi pa ganoon kalakas ang mga enerhiya ng mga ito.
"Anong kailangan niyo sa akin?." Seryoso kong tanong. Pangalawang ulet na ito sana naman ay sagutin na niya ako kung ano ang dahilan ng pakikipagkita nila sa akin.
"Nais naming malaman kung ano ang dahilan upang kalabanin mo ang hari." Seryosong tanong nito. Seryoso lang akong tumingin sa kanila kahit na nagulat ako kung paano nila nalaman na ako ang na sa likod ng mga pangyayaring iyon.
"Isa lang naman ang dahilan noon, iyon ay hindi siya karapat dapat na maging isang hari. Marami ang dahilan ko para sabihin ang bagay na iyon, isa na doon ay ang pagpapapatay sa mga ibang lahi dahil lamang sa sarili niyang pangkagustuhan." Seryosong sabi ko. Pansin ko na napatango-tango ang mga ito sa akin bago tuluyang magsalita.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasíaRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...