Chapter 72: City of Dinean

182 33 0
                                    

Ren P.O.V.
Sa nakalipas na lingho naming pananatili sa city of dinean ang pinakamalakimg city na talaga nga namang patok sa lahat. Sa Paradise kingdom ito ang pinakasikat na city dahil sa dami ng magagadang bilihin at daan din ito patungong palasyo ng demonyong hari na iyon. Ilang beses na rin kameng napalaban dahil nga sa may kasama kameng werebeast na talaga nga namang bawal sa lugar mg mga tao.

Sa nagdaang araw ay hindi na muna namin isinasama si Frosch sa paglilibot sa lugar at iniwan na lang namin muna siya sa inn na aming tinutuluyan, mabait ang may ari at timggap kame kahit kasama namin si Frosch sabi nga niya may kaibigan nga din daw siyang ibang lahi ngunit hindi daw niya alam kung nasaan ito simula ng huntingin ang mga ibang nilalang na pumupunta sa lugar ng mga tao.

Wordless Sect, hindi ko alam kung gaano kapanganib ang sect na aming nakabangga gaya nga ng sabi ni Kuya Roy ay hindi naman daw ito madalas na nagpapakita sa lahat tanging mga plate lamang ng mga ito ang magpapatunay ma miyembro sila ng sect na ito.

Marami din kameng nakuhang mga zeni o pera sa mundo mg mga tao. May ibat ibang uri din ng mga herbs at potion ang iba sa mga ito tulad na lang mg war chief ma iyon.

"Magsitabi kayo dadaan ang mga prinsipe." Dahil sa lakas ng sigaw ay napalingon ako sa pinagmumulan noon at doon ko nakita ang paparating na flashflame hindi ko mapihilang himdi mamangha na makita ito mukha itong kabayo sa mundo ng mga tao ngunit hindi ito gaanong kataasan at mas mabilis pa ang takbo nito at nababalot pa ito sa apoy.

Tumabi ako ng mapansin kong palapit na ang mga ito. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis sa gimagawa ng mga bantay na ito sa mga taong hindi nakakaalis sa daan dahil sa daming bitbit.

Pansin ko din ang ngising ibinibigay ng dalawang prinsipe na mukhang natutuwa pa sa nasakaihan. Napalingon ako sa huling prinsipe na malumanay ang mukha ngunit ramdam ko ang malakase na enerhiya na meroon ito.

Napaiwas ako ng aking tingin ng magtama ang aming mga tingin. Hindi ko alam ngunit may iba akong naramdaman sa sandaling pangyayaring iyon ngunit agad ko itong winaglit sa kaing isipan bago muling pumunta sa kinaroroonan ng aking mga kaibigan.

Nakita ko ang mga ito na kung ano ano ang binibili ngunit may isang tao ang nakaagaw sa aking pansin at hindi ako maaaring magkamali sa bagay na iyon. Mabilis kung sinundan ito at mukhang napansin naman nito ang aking pagsunod sa kanya dahil may pinasukan itong daan na talaga nga namang wala kang masyadong makikitang taong dumaraan.

"Mataki." Seryosong bigkas ko sa ngalan nito na siyang ikinahinto nito. Tama si Mataki ang aking nakita ang isang leader ng grupong aking ginawa kung ganoon isa pala ang grupo niya ang nanatili sa labas.

"Chief Ren." Gulat na bigkas nito. Agad ko naman itong pinatayo at baka may makakita pang ibang tao sa kanyang gimagawa.

"Saan ang iyong tungo." Seryosong tanong ko. Agad naman nitong ibinulong sa akin ang lugar na kanyamg pupuntahan kaya hindi ko maiwasamg hindi magulat.

"Puntahan natin ang lugar na iyong sinasabi." Mabilis itong tumango at siya ang nauna upang makasunod ako sa kanya ng hindi nahahalatz ng iba na magkakilala kameng dalawa.

Malayo layo rin ang aming nilakad ng humimto kame sa tapat ng isang malaking bahay na hindi pa gaanong tapos dahil may kulang pa sa mga ito.

Pumasok ako sa loob at doon ko nakita ang mga taong kasama nito. Kung ganoon ang grupo niya ang nanatili sa labas habang ang grupo ni Keikio ang pumasok sa paaralan ng mga tao at nakipagpalit lamang ito dahil mayroong werebeast sa kanyang grupo.

Nagsipagyukuan ang mga ito mg ako'y makita kaya naman ngumiti ako sa mga ito bago ko sila pinatayo. Ang kauna unahang guild house na mayroon ang empire na aking pinamumunuan.

"May mga kailangan ba kayo? Sa tingin ko ay ilamg araw mula ngayon ay magbubukas na kayo. Isa pa nga pala alam niyo naman amg qualification na meroon amg guild natin hindi ba?." Seryosong tanong ko. Tumango ang mga ito sa akin.

May inilabas akong larawan ng isang tao na kanikang ipinagtaka.

"Pasama nito sa quest board, importanteng malamN ko kung nasaan ang kinaroroonan ng taong ito." Seryosong tanong ko. Tumango ang mga ito at lumapit sa napakalaking board quest at inilagay ang aking quest.

Binigay ko din ang halaga na ibabayad sa taong makakahanap ng kinaroroonan nito.

"Magingat kayo, ako ay aalis na at baka hinahanap na ako ng iba pa." Seryosong sani ko. Tumango ang mga ito sa akin bago ako tuluyang mawala sa kanilang paningin at sumulpot ako sa sa harap ng bagot na bagot na mukha ni Frosch.

"Buti naman at may nagbalik na kahit isa sa inyo." Inis na sabi nito. Hindi ko naman maiwasang mapatawa dahil sa sinabi niya.

"Huwag ka ng mabagot diyan alam mo naman na kailangan namin maghanap ng impormation." Ani ko. Ngumuso lang ito bago umayos ng upo.

Ilang minuto lamang ang lumipas ay dumating na din ang dalawa na malawak ang ngiti na siyamg ikinakunot ng aking noo.
"Anong ginawa ninyo at bakit ngayon lamang kayo nagbalik?." Seryosong tanong ko.

Imbes na sumagot ay inilabas ng mga ito ang kanilang mga ipinamili kanina. Napakunot ang aking noo sa mga bagay na aking nakita.

"Blood Crystal." Gulat at nanlalaki ang aking mga mata dahil sa aking nakita. Isa ang blood crystal sa pinakamahirap mahanap sa lahat nagmula ang mga ito sa turtilion. May katawan ito ng isang mabangis na uri ng lion na may baoot na shell ng isang turtle at na sa ibabaw nito ang blood crystal na talaga nga namang hinahanap ng lahat dahil magagamit ito sa paggawa ng mga potion o pills.

"Saan niyo nakuha ang Blood Cystal?." Takang tanong ko. Agad naman napaisip ang mga ito bago nagsalita.

"Sa isang market hindi ko alam kung anong market iyon ngunit napakadilim ng daang aming tinahak ng kame ay isama ng tindero. Ano nga ba ulit ang tawag sa lugar na iyon, Kuya Roy?." Kamot ulong sabi ni Greg.

"Black market." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa narinig kong sinabi nito. Seryoso kong tiningnan ang mga ito bago ako magsalita.

"Mayroon na tayong kugar na kailangan siraan at alam kong malaki ang magiging epekto nito sa demonyong hari na iyon." Nakangising sabi ko. Kita ko ang panlalaki ng mga mata ng mga ito matapos kong sabihin iyon na siyang aking ikinapagtaka.

God's And Goddesses Gifts:  Volume 1 [ The Begginning ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon