Chapter 1: The beginning
Ren P.O.V.
Isang araw na rin ang lumipas simula ng ako'y mapadpad sa mundong aking kinatatayuan ngayon,subalit hanggang ngayon ay wala pa akong alam kung ano bang mundo ang aking napuntahan. Ang tanging alam ko lamang ay hindi basta-basta simple ang mundong ito.Habang maaga pa ay dapat may malaman na ako kahit papaano sa mundong ito hindi maaaring wala akong alam baka iyin pa ang maging dahilan ng muling aking pagkamatay.
"History of Noumiara." Basa ko. Hindi ko mapigilang hinid mapangiti ng mabasa ang pamagat ng librong hawak ko ngayon.
Nandito kase ako ngayon sa isang kwarto sa bahay na aking tinutuluyan ngayon. Medyo luma na rin ang mga gamit na nandidito na para bang sinadya ang mga ito.
Marami pa akomg nakitang mahahalagang libro na makakatulong sa akin. Inumpisahan kong basahin ang mga ito,nakakainteresado naman ang laman ng librong ito. Para lamang akong nagbabasa ng libro sa Ap/history subject ko.
Hindi ko alam kung ilang oras ang aking ginugol bago ko matapos ang lahat ng libro. Meroon akong nabasa tungkol sa ibat ibang race na meroon ang mundong ito. Nalaman ko rin na may ibat ibang klase rin na kapangyarihan ang mga maaaring magamit nb isang nilalang.
Water element
》mga nilalang na kayang gumamit o gamitin ang tubig mapadepensa o opensa man ito.Fire element
》mga nilalang na kayang gumamit gamitin ang apoy mapadepensa o opensa man ito.Air element
》mga nilalang na kayang gumamit o gamitin ang hangin mapadepensa o opensa man ito.Earth magic
》mga nilalang na kayang gumamit o gamitin ang lupa mapadensa o opensa man ito.Ayan ang four main magic sa mga elemental. Meroon ding mga beast tamer,summoner atbp.
Ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang tungkol sa mga nillaang o gamit na kayang magkatawang tao depende sa tagal ng cultivation nila. Maaari ka lamamg magkaroon ng katawamg tao ay kapag umabot na ng 1000 years ang cultivation.
Sila din ang mga tinatawag na demon ng mga tao o ng mas nakakataas kaya ang mga nilalang na nagkatawaang tao ay nagtatago upang mailigtas lamang ang kanilang mga buhay.
Hindi ko din ineexpect ang bagay na iyon.
Inayos ko muli amg mga ito sa lamesa babo ako lumabas nais kong lumabas sa gubat na ito at pumunta sa mga bayan uoang makahanap ng impormasyon pa. Hindi sapat ang aking nabasa dahil alam kong may kulang sa pahina ng librong aking nabasa.
Huminga ako ng malalim bago muling tumingin sa dilim na daan na ito.
"Night vission." Bigkas ko. Matapos ko lamang sabihin iyon ay para bang biglang nawala amg madilim na daan sa aking harapn na siyang aking ikinatuwa. Dahan dahan lang ang aking lakad na ginagawa dahil gusto kong masilayan pa ng matagal ang ganda ng paligid.
Hindi ko alam kung ilang oras na akong maglalakad pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahanap ang daan palabas. Ano ba talagang nangyayari?.
"Bea,bakit hindi ko makita ang daan palabas?." Hindi ko alam kung sasagutin ako nito, ngunit wala naman masama kung susubukan hindi ba?.
"Hindi ka maaaring makalabas sa gubat na ito. Maaari mo lamamg iying gawin kung ikaw ay kaya mong protektahan ang iyong sarili at ang gubat na iyong pagmamay-ari." Protektahan?pagmamay-ari?.
"Ibig mong sabihin ang buong gubat na ito ay aking pagmamay-ari?." Hindi ko maiwasamg hindi mapa-ngiti habang nagaantay sa sagot sa akin ni bea.
"Oo, lahat ng bagay na naririto ay iyong pagmamay-ari." Kung pagmamay-ari ko ang buong lugar na ito, paano ko maaalagaan ito ng mag-isa?.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...