Chapter 63: Information

213 29 0
                                    

Ren P.O.V.
Ilang linggo na rin ang lumipas simula ng umalis ang mga ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabalik ang mga ito na siyang aking  ikinababahala,alam ko kung gaano kadelikado ang gagawin ng mga ito ngunit hindi pa rin naman naaalis ang pananalig na buhay pa ang mga ito.

Ito na lamang ang aking hinihintay upang malaman kung ano ang nangyayari sa labas ng aking tirahan.

"Ren, sa tingin mo ba ay ayos lamg ang mga iyon?." Napalingom ako kay Frosch na bakas sa mukha ang pagkabahala at takot sa maaaring mangyari sa mga iyon. Wala pang kasanayan sa pakikipaglaban ang mga ito kaya hindi ko din maiwasang makaramdam ng takot.

"Hindi kò din alam,hindi naman siguro sila napahamak sa kanilang ginagawa di ba?."

Sana pala ay pinasama ko ang dalawa sa aking mga kaibigan sa mga iyon upang masiguro amg kaligtas ng mga iyon.

"Panginoon." Napalingon ako sa bintana sa aking opisina at doon ko nakita ang isang lalakeng aviators na kumakatok sa binta na akala mo ay pintuan. Napabuntong hininga ako at tumayo uoang mabuksan ang bintana.

"Nagbalik na po ang isang grupong umalis." Ayun lamang ang kanyang sinabi ay nakaramdam na agad ako ng tuwa at nakabalik ng ligtas ang isang grupo.

"Maraming salamat, maaari ka ng bumalik sa iyong trabaho." Nabawasan naman na ang kabang aking naramdaman ng malaman kong may nakabalik na mula sa dalawang grupong aking inutusan.

Hindi rin naman nagtagal ay bumungad sa amin ang mukha ng mga kabataang may mga galos sa katawan na mukhang hindi na nagamot pa. Pansin ko din ang pagod ng mga ito ngunit wala ng oras na maaaring masayang pa,dahil sa minuto  o oras na kumilipas may mga nilalang na nanganganib ang buhay.

"Panginoon, kame po ay nakabalik na at dala na po namin ang impormasyong kailangan ninyo." Mabilis kong pinatayo ang mga ito at pinaupo sa mga bakanteng upuan nikapit din naman ito agad ni Frosch upang gamutin ang mga ito.

Ikang iras na ang lumipas ngunut hindi pa din dumadating ang isang grupo na pinamumunuan ni Keikio ang usaoan ay isang linggo dapat ay nakabalik na sila.

Muling bumilis ang tibok ng aking puso habang iniisip kung may nangyari na bang masama sa mga iyon.

"Ren, sa lumilipas na oras na ating sinasayang ay maraming buhay ang nawawalan." Alam ko ang bagay na iyon Greg ngunit ano ang magagawa ko hindi pa ito ang tamang panahon upang lumabas at magpakita sa lahat lalo pa at hindi pa ganoong kalakas ang ating panig.

"Mataki." Seryosong bigkas ko. Agad naman itong kumuhod sa aking harapan. Seryoso ko itong tiningnan bago muling magsalita.
"Nais kong malaman kung anong nangyari sa lugar na aking pinapuntahan sa inyong grupo." Kapag hindi pa sila nakabalik matapos ang paguusap namin ay ako na mismo ang lalabas at hahanapin sila. Hindi ako mapapanatag hanggat hindi ko nakikita ang kaligtasan ng aking mga tauhan.

"Gaya po ng sabi ninyo sa amin panginoon ay pumunta po kame sa Vruiryn Empire." Huminto ito sa pagsasalita bago muling nagpatuloy. "Ang kingdom po na iyon ay ngayon ay wala na, ni isang buhay na nilalang ay wala kameng naabutan doon tanging sirang mga kagamitan at kabahayanan na lamang po ang aming nakita at mga bangkay na lamang ng mga naninirahan doon."

Vruiryn Empire..hindi ko akalaing maging ang kanikang kahi ay mukhang naubos na sa lugar na ito,sana kang ay may natira pa sa kanilang lahi uoang maipagpatuloy ang kanilang henerasyon.

"May mga nakasagupa ba kayo sa inyong paglalakbay?." Tumango ito at isinalaysay sa amin ang pakikipaglaban nila sa mga beast na nakakalat sa empire na iyon at kung paano din sila nakipaglaban sa mga knights ng demonyong hari.

"Maaari na kayong magpahinga." Kumuhod muna ang mga ito sa akin bago tuluyang umalis. "Aalis tayo ngayon." Seryoso kong tiningnan ang mga ito na seryoso ding nakatingin sa akin at naghihintay ng aking sunod na sasabihim.

"Susundan natin ang grupo ni keikio kung hindi ako nagkakamali ay siguradong may hindi magandang nangyayari sa grupong iyon ngayon kaya hindi sila nakabalik agad." Himdi sila maaaring mamatay gayong hindi ko pa sila binibigyan ng hudyat upang gawin iyon.

"Ayun na lang din ang hinihintay namin na sabihin mo." Seryosong sabi ni Kuya Roy. Hindi pa man ito ang oras ngunit hindi maaaring pabayaan ko na lamang mamatay ang mga iyon sa labas.

"Sino ang magbabantay ngayon? Wala ang mga pinuno ngayon dahil na sa pagsasanay sila ngayon hindi ba? Hindi tayo maaaring umalis ng walang magbabantay sa ating nasasakupan."
Hindi ko maaaring iwanan ng walang poprotekta sa aking mga tauhan lalo na at hidni ko alam kung may tulad ng mga kaibigan kong nakikita ang pinagtataguan ng flora vein.

"Maaari naman sigurong pabalik na lamang muna natin sila hindi ba? Sigurado naman akong maiintindihan nila ang magiging desition mo." Hindi ko alam kung dapat ko bang sundin ang request ni Frosch ngunit wala naman na akong ibang pagpipilian kung hindi ang gawin iyon.

"Sige maiwan ko na muna kayo at baba ako doon." Ani ko. Tumango ang mga ito at muling naupo. Agad din naman akong bumaba para makaalis na din kame agad dahil madami ng oras ang nasasayang namin dahil lamang rito.

Nang ako ay makarating ay bumumgad sa akin ang mukha ng tatlong nilalang, kuya Zane, Ate Jane at si auntie Chezka. Mukhang kakalabas lang nila ng tower dahil kita ko pa ang pagpupunas ng mga ito mg kanikang mga pawis.

Ganoon na ba talaga kahirap ang pagsasanay sa loob ng tower nz iyan? Hidni ko pa din kase nasusubukan iyon dahik na rim sa marami akong ginagawa nitong mga nakaraang taon at nawala din sa isip ko ang tungkol sa bagay na ito.

"Buti at lumabas kayong tatlo." Napakingon naman sa akin ang mga ito ng may pagtataka. "Kailangan ko ang tulong ninyong tatlo,lalabas kame ngayon dahil hindi pa bumabalik ang isang grupong aking inutusan at hindi ako mapakali baka kung amo na ang nangyayari sa mga iyon. Hidni naman kame maaaring umalis ng walang titingin sa mamamayan kaya nais kong kayo muna ang gumawa nito." Kita ko ang pagkagulat sa kanila ngunit agad din namang tumango at sumunod sa aking pagbabalik sa opisina ni Zane.

Ang opisina ko kase ay pansamantalng gamit mgayon ni Zane dahil na rin sa hindi naman na ako ang gumagawa ng mga kaikangan tungkol sa hinaing ng mgz mamamayan dahil sa madami din akong hinagawa at ilang taon din kamemg nawala dahil sa aming pagsasanay sa Hell Island.

Nang makarating kame ay tumayo agad ang mga kaibigan ko at mabikis na lumapit sa akin at kumapit sa aking balikat.
"Sa inyo ko muling iaasa ang dapat na obligasyon ko, babalik din kame agad kasama ang mga iyon."

"Magiingat kayo sa inyong gagawin." Tumango kame kay auntie Chezka bago tuluyang nawala sa kanilang mga paningin.

God's And Goddesses Gifts:  Volume 1 [ The Begginning ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon