Rodie P.O.V.
Nanalalaki ang aming mga mata ng tumambad sa aming harapan ang laman ng kwarto, hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita para bang dinadaya ako ng aking mga sariling mata."Hidni ko akalaing ganito karami amg bagay na itinatago ng harimg iyon."
Napatango ang mga ito dahil tama naman ang sinabi ni jane. Tumpok tumpok na halaga ng zeni amg nasa aming harapan at hindi lamang iyon may ibat ipang uri din ng mga armas ang kanilang nakikita may mga luma at bagong libro din ang nakahanay sa isang tabi.
Ang mas nakakuha ng aking pansin ay ang mga ibat ibang uri ng pills at potion na hindi ko malaman kung ano ang mga epekto nito sa katawan.
"Ilabas niyo na ang interspatial ring na ibinigay sa atin ni Ren upang maikagay na natin ang lahat ng ito."
Agad kong sinuot ang interspatial ring na ibinigay sa akin ni Ren at pumunta ako sa sa lugar ng mga libro at isa isa ko itong ipinasok wala akong kahit na isang iniwan.
Madami amg mga librong ito ngunit hindi ko alam kung bakit parang may kakaiba akong nararamdaman sa libro sa tuwing aking nahahawakan ang mga ito.
Matapos kong mailagay ang lahat ay lumipat ako sa mga pills at potion at mabilis na inilagay ang lahat ngunit dahil sa dami nnito ay hindi ko agad matapos ang mga ito.
"Sa tingin niyo kailan kaya makakalabas sila Ren sa lugar na iyon? Kalahating taon na rin ang lumipas simula ng ounasok sila sa loob."
Napaisip din ako dahil sa sinabi nito. Sila ang kauna-unahang nagtagal sa loob ng hell Island hindi na nakakapagtaka iyon dahil sa lakas na meroon sila ay sigurado akong hindi sika basta basta matatalo sa loob.
"Ang mahalaga ngayon ay ang matapos natin ang pinapagawa ni Ren. Hindi natin alam kung kailan sila makakabalik kaya kailangan nating gawin ang lahat ng pinaoagawa sa atin nito bago sila umalis."
"Tama ka, Chezka. Tayo ang pinagkakatiwalaan ni Ren kaya dapat ay himdi natin masira ang tiwalang iyon."
Napatango na kamang ako sa kanilang usapan at mas binilisan ko pa ang aking ginagawa.
"Wala naman ng natira hindi ba?."
Tumango ako bilang pagtugon.
"Bumalik na tayo at ng maiayos na natin ang mga ito."
Naglabas mg teleportion stone si Jane na ibinigay ni aren sa ianya bago umalis. Agad niya itong inilagays sa aming tapat bago kame kinain ng liwanag.
Bumungad sa amin ang kwarto kung saan huking nagkaroon ng pagpupulong at sa hindi inaasahang pangyayari ay may nagaganap pa lang pagpupulong sa pangunguna ni Zane.
"Nagbalik na pala kayo, mauoi kayo at ng masimulan na ang pagpupulong. "
Naupo naman agad kame at seryosong nakatingin sa kanya may inilabas itong mga papel at isa isa itong ibinigay sa amin ng mga tauhan nito.
"Bago umalis si Ren ay ibinigay niya sa akin ito kaya nais ko ang atensyon ninyo para rito."
Agad kong binasa ang nilalaman nito at hindi ko maiwasang magtaka o magulat dahil sa nilalaman na detalye nito.
"May mga position at responsibilidad na kailangan gawin amg bawat isa sa atin at kailangan natin magtakaga ng mga gagawa ng mga ito."
Tama siya hindi siya maaaring mamili na lamang agad sa amin ng walang pahintulot.
"Maaari ba muna kaong magtanong?."
Napalingon ako kay ingra ng magsalita ito.
"Maaari namanm ano ba ang iying katanungan?."Seryoso itong tumingin sa duke bago nagsalita. "Ayon sa sulat may limang hall nais gawin ang panginoon na dahil na rin sa iba iba naman tayo ng lahi o kakayahang pinagmulan. Ano ano ang hall na ito na hindi naman nabanggit sa liham?."
Napaisip din naman ako agad dahik wala nga sa nilalaman ng sulat ang bagay na iyon.
"Magandang katanungan. Dahil sa kanyang pagbabalik marami siyang nais na baguhin para sa atin, ang una rito ay nais niyang gawing isang empire ang Flora vein at nais niya itong tawaging Flora Mix Empire. Ang flora ay nanggaling sa flora vein na siyang kinatatayuan natin at ang mix dahil ibat ibang lahi at kakakyahan ang ating pinagmulan."
Nagulat ako sa aking narinig dahil wala sa isip ko ang paggawa ni Ren ng sarili niyang empire.
"Hindi ko alam kung anong bagay ang nagtulak sa kanya upamg gumawa ng empire ngunit isa lang ang masisigurado ko iyon ay ang para sa ikabubuti ng lahat. Ang ikalawa ay ang tungkol sa tanong mo Ingra nais ni Ren na magakroon ng Strenght hall, defense hall, medicine hall, speed hall at financial hall."
"Ang bawat hall ay may ibat ibang tungkulin at alam kong alam niyo na ang mga iyon."
"Kung ang speed hall ang paguusapan hindi maitatangging ang mga aviators ang nababagay sa positiong iyan."
Napatango naman ako sa sinabi ni hephas. Tama siya sa empire na ginagawa ngayon ni Ren ay sila pa lamang ang may kakayahang iyon.
"Sa strenght hall maaaring si Rodie ang italaga natin rito, hindi sa minamaliit ko kayo ngunit sa ating lahat alam nating hidni hamak na mas malakas at may kasanyan sa pakikipaglaban ito dahil na rin sa tulong ng panginoon."
Hidni ko maiwasang magukat ng sabihin iyon ni gwynn. Hindi ko ipinagmamalaki ang lakas na meroon ako kaya hindi ko akalaing alam nila iyon.
"Tama siya, sa ating lahat si Rodie ang nararapat rito."
Wala na akong nagawa uoang pigilan sila ng italaga na ako bilang pinuno.
"Sa medicine hall ay maaaring si Tarina na lamang amg gawin natin. Siya ang secretarya ni Ms. Frosch ang kaibigan ng batang panginoon, alam natin lahat ang kanilang kakayahan."
"Ngunit paano ko matatanggap ang tungkukin na iyan? Isa akong Weredog."
Wala naman sa aming problema ang bagay na iyon, sa lugar na ito pantay pantay ang lahat.
"Wala sa aming problema iyon. Dahil pantay pantay ang lahat sa lugar na ito."
Kahit na ano pang tutol nito ay wala na siyang nagawa pa dahil walang nais na tulungan siya uoang himdi matanggap ang tungkulin.
"Sa defense hall maaaring ikaw na iyon Zane."
Walang tumutol sa amin dahil iyon din ang nasa isip naming lahat.
"Sa financial hall si Chezka na lamang ang ating ilagay roon."
Matapos komg sabihin iyon ay wala ni isang tumutol dahil alam nila ang kakayahan at pagiging tapat nito.
"Kung ganoon ang magiging Hall masters ay aking muling babanggitin. Sa strenght hall ay si Rodie, defense hall ay si Zane, medicine hall ay si Tarina, speed hall ay si Ingra at ang sa Financial hall ay si Chezka."
"Ang pagtatayuan ng inyong mga hall ay ihahatid kayo mamaya ng aking mga tauhan."
Tumango kame rito.
"Ang ikatlo ay ang pagkakaroon ng Academya. Nais ni Ren na magkaroon nito dahil nais niyang mahasa ng bawat kabataan ang kakayahan nito, kung magiging adventurer man ang mga o hindi ay kailangan nioang pumasok dahil hindi natin oras oras na ma poprotektahan ang lahat mas mabuti ng handa sika sa mga ganitomg pangyayari."
Academya? Hindi rin naman panget na ideya iyon ngunit sino naman ang magtuturo?.
"Ang magiging guro ay ang mga dating general. Ayon kay Ren may mga karanasan at kaalaman na g mga ito sa bagay bagay kaya naman alam niyang nararapat ang mga ito sa kanila,isa pa ang sabi niya ay hindi basehan ang nakaraan ng mga ito uoang malapagturo dahil ang bawat nilalang ay may karaoatang magbago ayon sa kagustuhan nito."
"Magsasanay at magaaral muli kayo gamit nag mga inihanda ni Ren. Matagal tagal pa naman daw ang pagtapos sa academyang iyon kaya may oras pa kayo upang makapagaral."
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...