1st Elder Marissa P.O.V.
Di ko maiwasang makaramdam ng takot at kaba habang nasisilayan ko kung paano patayin ng mga kabataang ito ang lahat ng taong naririto ngayon sa black market,mayroon din akong nakikitang isang grupong kumukuha ng mga gamit ng mga ito na siyang aking ipinagtataka dahil hindi man lamang nila ito pinatatamaan ng atake nila."Buti naman at nakabalik ka na." Napalingon ako sa taong tinitingnan ng babaeng kasama ko at doon ko nakita ang lalakeng nagbilin sa akin na nabntayan ko ang babaeng ito na mukhang hindi naman na kailangan ang tulong ko.
"Wala akong oanahon para makipaglaro sa kanila, habang tumatagal akong nakikipagusap sa kanila ay hindi ko maiwasang makaramdam ng galit." Seryosong sabi nito. Napalingon ako sa pinanggalingan noon at doon ko nakita ang bangkay ng dalawang prinsepe. Hindi ko maiwasng hindi magulat dahil kilala ang dalawang prinsepeng ito sa pinakamalakas sa lahat.
"Antayin na lang natin na matapos ang dalawa at lilibutin natin ang buong lugar, frosch bumama ka at nais kung ilagay mo sa singsing na ito ang lahat ng bangkay ng mga walang kwentang iyan." May ibinigay iting intersspatial ring bago tuluyang bumaba.
Tanging kame na lamang ang nanatiling dalawa sa kwartong ito. Hindi ko maiwsang hindi makaramdam ng kaba dahil baka mamaya ay patayin niya rin ako.
"Huwag ka pong mag-alala wala akong balak na saktan ka dahil hindi ako kagaya ng mga taong naririto na pumapatay ng mga inosente." Seryosong sabi nito. Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi nawala ang takot at kabang aking nararamdaman dahil sa sinabi nito. "Anong alchemy flame po ang meroon kayo?." Takang tanong nito.
"Yellow Flame." Ani ko. Tango tango naman ang ginawan ito bago tuluyang ibinalik ang tingin sa baba. Pansin kong tapos na ang mga ito at paakyat na sa aming kinaroroonan habang may ngiti sa labi.
"Chief Ren." Hindi ko maiwasang hindi magulat ng bigla na lamang may isang grupong sumulpot sa aming harapan, nakayuko ang mga ito sa harapan ng batang na sa aking tabi.
"Nakuha na po namin ang lahat ng kayamanang meroon ang mga ito." Seryosong sabi nito.Ibig sabihin tauhan niya ang mga ito? Kaya ba hindi ito pinatatamaan kanina ng mga atake dahil kasama pala nila ito. Ano ba talagang katauhan ang meroon kayo? Bakit ganito na lang kayo kalakas?.
"Pumunta kayo sa kanang bahagi lahat ng makikita ninyo ay nais kong kunin ninyo magkikita na lamang tayo sa Guild." Seryosong sbai nito. Mabilis na nawala sa aming paningin ang mga ito kaya mabilis akong sumunod sa batang ito ng bumababa ito.
Seryoso lamang ito habang naglalakad patungong kaliawang bahagi. Wala akong kahit na anong nakikita habang kame naglalakad hindi gaya ng kanina na napakaraming tao at kalat.
Sa nakalipas na mga oras ay ilang kwarto na ang aming napasikan at marami na rin amg mga itong nakuha na siyang mahirap mahanap ngayon, hindi ko akalaing kaya nauubos ang mga ito dahil itinatago ng black market ang mga ito uoang maibenta ng mahal.
"Tapos na ang ating paghahanap, kumapit kayo sa akin." Ssryosong sabi nito. Mabilis na kumapit ako rito at ilang sandali lamang ay bumungad sa akin ang mukha ng mga werebeast kaya hindi ko maiwsang hindi mabigla sa aking nasaksihan, dahil amg kanilang hanay sa paradise empire ay alam kong pinapatay na ni haring hellious kaya paanong nakaligtas ang mga ito?.
"Maligayang pagbabalik, Chief Ren, Mahal na Hari at Mahal na Reyna ." Bigkas ng mga ito. Napalingon naman ako sa tinatawag ng mga itong hari at reyna doon ko nakitang nakatingin pala ito sa mga batang kaibigan ni Ren. Kita ko din ang pagkunot ng noo ng noo ni Ren dahil sa narinig.
"Lingid sa iyong kaalaman ay bumubuo rin kame ng sarili naming palasyo sa empire alam mo namang hindi maaaring walang palasyong tutulong sa iyo upang mapanatili ang kaligtasan ng empire na iyong hawak." Tama kung may empire kang ginawa hindi maaaring walang palasyong dapat na poprotekta sa pinakahari o reyna ng empire.
"Anong palasyo naman ang nais ninyong gawin?." Seryosong tanong nito. Sumenyas ito na isarado ang lahat ng pinto at mga bintana kaya naman agad itong ginawa ng kanilang mga tauhan, umupo na ako ng makita ko silang naupo na nangangawit na din ako sa tagal ng aming pagkakatayo.
"Dahil winasak na ni Haring Hellious ang maliit na aming kingdom sa paradise empire ay bubuuhin ko muli ito at mas papalakasin pa upang hindi na mangyari pa muli ito." Hidji ko mapigilang hindi mamangha sa ganda ng tenga nito at ang kulay niya ay kakaiba sa lahat.
"Kung ganoon na umpisahan naman na ninyo ang pagpapatayo sa palasyong tinutukoy ninyo?." Seryosong tanong nito. Manilis naman tumango ang mga ito bago muling magsalita.
"Ang palasyong aming ipinagawa ay na sa loob lamang din ng iyong tirahan dahil sa malawak naman iyon na parang walamg dulo ay ipinalibit na lamang namin ang mga iyon upang mas malakas ang protektor ng empire." Sagot ng Roy ata yun.
Kita ko ang pagsilay ng ngiti nito dahil sa ianyamg narinig mukhang simpleng bagay lamang ay masaya na siya agad paano pa kaya kung malaking bagay na? Baka magtatalon talon pa ito.
"Kung ganoon hindi ko na kayo pipigilan amg kailangan nating gawin ngayon ay mga nakuha nating kayamanan sa black market. Ilabas na ninyo ang lahat ng mga nakuha ninyo." Seryosong bigkas nito.
Makalipas ang ilang sandali ay hindi ko na makita ang mukha ng isat isa dahil sa taas ng mga kayamanang kanilang makuha hindi ko akalaing may ganito karaming halaga ang black market na iyon.
Sa tagal na oanahong umiiral iyon ay hindi na rin masama dahil sa dami ng naipon nito ngunit bakit kailangan nilang iounin ang mga ito maging ang mga na sa hawla ay bakit hindi nila isinama sa bidding na para bang nakalaan na ito sa iba. May mga papel na nakalagay at may ngalan ding mga nakasulat at hindi pamilyar sa akin ang mga ngalan na aking nababasa.
Hindi kaya dadalhin ang mga ito sai ba lang empire at kingdom? Kung ganoon nga ang mangyayari ay napakademonyo ng mga ito. Paano nila nagagawa ang ganiting mga bagay?.
~~~
Last four chapter left.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...