Third Person P.O.V.
"Ang Meditation Cliff Tower ay isang divine artifacts na ilang libong taon ng nawawala, umiral ito noong kauna-unahang nagkaroon ng malawakang digmaan. Ilang milyong mga nilalang ang namatay para lamang makuha ang bagay na ito dahil sa isang dahilan."Hidni makapaniwala ang mga ito sa sinasani ni Chezka, ngunit wala namang dahilan upang magsinungaling o gumawa ng kwento ito sa kanila.
"Anong dahilan iyon, ina?." Lahat ay nagaantay sa magiging sagot nito.
"Dahil ang Meditation Cliff Tower ay isang lugar kung saan mabilis na sinasanay ang isang nilalang, ayon sa kwento sa akin ni ina ang mga lumalabas sa lugar na iyon ay doble doble ang lakas ng mga sa mga lakas nila bago sila pumasok sa loob nito."
"Kung ganoon ay alam ni Ren ang tungkol sa bagay na ito? Ngunit oaano niya naman ito nalaman?." Maging sila ay napaisip dahil sa sinabimg ito ni ingra.
"Sa tagal naming nakasama si Ren isa lang ang masasabi ko, hindi lahat ng nalalaman ni Ren ay sinasabi niya sa atin dahil alam niyang ikakapahamak natin itong lahat kapag kumalat ito sa lahat." Napatango naman sila sa sunabi ni Rodie.
"Ilamg divine artifacts ang meroon ang umiiral sa mundi natin ina?." Hindi naman maaaring iisa lamang ito.
"Ang naalala kong sinabi sa akin ni ina ay noong panahon nila ay apat ang lahat ng divine artifacts."
"Kung ganoon ang isa sa mga ito ay na sa kamay ni Ren." Hindi naman maiwasang mapangiti ng mga ito dahil sa sinabi ni Rodie.
Bawat divine artifacts ay napakalaki ng tulong sa mga nilalang ngunit may kapahamzkang nakabantay dahil mayroong mga ganid at inggit na umiiral.
"Bumalik na tayo sa ating mga ginagawa." Agad na naglabasan ang mga ito at mabilis na bumakik sa kanilang mga trabaho.
Hindi maiwasan ng ibang napaparaan na hindi maligaw at magukat dahil sa napakalawak na espasyong bigla na lamang sumulpot kung saan nakatayo noon ang mga bayang pagmamay-ari ng duke. Maging ang Flora Vein ay nawala rin kaya himdi maiwasang matuwa ng iba dahil nawala na ang mapanganib gubat na iyon.
"Paanong nawala ang lahat na nakatayo dito ng mabikis na panahon lamang?" Walang makasagot sa mga ito dahil wala din naman silang ideya para sagutin ang ito.
"May nangyari bang gulo at nawala ang lahat ng mga nandito noon?." Ngunit kung may gulong nangyari man ay dapat may makikita silang mga natirang mga napainsalang gamit ngunit ang tanging nakikita lamang nila ay ang napakalawak na espaxyo na may mangilang-ngilang puno at iba pang uri ng halaman ang tumubo.
"May hindi tama sa nangyayari, dahil nabalitaan mo din ba ang biglaang pagkalat ng mga tauhan ng mga sect sa ibat ibang parte ng labasan at pasukan?."
Walang maaaring makapasok o makalabas na sa lugar ng mga tao dahil sa kautusan ng hari maging ang mga sect ay nabilog na ang utak dahil sa mga malokong salita ng hari.
Hindi alam ng lahat kung ano ba ang nangyayari dahil ilang linggo na ang lumipas ng umpisang gawin Ng bagay na ito at sa tuwing may magbabalak ng magtanong sa mga ito ay hidni na muling natatagpuan ang mga itong muli.
Wala ng nangahas na magtanong pa sa mga ito dahiayaw nikang matulad sa mga taong bigla na lamang nawala ng parang nula walang nakakaalam kung buhay o patay pa ba ang mga ito ngayon.
Zane P.O.V.
Hindi ako makapaniwala sa mga iniulat ni ingra. Hindi ko alam kung dapat ko ba itong paniwalaan o hindi sa lumipas na mga taon ay naging maayos naman ang lahat ngunit dahil sa balita ni Ingra ay mukhang hindi."Sigurado ka ba sa sinasabi mo?." Paanong may taong nagaantay sa labas gayong ang sabi ni Ren ay hindi makikita ng iba ang lugar kung saan nakatayo ang empire niya.
"Oo, duke Zane, lima hanggang sampo ang bilang nila at ang apat pa sa mga ito ay mukhang kaedaran pa lamang ni Roy. Samantalang ang iba ay mukhang na sa edad mo pa lang." Mabilis akong tumayo at ramdam ko naman ang pagsunod nito sa akin.
"May mga bantay ba doon?." Hindi maaaring maiwanan ng walang bantay ang lugar na iyon.
"Meroon, nandoon si General Gossa kasama ang mga tauhan nito." Mabilis akong naglakad hanggang sa makarating sa tapat ng gate kumg saan nakita k9 rin ang ibang na sa position na nagaantay.
"Wala ba kayong mga ginagawa?." Walang sumagot sa akin ngunit hindi ko naman ito kinainis dahil wala naman sa akin iyon at alam kong nagaalala rin ang mga ito sa mangyayari.
"Malakas ang enerhiyang nararamdaman ko sa kanila." Maging ako ay ganoon din ang aking naramdaman ng subukan kong alamin ang mga lakas ng nasa labas.
"Buksan na ang pinto." Kahit na nagdadalawang isip ay mabilis na binuksan ng mga ito ang pinto at doon bumungad sa amin ang bagay na hindi namin inaakalang makikita namin.
"P-paanong nangyari ito?." Lahat kame ay nagtatakang napatingin sa mga nakangiting mukha ng mga ito.
"Hindi ko akalaing ganito kame ka importante at ang daming sumalubong sa amin." Napatingin kame sa isang babaeng nagsalita.
"Sino kayo at paano niyo nakita ang kugar na ito?." Napalingon ang mga ito sa akin. Kita ko ang isang batang seryosong nakatingin sa akin na oara bang balak ako nito ng kainin ng buo.
"May hinahanap lamang kame at hindi niyo maitatago sa mga mata namin ang lugar na ito kahit anong gawin ninyo." Agad na nabalot ng tensyon ang usapan at lahat ay naghahanda sa maaaring mangyari.
"Blood Techinique: Hand of the bloody king." Isang dambuhakang kamay na gawa sa dugo ang bigla na lamang sumulpot at dumiretso sa aming pwesto.
"Maghanda sa paparating protektahan ninyo ang mga sarili ninyo." Bawat isa sa amin ay seryosong inanatay na makarating ang atakeng iyon.
"Earth technique: Thick Mud Wall." Mabilis na may makapal na harang akong nagawa ngunit alam kong hindi ito tatalab lalo na sa laki ng bagay na iyon.
"Ice technique: Ice Wall." Nabalot ng makapal na yelo ang gawa kong harang dahil sa tulong ni Rodie na ngayon ay seryoso ang mukha.
"Sa tingin ba ninyo ay magagawa ninyong masalag ang aking atakeng ginawa? Huwag na kayong umasa." Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng gakit dahil sa binitawan nitomg salita ngunit anong magagawa ko tama naman siya sa ginagawa namin ay para bang ganon na nga ang ipinapakita namin sa kanila.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...