Third Person P.O.V.
Hinang hina si Ren matapos ang malawakang pagteleport na kanyang ginawa na siyang napansin naman agad ng mga kasama."Hindi ko alam kung dapat ko bang ikinatuwa ang iying ginawa o hindi."
Hindi naman mapigilang mapayuko ni Ren dahil alam niyang tama ang sinasabi nito. Seryosong ginagamit ni Frosch si Ren habang ang iba naman ay hindi maiwasang hindi makaramdam ng takot dahil sa enerhiyang kanilang nararamdaman.
"Hindi ko akalaing ang iyong tahanan Ren ay ganito ang magiging pagbabago."
Mahinang napatawa naman agad ito sa sinabi ni Roy, maging siya man din kase ay hindi alam kung ano ba ang nangyayari dahil matagal-tagal din silang nawala dahil sa naging aberya.
"Salamat,Frosch."
Ngiti lang ang tinugon nito at mabilis na muling tumayo at tiningnan maigi ang lugar kung saan nagsimula ang pagkakaibigan nilang lahat.
"Sumunod kayo sa akin,walang kahit na anong mangyayari sa inyo sa aking tirahan."
Napatingin ang lahat ng mga ito kay Roy na nakangiti at tumatango pa sa kanila kaya naman wala silang ibang nagawa lundi ang sumunod rito.
Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ay ramdam na ramdam na agad ng lahat ang napakalakas na enerhiyang meroon ang Flora Vein.
"Hindi ko akalaing ganito kalakas ang enerhiyang meroon ang Flora Vein."
Hidni maiwasan ng iba nag mapatamgo dahil sa sinabi ni Jamie na ngayon ay medyo natatakot na sa maaaring mangyari sa kanila.
Alerto ang lahat sa kung ano man ang maaaring mangyari dahil hindi naman nila sigurado kung ligtas na nga ba sila sa lugar na ito.
Ramdam ni Rem ang takot mg mga ito at hindi niya naman ito kinaiinis o ikinagagalit dahil alam niya kung gaano kadelikado talaga ang lugar na ito umpisa pa lamang.
"Mamaya nga pala ay nais kong bumalik sa Gavaria hindi ko alam kung ano na amg nangyayari sa lahi namin."
Tumango naman si Ren dahil ayun naman talaga ang balak niya umpisa pa lang.
"Kahit hindi mo naman sabihin iyan ay ayun naman na talaga amg aking balak. Alam kong kailangan ni Greg ang tulong natin ngayong tanging ang iyong pagamutan na lamang ang natitiramg buo dahil sa harang na ako mismo ang may gawa."
Malaki ang pasasalamat ni Frosch dahil sa bagay na ito. Alam niyang kulang pa ang pasasalamat bilang bayad rito ngunit ayun lamang ang kaya niyang maibigay rito.
"Meroon nga pala akong bagay na ipapakita say iyo sa bahay ni King Lu. Alam kong makakatulong iyon sa inyo at sa amin."
Napakunot naman ang noo ni Ren dahil sa sinabi nito.
"Ano naman ang bagay na iyon?."
Ngumisi ito sa kanya at alam niya na agad na hidni nito sasabihin dahil gusto nitong magulat ito sa kanyang ipapakita.
"Nga pala kuya Roy may pagpupulomg akong gagawin at nais ko na lumahok ka at ang mga ka miyembro mo dahil nais kong mahingi ang opinyon mo tungkol sa bagay na iyon."
Nagtaka naman ang lahat sa kung ano ang bagay na nais nitong sabihin sa kanila ngunit wala naman ang gustong magtanong ni isa sa kanila.
"Sige, akong bahala sa bagay na iyan."
Isang malaking gate ang bumungad sa harapan nila Ren na siyang ikipinagtaka ng lahat, hindi naman mapigilang mapangiti ni Ren ng makita ang napakalaking bakod na nakabalot sa malaking espasyo.
Ito ang mga bagay na iniwan niyang ipinagawa kay Paul at Sophia katulong na rin ang iba. Nagmistulang isang empire ang ayos ng itsura nito sa labas na sinamahan pa ng napakataas na gate na talaga nga namang hindi mapapasok agad agad ng sino man.
"Paano tayo makakapasok sa loob? Sarado at mukhang kahit ma akyatin pa natin iyan ay aabutin tayo ng oras lalo pa at hindi pa gaanong bumabalik ang mga enerhiyang ginamit ng lahat."
Napatawa naman agad si Ren at lumapit sa isang pindutan na kulay itim at marahan itong tumunog.
Hindi naman mapakali amg lahat ng marimig ang tunog na iyon. Walang nakakaalam ng tungkol sa bagay na iyon kaya paanong may pumindot noon bukod na lamang kung ito ang taong kanilang hinihintay.
"Rodie, ikaw na ang magbukas may mga bantay naman na nagiikot kaya tutulong naman ang mga iyin kung may aberyang mangyayari."
Kamot ulo naman itomg tumango at mabilis na lumabas. Napangiti agad siya ng makita ang mga abiators sa himpapawid na mukhang ito ang mga nakatokang magbantay mgayong araw.
May mga nakakalat din na iilang mga beast tamer sa paligid kasama ang mga alaga ng mga ito. Sa loob ng ilang linggo ay paunti-unti ng umuunlad ang Flora Vein.
Lahat ng pinapagawa ni Ren ay lahat ay natapos na at walang pumalpak sa mga ito dahil na rin sa pagpupursige ng lahat na magawa ang nais ng kanilang panbinoon kung kanilang tawagin.
Seryosong nakatingin si Rodie sa gate habang pinapakiramdaman ang mga enerhiyang inilalabas ng mga ito at gayon na lmang ang kanyang gulat ng maramdaman ang mga malalakas na emerhiya ng iba samantalang ang iba ay nanghihina pa dahil sal ubusamg paggamit.
Kahit na nagdadalawamg isip ay dahan-dahang niyamg binuksan ang pinto at doon niya nakita ang taong kanyang hinihintay na nakamgiti sa kamya.
Dahan-dahang naglakad si Ren na agad namang sinundan ng mga kasama. Hidmi maiwasang hindi mamangha ng mga ito sa kanilang nakikita ang kanimang takot na kanilang naramdaman ay napalitan ng gulat at pagkamangha dahil sa nasaksihan.
"Panginoon, maligayang pagbabalik."
Hindi maiwasang hindi magulat mg lahat maging si Ren ay nagulat ng may nagluhuran sa kanyang harapan. Ang mga abiators na kanina ay na sa himapapawid ngayon ay na sa oanya ng harapan at nakaluhod.
"Panginoon,hindi ko akalaing ang tulad niya ay namamahal ng isamg bayan?."
"Hindi na nakakapagtaka sa lakas niyang ipinakita kanina."
"Bayan ba ito o isang empire?."
Hindi maiwasang hindi magulat ni Ren dahil rito agad niya naman itomg pinatayo at mabilis na pinabalik ang mga ito sa kanilang mga ginagawa na agad naman ng mga itomg sinunod.
"Kuya Rodie, pakisamahan ang mga ito sa kanilang magihimg mga kwarto upang makapagpahinga muna sila at bukas nais kong makausap ang lahat ng pinuno maging ang pamilya ni Greg at ang bagong duke."
Seryoso ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Ren kaya alam ni Rodie kung gaano kahalaga ang pagpupulong na magaganap.
Nawala ito sa paningin ng lahat magimg si Roy at Frosch ay nawala kaya hindi maiwasamg mapakamot sa ulo ni Rodie dahil hanggang ngayon ay wala paring pinagbago ito.
"Sumunod kayo sa akin. Huwag kayong mag-alala walang kahit na sino ang maaaring manakit sa panauhin ng pinuno ng bayan na ito ngunit hindi ibig sabihin noon ay maaari na kayong gumawa ng gulo dahil ako na amg magsasabi sa inyo kame mismo ang makakapaban niyo."
Nagpakawala ng enerhiya si Rodie kaya hindi maiwasan ng mga ito ang manginig dahil sa lakas nito, maging ang iba kanina ay ramdam nila amg malalaks na emerhiya ng mga ito na siyang kanilamg ikinamangha.
Gaya mga ng sabi nito ay sumunod sila rito at sila ay hinatid sa kanilang mga magigimg kwarto mula ngayon. Nilibot din muna sila ni Rodie sa mga lugar kung saan maaari nilang puntahan at itinuro din nito amg mga lugar kung saan bawal pasukan na siyang ikinatango nila dahil base sa dami ng bantay ay alam na nikang importante amg mga pwestong iyon.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...