Chapter 62: Ren's Team

229 36 0
                                    

Third Person P.O.V.
"Sabi ko na nga ba ei may hindi ka pa sa amin sinasabi." Naglalakad sila ngayon pababa ng hagdan patungon sa lugar kung saan naghihintay ang mga nikakang na kailangan niya.

"Ren, ramdam ko ang lakas ng mga nilalang na nasa loob ng kwartong ito." Isang ngiti lamang ang itinugon ni Ren sa sinabi ni Roy.

Pagkabukas na pagkabukas ay isang grupo ng mga kabataan ang bigla na lamang lumuhod at paulit ulit na nagbibigay galang kay Ren. Mabilis niyang pinatayo ang mga ito upang makausap ng maayos at masinsinan.

"Sa nakalipas na mga taon ay hindi na sayang dahil sa antas ninyo ngayon,ilang taon o araw na lang at matutungtong niyo na ang stage 1." Nakangiti ito habang nakatingin sa mga kabataang tulad niya. "Ang pinakamababa sa inyo ngayon ay isang Level 89 at muka iyon sa Medicine hall na hindi ko na naman ikinagulat dahil akam ko kung gaano kahirap ang mga pagsubok para sa mga tulad niyo." Bukal sa puso ang bawat salitang binibitawan niya at alam iyon ng mga kaibigan.

"Nasabi naman sa inyo ni Kuya Zane ang mangyayari kapag kame ay nakabalik hindi ba?." Tumango ang mga ito at kita ni Ren ang pagiging excited ng mga ito sa kanyang maaaring ipagawa.

Sa nakalipas na taon ay alam nila na may hindi magandang nangyayari ngunit wala silang magagawa sa panahong iyon,pinipigilan ng lugar na iyon na makausap ang mga tao sa labas kaya hindi mabilinan ni Ren ang mga ito.

Marami din siyang bagay na nais gawin at ngayon ay alam niyang maggawa na dahil siya ay nagbalik na.

"Frosch." Napalingom ito sa kanya at tumango na para bang alam nito kung ano ang nais na sabihin.

"Ang inyong grupo ay mahahati sa dalawa,healers dahil anim kayo ay kailangan ninyong maghiwalay ng grupo upang may makasama ang isa pang grupo. Ngayon nais kong kayo mismo ang maghati ng inyong grupo ng sa ganoon ay hindi na namin kailangan na gumawa nito." Nagkatinginan ang mga ito bago nahati sa gitna at hindi naman na nagulat ang mga ito sa bilis dahil sa tatal ng mga itong magkakasama ay kilala na nila ang bawat isa.

"Bawat grupo ay may kanya kanyang missiong gagawin,isang paalala kung hindi niyo kaya ang makakalaban ninyo ay isa lang ang dapat ninyong gawin at iyon ay ang iligtas ang sarili at grupo palayo sa mga ito. Walang masama ang tumakas sa isang laban kung ang buhay ninyo ang kabayaran."

Sa karanasan nila sa Hell island ay nalaman at natutunan nila kung paano pahalagahan ang buhay ng sarili at ng bawat isa. Hidni laging sarili lamang ang dapat isipin at laging alalahanin kung ano ang dapat na sunod na plano kung pumalpak ang nauna.

Inilabas ni Ren ang dalawang papel at inabot sa nilalang na nasa unahan ng bawat grupo. Lahat ng ito ay nagtipon at binasa ng mabuti ang detalye, matapos nito ay seryosong tumingin sa ianya ang mga ito na para bang sinasabing handa na sila sa oanilang dapat na gawin.

"Ang pagpili ng magiging pinuno ninyo ay nais kong sabihin ninyo ngayon sa akin. Hindi na ako ang mamimili dahil nais kong magtiwala sa desisyon ninyo."

Umabante sa unahan ang dalawang taong napili at hindi naman mapigilan na tingnan ng mga ito ang dalawa at tumango tango habang may ngiti ng sumilay sa mga labi.

"Ipakilala ang sarili." Hindi naman nila mahuhulaan ang mga ngalan nito kung hindi sasabihin kaya nais muna nilang malaman kung ano ito.

"Mataki." Isang binatang lalake na may maskulading katawan at makikitaan ng ugali ng pagiging isang pinuno. "Keikio." Isang binatang may hindi kalakihang pangangatawan ngunit may determimadong nakatingin sa kanila.

"Sa inyo nakasalalay ang buhay ng inyong mga kasama kaya isang pagkakamali lamang ay siguradong isang buhay ang mawawala. Bago kayo umalis upang gumawa ng mission gumawa muna kayo ng plano at ng sa ganoon ay hidmi kayo mahirapan. Isa pa nga pala gusto kong sanayin ninyo ito mga healers habang kayo ay na sa isang pakikipaglaban."

Inilabas ni Frosch ang dalawang papel at ibinigay sa mga healers ,isa ito sa pinagkaabalahan ni Frosch sa nagdaang taon at nais niyang mapatunayan ang hinala na kanyang nalaman.

"Aalis na kame at magiingat kayo sa inyong paglalakbay." Nagpasalamat ang mga ito kaya lumabas na ang mga ito at hinayaang nakabukas ang pinto uoang makalabas ang mga ito ng walang hirap.

"Ren, ano ng plano ngayon? Sa nakalipas na taon alam nating marami ng bagay ang nangyayari at hindi man lamang alam ito ng iba dahil pinipigilan ito ng harang na iyong ginawa."

Hidni naman nakakalimutan iyon ni Ren at alam niyang hindi naman nila maaaring hidni sabihin sa mga ito ang nangyayari sa labas ng kanyang tirahan.

"Huwag kang magalala kuya Roy hindi ko naman sinasabing hindi ko balak na mangialam sa nangyayari ngunit sa ngayon ay ang pinakakilangan natin ay ang impormasyong makukuha ng mga inutusan ko. Gagawa tayo ng hakbang ngunit kailangan pa ng kaunting panahon."

Sa lakas na meroon ang Flora Mix Empire ay alam ng lahat na wala pa silang laban sa ibang empire na umiiral sa mundo lalo na sa mga malalaking empire tulad ng mga na sa second rate pataas.

"Sa ngayon ang kailangan nating gawin ay ang magpasok ng magpasok ng magsasanay sa Hell island at sa Meditation Cliff Tower." Hidni sila maaaring mamilit ng mga magsasanay sa mga ito ngunit kung kinakailangan ay hidni maaaring tumanggi sila.

"Sa aking napapansin Ren parang may bagay kang nais na talagang paghandaan, may hindi ka ba sinasabi sa amin?."

Napahinto sa paglalakad ito at tumingin ng seryoso kay Greg.

"Kapag handa na ako ay sasabihin ko sa inyo ang pinakadahilan kung bakit ko ito ginagawa." Hidni na nila mapilit itong magsalita ng makita ang lungkot sa mga mata nito habang nakatingin sa kanila.

"Walang problema handa naman kameng magantay at makinig sayo." Tinapik nila ang balikat nito bago muling nagsimukang maglakad.

"Greg, pasabi kay Kuya Zane bukas na bukas ay nais kong magsanay na sila sa Meditation Cliff tower kasama ang iba,mas mabilis ang paglakas nila kung ito na kang ang kanikang gamitin."

Tumango ito at naglakad patungo sa ibang direction. Ganoon din naman si Ren at dumiretso sa kanyang kwartong hanggang ngayon ay hidni niya inaakalang napakalawak pa din.

Kahit na marami na iting gamit ay hindi la din nauubusan ng bakantemg pwesto ang kwarto na siyang ikinagugulat ni Ren dahil akala niya kung tatambakan niya ng mga kagamitan ang kwarto ay sisikip kahit papaano ito.

God's And Goddesses Gifts:  Volume 1 [ The Begginning ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon