Third Person P.O.V.
Seryoso at makikitaan ng galit ang mukha ng hari habang kaharap ang mga chief ng sect na meroon amg paradise empire."Paanong nangyari ang mga bagay na iyon? Hindi ba ninyo ginagawa ng maayos ang inyong mga trabaho?." Galit na sigaw nito. Galit ito dahil ang dalawang anak na kanyang pinagkakatiwalaam ay hindi niya mahanap kung saan nagpunta walang bakas ng kahit ano ang loob ng black market na siyang mas lalong ikinagalit nito.
"Hindi namin alam kung ano ang nangyari, Mahal na hari. Wala kameng alam kung sino amg may lakas ng loob upang kalabanin kayo." Napalingon ito sa Chief ng Wordless Sect. Seryosong tiningnan ito ng hari bago nagsalita.
"Nagbalik na ba si Warchief Shikinoh? Ilang linggo naxakong nagaantay sa kanya." Seryosong sabi nito. Napakunit ang noo nito dahil sa kanyang narinig.
"Hindi pa nagbabalik ito simula ng siya ay umalis, walang liham din itong ipinadala sa akin." Seryosong ani nito. Mas lalong napuno ng galit ang hari dahil sa kanyang narinig. Hindi niya alam kung sinong nilalang ang kumakalaban sa kanya sa dilim.
"Lahat ng labasan at pasukan ng Paradise Empire bantayan ninyo maigi maging ang bawat bayan at mga pamilihan ay magpakalat kayo ng inyong mga tauhan. Kung may mapapansin na kakaiba amg kinikilos dalhin sa akin upang makausap ko ng masinsinan." Galit na sabi nito.
"Masusunod, mahal na hari." Sabay sabay na sabi ng mga ito. Lumabas din ang mga ito kaya naman di na napigilan ng hari na ihagis ang lahat ng bagay na nasa kanyang lamesa na naging dahilan upang makagawa ito ng ingay.
"Hindi ko akalaing hindi lamang kame ang nais na kalabanin ka." Bulong nito. May ngisi sa labi nito habang pinagmamasdan ang haring galit na galit.
Naglalakad ngayon sila Ren patungo sa kinaroroonan ng skywatcher family doon niya naisipang ilagay ang mga ito dahil bukod na ligtas ito ay alam niyang makakatulong ang alchemist family upang mas mapanatiling ligtas ang mga skywatcher family.
Kahit na nagtataka ang lahat sa daang tinatahak nila Ren ay hindi sila nagtanong pa dahil alam nilang sa ligtas na lugar sila dadalhin ng mga ito, lingid sa kanilang kaalaman na ang daang kanikang tinatahak ay siyamg kinatatayuan na mismo ng tirahan ng skywatcher family.
Gulat at hindi maiwasang mapanganga ng lahat ng makita kung gaano kaganda ang lugar na kanilang kinaroroonan maging ang magkakaibigan ay hindi maiwasang magulat dahil sa laki ng pinabago nito.
"Hindi ko akaling sa mga buwan na lumipas ay ganito na agad kalaki ang kanilang pinagbago." Nakangiting sabi ni Ren. Ramda, niya ang mga malalakas na auramg meroon ang mga ito. Mayroon ding dalawang bantay na nakatingin sa kanila habang nakangiti.
"Maligayang pagbabalik, Chief Ren." Sabay na sabi ng mga ito. Hindi alam ni Ren kung ano ang dahilan uoang tawagin siyang chief ng mga ito gayong hindi naman sila magkaalyado.
"Nais kong makausap si kuya Norton, maaari bang pakitawag siya?." Tumango ang mga ito at mabilis na pumasok sa isang malaking bahay na nakatayo sa gitna. Makalipas lamang ang ilang sandali ay nakita nan ila itong kumabas kasama ang taong kanilang hinihintay na may ngiti sa mga labi.
"Hindi kayo nagpasabing darating kayo." Kamot ulong sabi nito. Natawa na kamang ang mga ito bago sumeryoso.
"Maaari bang dumito muna ang Alchemist Family?." Napalingon si Norton sa mga taong na sa likod nito, nakilala niya ang isa sa mga ito kaya hindi niya maiwasang hindi magulat. "Gaya niyo ay pinaghahanap din sila ng demonyong hari na iyon uoang patayin." Dagdag nito.
"Walang problema sa akin, tumuloy kayo. Ihatid niyo sila sa kanilang magiging kwarto pansamantala." Tumango ang dalawang guard bago inihatid ang mga ito.
"Hindi na kame magtatagal pa dahil may mga bagay pa din kameng kailangan na gawin, dahil ano mang oras ay kakailanganin na namin ang tuling ninyo." Seryosing sabi ni Ren, tumango lamang ito at magpaalam na din at muling bumalik sa kanyang opisina upang ipagpatuloy ang mga binabasang liham.
Lingid sa kanyang kaalaman ay may mga matang nakatingin sa kanyang ginagawa, ang magkakaibigan ay seryosong binabasa ang mga liham na hawak nito. Bumalik sila dahil may nais silang ibigay na alam naman nilang makakatuling sa mga ito.
"Kuya Norton." Natumba ito sa kanyang kinauupuan dahil sa biglang boses na kanyang narinig na naging dahilan upang makarinig siya ng malalakas na tawa mula sa mga ito.
"Bakit ba kayo nanggugulat?." Inis na sabi nito. Mabilis siyang umayos muli ng kanyang pagkakaupo at seryosong tiningnan ang mga ito.
"May nakalimutan kase akong ibigay sa iyo." Napalingon siya kay Ren ng marinig ang sinabi nito. May inilapag itong isang libro at mga prutas na ramdam niya ang enerhiyang inilalabas, napakarami nito kaya nagtataka siya sa kung anong prutas ito. "Ito nag manual nakalagay diyan ng lahat ng bagay na kaikangan niyong malaman at ang mga prutas na nasa iyong harapan ay bunga ng aking puno na alam kong makakatulong sa iyo. Na sa manual din ang tungkol sa epekto ng mga iyan kaya ikaw ng bahala na mamahagi niyan sa iba." Hindi pa man siya nakakasagot ay bigla na lamang muli itong mawala kaya hindi niya mapigilang hindi makaramdam mg inis dahil rito.
Manilis niyang binasa amg librong hawak niya at habang patagal ng patagal ang kanyang pagbabasa ay mas lalong natutuwa siya sa detalyeng kanyang nababasa. Napalingon pa ito sa mga prutas tapos sumilay ang isamg ngiti sa labi na siyang naabutan ni 1st elder Rita ang kanyang kaibigan.
"Amo amg mga prutas na iyan? Ramdam ko ang malakas na enerhiyang inilalabas ng mga iyan." Gukat na tanong nito. Isang ngiti ang binungad sa kanya nito bago nagsimulang magsalita.
"Galing ito kay Ren bunga daw ito ng kanyang puno, malaking tulong sa atin ang mga ito." Nakangiting sabi nito. Hindi alam ni Rita kung paano pasasalamatan ang magkakaibigan na ito dahil sa laki ng itinulong nito sa kanila-family.
Waoang hinihinging kapalit ang mga ito bukod sa tulong na hinihingi nito sa nalalapit na digmaan bukod pa roon ay wala na.
"Ihanda na ang ating mga tauhan, sisimulan na natin ang mahirap na pagsasanay na ibinigay ni Ren. Dahil ano mang oras ay kakailanganin na nila tayo." Mabilis na tumangi si Rita bago tuluyang lumabas na may seryosong mukha na agad ma napansin ng mga taong nadaraaan niya na agad na karamdam ng kaba.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...