Third Person P.O.V.
Bumungad sa mukha ni Roy at Frosch ang pagamutan kung saan abala ang lahat sa kani-oanilamg mga gawain. Pansin ni Frosch ang malaking pagbabago ng daloy ng kanyamg pagamutan na mukhang sinadyang gawin ni Greg."Hindi ko akalaing lumipas lamang ang gabi ay ganito na agad kalaki ang ipinagbago ng aking pagamutan. Ang mga nasira ay nabalik na ng paunti-unti at ang mga patay na ay na sa isang tabi at may barrier na nilagay upamg hindi managmoy o mabulok agad ang mga ito."
Maging amg dalawa ay ganoon din ang napansin lahat ng healer ay may kanya kanyanv gawa ngunit lahat ng nangangailangan ay kanilang tinutulungan.
"Unit 3."
Agad na napatingin ang tatlo sa lalaking may hawig ng mga aso. Mabilis na may nagtakbuhan sa mga ito at mabilis na lumabas na siyamg ipinagtaka nila Ren. Sumunod ang mga ito upang malaman kung ano ba talaga amg nangyayari at ganoon na lamang magmadali ang mga ito.
"Nakakapagtaka lamang bakit parang hindi man lamang nagalit ang mga kasamahan nila na iwan nila ang kanilang mga ginagawa?."
Parehas ng naiisip na sagot ang dalawa ngunit si Frosch mukhang hindi ito malaman.
"Dahil mukhang may ginawa si Greg na mga grupo kung saan may ibat ibang tungkulin. Gaya na lamang ng kaninang nakaupong mga healer sa isang tabi na agad na pinalitan ang mga umalis at ipinagpatuloy ng mga ito ang kanilang ginagawa."
Napatango naman ito at muling sumeryoso ng tingin sa lugar kung saan pumaroon ang mga ito.
"Malala amg mga sugat na tinamo ng kanilang mga naililigatas ngunit dahil sa sipag at tiyaga ng mga healer mo Frosch ay magagawa nila yan at dahil na rin sa matutulong ni Greg."
Tama ang sinabi ni Ren,tulong mula kay greg ay isang napakahalagang bagay ang pagiging isang mautak nito na mukhang namana mula sa kanyang pamilya.
"Bumalik na muna tayo upang makausap si Greg."
Hindi na sumagot amg mga ito at mabilis na bumalik at saktuhang kakalabas lamang ng secretarya ni Frosch mula sa opisina kung saan naroroon si Greg.
"Maligayang pagbabalik, Ms. Frosch."
Binati din ito ni Frosch at mabilis na pumasok sa loob at nadatnan mga nila si Greg na seryosing binabasa nag nagtataasang mga papeles sa ibabaw ng mesa.
"Hindi ko akalaing masipag pala ang gaya mo,Greg."
Natawa ang dalawa dahil sa sinabi ni Roy, hindi naman maipinta ang mukha ni Greg ng makita ang pinagmumulan mg boses na iyon.
"Kuya Roy."
Hindi naman mapigilan ni Roy ang matawa ng makita ang sunod sunod na tulo ng luha nito habang paulit-ulit na tinatawag ang kanyamg ngalan.
"Kamusta ang trabaho, Greg?."
Biglang sumeryoso amg mukha ni Greg ng marinig na magsalita si Ren. Mabilis na kinotongan niya ito na siyamg hindi inaasahan ni Ren.
"Kala ko patay ka na, ulitin mo pa ang ginawa mo at talagang ako na mismo ang papatay sa iyo."
Natawa na lamamg si Ren at mabilis na umupo dahil sa ngawit.
"Nga pala ano yung unit 4 na narinig namin kanina? Ano bang ginawa mo sa pagamutan ni Frosch?."
Kita mg mga ito ang nagyayabang na ngiti nito na kala mo ay napakalaki mg kanyang itinulong na siyang totoo naman.
"Gumawa ako ng apat grupo, ang una ay kung saan sila muna ang magtatranaho at kung mapapagod sila ay may mga healer sa tabi upamg sila ay palitan sila naman ang ikalawa at ang ikatlo sila ang mga healer na malalakas kumpara sa iba sila ang tumutulong sa mga werebeast na maililigtas ng mga nagkusang maghanap sa maaarimg mga nakaligtas pa."
Napatamgo naman amg mga ito dahil sa paliwanag ni Greg isang napakalaking bagay ng ginawa ni Greg na talaga nga namang malaking tulong sa lahat.
"Iwanan mo na muna iyan Greg umaga na at ngayon magagamap ang pagpupulong na aking isasagawa, kailangan ko ang presensya niyong tatlo."
Nagtataka naman ang mga ito dahil sa kanilang narinig. Ano nga ba ang kailangan ni Ren gayong mas malaka naman ito sa kanila.
"Anong klaseng pagpupulong ba ang magaganap, Ren?."
Seryosong tumingin si Ren sa tatlo na siyang ikinatakot ng mga ito na para bang isang beast ang nasa kanilang harapan.
"Una ay nag tungkol sa naganap dito sa kingdom of Gavaria, ikalawa ang tungkol sa nangyayari sa city kuya Roy, at amg ikatlo kung ano ang gagawin ninyo Frosch gayong itong pagamutan mo na lamang amg tamging natitirang nakatayo."
Seryoso namang napaisip ang mga ito. Tama ito napaka importante ng paguusapan sa pagpupulong na kailangan ang kanilang presensya.
"Numalik na tayo kaya naman na ng secretarya ko ang mga gagawin rito."
Tumango si Greg kaya naman kumapit ang mga ito kay Ren. Napabuntong hininga na langsi Ren bago sila mawala sa kanilang kinaroroonan na siyang naabutan ng secretary naito kaya hidni nito maiwasang mapakamot sa ulo.
Tahimik at seryosong nakayingin sak ung saan saan ang mga panauhin sa pagpupulong na ngayon na lamang muli mangyayari. Lahat mg nasa loob ay may mga nagtataasang antas at ang pinakamababa rito ay ang Stage 1:level 22 na mula pa sa family ni Greg.
Napakalawak ng kwartong kanilang kinalalagyan na kasya ang mahigit isamg daang panauhin sa loob na pinasadya talagamg ipinagawa ni Ren.
May isang babaemg aviators ang bigla na lamang oumasok sa loob gamit amg bintanang nakabukas.
"Dumating na po ang Panginoon."
Ito lamang ang sinabi nito bago umalis. Mas lalong sumeryoso amg lahat habang nagaantay sa pagdating ng mga ito.
Ilang minuto nga lang ang lumipas ay ang kanilang hininintay ay dumating na at may kasama pa itomg Werebeast na ikinagulat ng ibang hindi pa nakakakita rito. Wala silang magawa upang paalisin ito ngunit hidni ibig sabihin nito ay tanggap nila ang pagtungtong nito sa lugar ku g nasaan sila ngayon.
"Hindi ko akalaing may mga panauhin pa lang pumunta kahit na hindi naman imbitado sa ating pagpupulong."
Seryosong nakatingin kay Ren ang mga ito habang pilit na inaatake ng mga ito si Ren ng kanikang enerhiya ngunit hindi naman ito tumatalab.
"Huwag niyo kong atakihin ng enerhiya ninyo dahil pag ako napuno ay kahit buto nimyo ay hidni na makikita."
Napatingin ang lahat sa mga bisitang hindi imbitado ng seryoso.
"Bakit bawal kaming dumalo baka nakakalimutan mong tauhan namin ang namayapang duke."
Tama ang mga ito ay ang mga natirang mga tauhan ng duke na nasa mataas na posisyon.
"Namayapang duke? Kung ganoon bakit andito kayo? Sa pagkakaalam ko ay hindi niyo tauhan ang duke ngayon kahit na mataas pa ang katungkulan niyo kung saan mang lupalop wala akong pakialam."
Nakaramdam ang mga ito ng galit dahil sa sinabi nito. Ito ang bukod tanging hindi gumalang sa kanila dahil lahat mg makakasalubong mila ay ginagalang sila.
"Wala kang karapatang bastusin ang gaya namin. Isa ka lamang bata sino ka para bastusin ang gaya namin?."
Galit amg mga ito ngunit ang tingin nila ay himdi umaalis kay Frosch na ngayon ay nanlalamig na dahil sa enerhiyamg umaatake sa kanya mg sabay sabay na hidmi kayamg protektehan ng kanyamg lakas.
"Pasensya na, Ren. Hindi ko sila nais isama ngunit wala ka,eng kaban sa lakas na meroon sila maging ng mga tauhan nilang kasama nila."
Napatingin ang mga ito Kay Zane na nakayuko matapos magsalita.
"Wala kong pakialam kung bata ang tingin ninyo sa akin. Hidni kayo kabilang sa pagpupulong na ito kaya maaari na kayong makalabas habang nakikiusap pa ako."
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...