Frosch P.O.V.
Ngayon ang araw at oras upang magkaroon muli ng pagpupulong, napapadalas na ito dahil na rin sa dumarami na ang kailangan na gawin lalo pa at kailangan ng mas palawakin pa ni Ren ang magiging tirahan ng mga nilalang lalo pa at may dumadagdag dahil sa mga nanganganak at mga naililigtas patungong rito.Sa loob ng tatlong linggo simula ng malaman namin ang tungkol sa dimension na iyon ay mas lalo kameng naging maingat at mas ipinagbubuti din namin ang aming pagsasanay dahil habang lumalayo ang aming nararating sa dimensiong iyon ay palakas ng palakas ang enerhiyang pumipihil sa amin na makarating sa aming nais na puntahan.
Maraming mga kakaibang bagay kameng nasaksihan tulad ng kakaibang enerhiyang mayroon ang dimensiong iyon, ikalawa ang mga kakaibang mga gamit na aming nakita na para bang pagmamay-ari ito ng iba nilalang noon.
"Ngayon ay sisimulan na natin ang pagpupulong, nais kong imungkahi ninyo sa akin ang nais niyong mabigyan ng kasagutan. Alam kong marami kayong katanungan mula sa bagay bagay lalo na sa aking katauhan, tama ba ako?."
Tama,marami kameng bagay na nais itanong sa iyo ngunit wala lang kameng lakas ng loob upang magtanong sa iyo. Sa tagal na panahon nating magkaibigan ay alam kong para sa ikabubuti ng lahat ang ginagawa mo na halos kalimutan mo ng protektahan ang iyong sarili.
"Nais lang naming malaman kung ano ang iyong tunay na katauhan." Napalingon ako kay Auntie Chezka ng sabihin niya iyon. Ngumiti lamang si Ren at muling nagsalita.
"Tungkol sa bagay na iyan mamaya ko na sasagutin iyan, nais kung magtanong muna kayo tungkol sa empire at ang tungkol sa aking pagkatao ay sasagutin ko iyan matapos kong marinig ang mga hinaing ng mga miyembro ng empire na aking binuo." Hindi naman ito minasama ng mga matataas sa katungkulan ang kanyang sinabi.
"Ang Medicine Hall ay nagsasanay na tungkol sa scroll na ibinigay ni Ms. Frosch sa amin. Siguro mga ilang buwan mula ngayon ay matatapos na namin iyon." Sabi ni Tarina. Kung ganoon ay nagawa na nilang maumpisahan ang mga pinapagawa kong mahalagang bagay sa kanila?.
"Ang problema lamang ay ang aking hukbo Panginoong Ren." Napalingon ang lahat kay Gossa at kita ang pagaalangan nitong magsalita.
"Ano ang problema sa iyong hukbo?." Seryosong sabi ni Ren.
"Ang aming hukbo ay hidni gaanong lumalakas dahil hindi na nakakapag contract ang aking mga tauhan sa mga beast. Sa tagal ng panahon ang kakayahan namin ay nalilimitahan dahil sa hindi lahat ng beast ay maaari mong makasama sa iyong paglalakbay." Malaking problema nga ang bagay na iyon ngunit ang alam ko ay may solution na si Ren tungkol aa bagay na ito. Hidni nga lang pa ata niya na imumungkahi ang mga ito sa kanila.
"Huwag mong isipin iyan Gossa dahil mayroon na akong solution para diyan sa tagal ng pananatili niyo rito ay alam kong hindi gaanong lumalakas ang iyong grupo, bagamat alam kong pinagbubutihan ninyo ang inyong pagsasanay kaya naman ang ibibigay ko sa inyo ay sana makatulong kahit na papaano." Mahabang salaysay nito.
Tumayo ito sa kanyang kinauupuan at lumapit malapit sa bintana at maya maya lamang ay napakaraming hawla ang bigla na lamang sumulpot at lahat ito ay may laman na ibat ibang uri ng beast na maamo at tahimik na nakatingin sa amin, ramdam ko ang hindi kalakasang emerhiya ng mga ito dahil na rin siguro sa bata pa ang mga ito.
Pansin ko ang paglaki ng mata ng aming mga kasama dahil sa kanilang nasaksihan. Hidni ko naman sila masisisi dahil ang mga beast na ito ay talaga nga namang mahirap paamuhin.
"Mayroon pa ba kayong katanungan?." Seryosong sabi nito. Umiling ang mga ito at seryosong tumingin sa akin kaya naman nakuha ko na agad ang nais nitong iparating.
"Ngayon sa pagpupuling na ito ay ang lahat ng malalaman ninyo ay bawal na malaman ng iba dahil kung magkataon ay buhay ng empire ang mapapahamak." Lahat napatingin sa akin ng seryoso dahil sa sinabi ko.
"Sa mga hindi nakakaalam ng secretong aming itinatago ay nais ko ng sabihin sa inyo upang inyong protektahan din ang mga ito para sa akin. Dahil ano mang oras ay magbibigay na ako ng hudyat upang magkalat ang mga miyembro ng empire." Mas lalong naging seryoso ang lahat ng sabihin niya ang mga ito. "Ngayon ay nais kong ipaalam sa inyo na mayroon akong hawak na tatlong divine artifact." Maging ako ay naguoat ng sabihin niyang tatlo dahil dalawa lang naman ang aking alam.
"Tatlo?." Gulat na tanong ni Kuya Roy. Tumango itong muli.
"Una ay ang Abyys viburrnum, ikalawa ang meditation cliff tower at ang pinakahuli sa lahat ay ang Mythical Gate Dimension." Seryosong bigkas nito.
Ang tatlong hawak niya ay siyang pinakamahalaga sa lahat at alam kong ito din ang mga naging dahilan ng malawakang digmaan noon.
"Delikado nga ito kapag nalaman ng iba ang tungkol sa mga hawak mong divine artifact. Kaya ba nais mong maging malakas kame?." Malumanay na tanong ni Jane. Tumango si Ren sa sinabi nito.
"Kaya simula sa araw na ito ay nais kung bigyan ng permision ang lahat na pumasok at magsanay sa Hell island at sa meditation cliff tower. Kayo ang bahala na umasikaso nito at nais ko ding maging ang mga mananatili sa kanilang normal na buhay ay nais kong magsanay dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari na hindi natin sila ma popdotektahan at kailangan nilang umasa sa oanilang mga sarili upang manatiling buhay."
"Masusunod panginoon." Sabay sabay na sagot ng mga ito kita ko ang pagngiwi nito dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay sa mga tawag nito sa kanya.
"Isa pa nga pala ang pinakamahalaga sa lahat nais kong itanong ang isang mahalagang bagay." Napatingin naman kame sa kanya.
Ano nanaman bang pakulo ang nais nitong mangyari? Hindi pa ba tapos ang surpresang ginagawa niya?.
"Alam naman nating lahat na kailangan natin na magkaroon ng elders hindi ba?." Nawala sa isip ko ang bagay na ito. Sa lahat ng empire na meroon tanging ang empire na lamang namin ang walang kinikilalang mga elders.
"Ngayon ang magiging Head elders ng lahat ay si Kuya Rodie at Kuya Zane, sa inyong lahat sila lamang ang makikitaan ko ng potensial para rito. Dahil sa inyong lahat sila lang dalawa ang malapit ng umabot ng first stage sa inyo. Kayo ng bahalang dalawa ang mamili ng magiging pagkakasunod sunod ng mga elders." Tumango naman ang mga ito dahil sa kanyang sinasabi.
Seryoso kung tiningnan si Ren ng mapatingin ito sa akin baka akala niya nakakalimutan ko ang huling tatalakayin sa pagpupulong na ito.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasíaRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...