Third Person P.O.V.
Kita ng lahat ang lunos lunos na dinanas nito,balot ng dugo at at halos lahat ng mata nito ay nakapikit na dahil sa sugat na tinamo mula sa atakeng ginawa ni Ren. Pansin din ng lahat ang pagkawala ng itim na enerhiya mula sa argus na siyang ikinagulat ng lahat.Tumaibo si Ren sa kinaroroonan nito at inumpisahang gamutin ngunit kahit na anong gawin ay hidni oa din lubusang gumagaling ang sugat nito at sa dami ng nawaoang dugo ay hindi na kakayanin pang gamutin ito.
"Maraming salamat." Hinang hina ito ngunit nagawa pa din nitong makapagsalita na siyang himdi maiwasang mas lalomg magpaiyak kay Ren maging ang mga kaibigan ay umiiyak na rin dahil sa nakikitang paghihirap nito.
"Huwag ka ng magsalita pa pakiusap, ipunin mo ang lakas mo upang muling manumbalik ang iyong lakas." Maya maya lamang ay may dinukot ito sa kanyang tiyan na siyang ikinagulat ng lahat, wala sa libro ang tungkol sa bagay na meroon ang argus bukod sa malakas na pangangatawan at sa matang meroon ito.
"A-alagaan mo aking mga anak." Doon niya nakita ang tatlong hindi pa gaanong kalakihang mga argus na nakatingim din sa kanila. May mga sugat din ang mga ito na hindi malaman nila Ren kung saan nagmula.
Hindi rin nagtagal ay tuluyan ng pumikit ang mga mata nito matapos iabot ang mga anak nito. Malakas na enerhiya ang lumabas sa iatawan ng magkakainigan dahil sa nasaksihan na siyang nagpaluhod at nagpawala ng malay sa mga na sa labas ng harang.
"Sukira, protektahan ang mga mahihina." Seryosong bigkas ni Keikio sa kanyang healer na pioit ding nilalabanan ang enerhiya.
"Healer technique: Soul Enhancing." Sa tulong nito ay kahit papaano ay magagawa na nilang labanan kahit papaano ang enerhiyang pinapakawalan ng mga ito.
"Himdi na tayo maaaring magtagal pa rito." Akmang aalis na ang mga ito ng makitang may naiwang mga kagamitan ang argus na bigla na lamang sumulpot at may buto ring nakita sila kung saan nakalagay ang walang buhay na argus.
"Isang 100,000 year Argus Beast na pala siya. Kuhanin muna natin ang mga kagamitan ng mga knight siguradong mayroon tayong makukuhang mahalagang bagay sa mga iyon." Tumango ang mga ito sa sinabi kaya mabilis na kinolekta ng mga ito ang mga gamit ng mga ito habang si Ren naman nag kumuha ng mga kagamitang nakuha ng argus na mukhang matagal na nitong itinatago.
Matapos noon ay mabilis na bumalik sa kinaroroonan nila ksikio ang mga ito. Pansin nila ang walang ,ga malay na mha iniligtas ng mga ito.
"Kumapit kayo sa akin at ng makabalik na tayo." Seryosong sabi nito. Mabilis na kumapit ang mga ito sa kanya na siyang saktong pagdating ng mga knights na mukhang kakatapos lamang sa ginawang trabaho.
Mabilis na nawala sila Ren at sumulpot sa harapan nila Zane na hindi maiwasang magukat sa biglaan nilang pagsulpot.
"Pakiasikaso ng mga walang malay, keikio at kayo ng grupo mo maguusao tayo pag na ka pagpahinga na kayo. Kayo sumunod kayo sa akin." Nakatingin ito sa mga kaibigan ng seryoso.
Mabilis na kumapit ang mga ito kay Ren at mabilis na sumulpot sa malaking kwarto nito na ngayon lamang nakita ng mga ito.
"Sa ngayon ang kailangan natin gawin ay silipin ang laman ng mga soatial Ring na nakuha natin mula sa mga knights na iyon." Ssryosong sabi ni Ren. Agad nilang sinuot ang mga ito at pinatakan ng kanilang mga dugo upang patunay na sa kanya na mismo ang bagay na iyon.
Inilabas ng lahat ang laman nito at doon bumungad sa kanila ang napakaraming mga kàgamitan at kayamanan na siyang hindi maiwasang ikalaglag mg kanilang mga panga.
"Mukhang ang mga ito ay mula sa maruming kamay nagmula. Hindi naman sihuring masama na ating ito'y gamitin dahik para naman ito sa mamamayan." Seryosong sabi ni Roy. Tumango ang mga ito at muling sinilip ang mga kagamitan na nasa harapan.
"Greg, puntahan mo ang iyong ina dahil siya ang may dapat na nangangalaga ng mga bagay na ito." Seryosong sabi ni Greg na agad namang ikinatango nito.
Agad na pinatakan ng dugo ni Ren ang singsing na kanyang nakuha sa Argus ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lamang itong nagiba ng anyo at naging isang susi ito na kakaiba ang kulay.
"P-paanong nangyari ang bagay na ito?." Hindi din naman alam ng iba ang isasagot dahil gulat na guoat din ang mga it sa kanilang nasaksihan.
Agad na muling hinawaian ito ni Ren at bigla na lamang may isang scroll ang lumutang palapit sa kanyang kinaroroonan na kasama sa naiwan ng argus. Agad na kinuha ito ni Ren at agad itong ibinulatlat at binasa ang nilalaman.
"Subukan mong gawin ang nakalagay sa scroll Ren." Tumango ito at mabilis na ginawa ang mga dapat na gawin.
"Mythical Gate Dimension." Matapos bigkasin ang mga salitang iyon ay agad na nakaramdam ng kakaiba sa paligid ang mga ito at doon nila napansin ang biglang pagsuloot ng isang nagliliwanag na malaking pinto.
Agad na ipinasok ni Ren ang susi rito, isang malakas na enerhiya ang bigla na lamang sumulubong sa kanila na naramdaman din naman ng lahat.
"Saan nagmumula ang emerhiyang iyon?." Gukat na bigkas ni Zane. Hindi ito makapaniwala sa kaniyang naramdamang enerhiya kani-kanina lamang.
"Pumasok na tayo sa loob ng malaman natin kung amo ang meroon sa lugar na ito." Sunod sunod na pumasok ang mga ito at bigla na lamang muling nagsarado ang pinto. Isamg kakaibang lugar ang kanilang nasaksihan at ramdam nila ang napakalakas na enerhiyang meroon ang lugar na ito.
"Andito pala ang mga argus." Hindi maiwasan ni Ren ang himdi magulat ng makita ang mga argus na kanina pa niya hinahanap ngunit hindi niya matagpuan man lang. Naghahabulan ang mga ito na para bang mga taong naglalaro sa isang tabi.
"Isa na naman ba itong divine artifact?." Hindi maiwasang tanong ni Frosch. Kanina pa ito tahimik dahil sa hidji pa rin siya makapaniwala sa kaniyang nasasaksihan.
"Siguro, ngayon ang dapat nating gawin ay ang libutin ang buong lugar na ito. Maghiwa-hiwalay tayo uoang mapabilis ang ating paglilibot." Tumango sila sa sinabi ni Roy at mabilis na pumunta sa ibat ibang direction na may kislap sa mga mata at may ngiting hindi maalis-alis dahil sa tuwa at galak.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...