Third Pers9n P.O.V.
Matapos magkahiwalay ng pandas ay mabilis na bumalik sa pagamutan si Greg at naabutan niyang busy ang lahat ng mga nilalang na nasa loob nito. Ayos at wala pa ring kahit na isang gasgas ang harang na gawa ni Ren bago sila umalis.Mabilis ang bawat hakbang na kanyang ginagawa at hindi niya binigyang pansin ang oagkabahala ng mga nilalang na kanyang nadaraanan dahil ang mahalaga sa kaniya ay ang mahanap ang taong tinutukoy ni Forsch sa kanya.
"Bakit ikaw oamang ang nagbalik? Asan si Ms.Forsch?."
Agad na napahinto sa paglalakad si Greg ng makarinig ng malambot na boses mula sa kanyang likuran. Dahan dahan siyang lumingon dito at doon niya nakita ang mukha ng isang babaeng beast Cat.
"Hinahanap ko lamang ang secretarya ni Forcsh."
Biglang sumeryoso ang mukha nito matapos marinig ang sinabi ni Greg.
"Ako ang secretarya ni Ms. Forsch. Maaari ko bang malaman ang iying ngalan?."
Hindi naman maiwasang hindi magulat ni Greg dahil sa sinabi nito.
"Greg Vellios."
Matapos niyang sabihin iyon ay mabilis na lumuhod ito sa sahig na siyang ikinagulat ng lahat ng nakakita. Bukod sakanilang amo ay wala ng niluluhuran ang babaeng kaharap ngayon ni Greg kaya gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan.
"Wala ngayon si Forsch dahil sa personal na bagay nais niyang ako muna ang mamahala sa pagamutan niya habang siya ay wala. Nais kong ihatid mo sa kwarto ni Forsh ang lahat ng mga papeles ng mga gamot na nagamit ngayon,mga namatay,mga nasirang gamit uoang aking magawan ng paraan."
Gaya nga ng sabi ni Forsch ay mukhang nakilala nga siya takaga ng nilalang na ito. Mabikis na tumango sa kanya ito at mabilis na lumapit sa isang lamesa na punong puno ng mga papeles sa ibabaw.
Mabilis na oumunta din si Greg sa kwarto ni Forsch at dumuretso sa lamesa nito. Marami ding papeles na nakalagay rito kaya agad niyang binasa ito isa-isa. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng lungkot sa nababasa sa sulat.
Maraming mga namatay ang inuulat rito maging ang pagkaubos ng mga halamamg gamot dahil sa malawak na sunog na nangyari.
"Pasok."
Agad na bumukas ang pinto matapos niyang sabihin ang saoitang iyon. Bumumgad sa ianya ang mukha ng babaeng kausao niya kani-kanina lamang may tulak tulak itong lalagyan na may lamang napakaraming mga papeles na siyang agad na ikinalunok ni Greg. Hindi niya akalaing ganito karami ang mga bagay na daoat niyang malaman.
"Salamat sa iyong tulong."
Ngumiti lamang ito at lumabas din agad matapos iyon.
Walang sinayang na oras si Greg at mabilis na binasa ng mabuti ang bawat detalyeng nilalaman ng mga liham.
---
Malapit ng marating nila Forsch ang kinaroroonan ng Guild na kinabibilangan nila Zargon ngunit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay ay bigla na lamang huminto ang ibang kasama nila sa hindi malamang dahilan."Bakit kayo huminto?."
Lahat ay nagaantay sa sagot ng mga ito sa tanong ni Zargon ngunit seryosong tumingin kamang ang mga ito sa kanila bago ilipat ang tingin kay Forsch.
"Hindi ko ito nais na sabihin sa inyo ngayon ngunit upang mapaghandaan niyo ang mga bagay na makikita niyo ay daoat na malaman niyo ang isang katotoohanan na mahirao ng mabago kailan man."
Agad na napakunot ang noo ng grupo ni Zargon dahil sa mga binibitawang salita nito.
"Ang Hope Guild ay isa ng pinakamahina sa lahat simula ng mawala ang grupo niyo. Bantay sarado din ng tauhan ng hari ang ating guild maging ang iba sa hindi naming malamang dahilan nagawa lamang naking makapunta sa Kimgdom of gavaria dahil sa tulong ng mga natitira nating miyembro na handang ibuwis ang kanilang mga sarili upang makatakas kame sa lugar na iyon."
Agad na nakaramda,pm ng galit si Forsch dahil sa kaniyang narinig ngunit wala siyang panahon upang gawin iyon dahil ang mahalaga sa kanya ay bigyan ng lunas oras oras ang kaibigang walang malay hanggang ngayon na bitbit ni zargon.
"Hindi ito ang tamang oras para sa bagay na iyan, mad mahalagang mailigtas natin ang batang ito bago mahuli ang lahat."
Tumango ang mgato dahil kita nilang parang habang tumatagal ay mas lalo pang lumalala ang sitwasyon nito. Mabikis na muling nagpatuloy ang mga ito sa paglalakabay hanggang sa narating nila ang kinatatayuan ng kanilang guild kitang kita nila ang mga gwardiyang umiikot rito maging ang buong lugar ay napapalibitan ng maraming mga kawala na alam mong malakas dahil sa aurang inilalabas ng mga ito.
"Sumunod kayo sa amin."
Mabikis na sumunod ang mga ito. Mayroon silang isang lugar na sinuotan na hindi man lamang napansin ng mga bantay dahil sa bilis ng kilos na kanilang ginagawa.
Madilim ngunit tuloy-tuloy pa rin sila sa paglalakad hanggang sa makakita sila ng isang liwanag hindi kalayuam sa kanilang kinaroroonan.
Agad na bumaba isa-isa ang lahat mula sa kisame ng guild. Gukat naman ang lahat ng sugatang miyembro dahil sa mukha ng mga nilakang na kanikang nakikita gustuhin man nilang batiin ang mga ito ay hindi nila magawa dahil sa pagod at pananakit ng mga katawan dahil sa pakikipaglaban sa mga bantay.
Gulat at nakaramdam ng takot ang lahat ng makita ang mukha ni Forsch. Maging ang headmaster ay nagulat dahil sa nilalang na kanyang nakita. Hindi siya maaaring magkamali ng nakikita.
"Kuya R-roy?."
Nagulat ang lahat ng biglang kumabas sa bibig nito ang salitang kuya habang nakatingim sa kanilang headmaster na gulat din habang nakatingin kay Forsch.
Mabilis siyang tumakbo rito at mahigpit itong niyakap ng mahigpit bago muling tiningnan ito. Nagaaalala siya noong nalaman miya ang nangyari sa gavaria.
"Anong ginagawa mo rito? Asan sila Greg?."
Gulat naman si Zargon ng banggitin nito ang pangalan ni Greg.
'Paanong nakilala ng guild master ang pangalan ni Greg? Magkakilala ba sila ng mga ito?.' Ani ni Zargon sa kanyang isip.
"Nanatilu siya sa aking pagamutan habang wala ako...kailan ko ang tulong mo kuya Roy si Ren kailangan niyang magamot."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ni Roy ng marinig ang pangalan ng batang iyon. Agad siyang napatingin sa batang dahan-dahang ibinababa ni Zargon sa isang malinis at mahabang mesa.
"Binuwis niya ang kanyang sarili upang mapatay ang isang demonyo para mailigtad ang lahat sa maaaring gawin nito sa ibang nilalang."
Kita nila ang paglabas mg aura niti na siyang ikinahirao ng paghinga ng lahat bukod kay forsch na pqra bang walang nararamdaman.
"Hindi ko akalaing sa muoi nating oagkikita ay ganito pa ang iyong kalagayan."
Hinahawakan nito ang mukha ni Ren mg dahan-dahan na para bang walang ibang nilalang ang nakakakita sa kanya.
Hindi naman makapaniwala ang mga nakadama ni Forsch sa paglalakabay na kilala siya ng guild master mg mga ito.
"Huwag kang magaalala forsch meroon pa akong gamot na maaaring ipainom sa kanya."
Apnakahinga naman ng maluwag si Forsch dahil sa kaniyang narinig.
"Trish, kunin mo ang gamot na nakapatong sa kaing lamesa at dalhin ko sa akin ngayon din."
Nagulat ang lahat dahil sa kaniyang sinabi dahil ang gamot na iyon ay mahakaga sa guild master nila. Binubuo pa lamang ang guild ay alagang alaga na ito ng kanilang guildmaster sa edad na 20 ay naging tanyag ang binuo niyang guild sa lahat.
"Tsaka ko na ipapaliwanag ang lahat basta sundin ko na lang muna ang aking utos."
Kahit na gustong magtaning ay hindi na nila nagawa pa at dahil sa seryosing mukha ng kanilang guild master na ngayon lamang nila nakita.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...