Third Person P.O.V.
Nasa itaas ng bubong nakaupi ngayon ang apat. May mga seryosong mukha ang mga ito na nakatingin sa ibaba na maraming taong naglalakad."Demon Eye." Bigkas ni Ren. Ang kaninang madilim na lugar ngayon ay lumiwanag sa kanyang paningin dahil sa isang skill na kanyang ginamit.
Marami siyang bagong skill na kayang gawin na siyang kanyang ipinagtataka dahil noon tanging dark at healing magic lamang ang kaya niya ngayon ay para bang kung ano ang nais niyang iinbentong skills ay nagagawa niya dahil na rin sa tulong ng kanyang alaala sa unang mundong kanyang pinanggalingan.
Parami ng parami ang taong nasa baba na mukhang magkakaroon ng isang pagtitipon na siyang mas lalong ikinalawak ng ngiti sa labi ng apat.
"Bababa muna kame doon baka magtaka ang iba kung wala kame." Tumango lamang ang dalawa at muling itinuon amg kanilang tingin sa ibaba.
Maya-maya lamang may isang lalakeng magara ang suot ang dumating na napapalibutan ng mga general. May mga uouan ding dumating oara sa mga ito na agad nilang inupuan.
"Narito kayo ngayon dahil sa nais kong ipagawa sa inyong lahat. Alam kong ang iba sa inyo ay nababahala dahil sa pagkamatay ng dalawa sa aking tapat na General hindi ko iyon itatanggi dahil maging ako ay nagulat sa balitang ito. Huwag kayong mabahala dahil kilala ko na ang taong gumawa nito." Seryosong sabi nito.
Mas lalong sumeryoso ang mukha ng dalawa dahil sa narinig na sinabi nito.
"Nakakamangha talaga si duke Rave ang bilis niyang makagawa ng paraan para makilala agad ang nilalang na kumakalaban sa kanya."
"Hindi na ako nagulat dahil sa lakas at kaoangyarihang meroon ang duke ay hindi na nakàkapanibago iyon."
"Sa tingin niyo ba ay matatalo ng duke ang nilalang na kanyang tinutukoy?."
"Ang tatlo sa aking general ay magtutungo na sa nilalang na iyon. Hindi na ako makakapayag na mamatay ang lahat dahil sa taong iyon kung kinakailangan kong dalhin lahat ng general sa kanya ay gagawin ko mamatay lamang ito." Sabi nito.
"Sino ba ang nilalang na inyong tinutukoy, Duke Rave?." Takang tanong ng isa.
"Si Mayor Ecco ng Laveron. Isa siyang Miymebro noon ng Ligthning sect." Gulat ang kahat ng marinig ang sinabi nito. Dahil isa lang ang ibig sabhin noon malakas ang taong iyin dahil hidni naman ito makakapasok sa isang sect kung hindi.
"Ngayon General Gossa, General Ingra at General Zephas kayo amg mga pupunta sa Laveron." Agad na tumayo ang mga ito.
"Masususnod, Duke Rave." Sabay na sabi ng mga ito.
"General Zaya and General Gwynn kayo ang babalik sa Flora Vein nais kung patayin niyo ang lahat ng naroroon."
"Masusunod, Duke Rave." Sabay na sagot ng dalawa.
Napakuyom ng kamao si Ren ng marinig ang sinabi nito muling nanumbalik sa kanyang mga alaala ang nangyari sa kanyang tahanan.
"Greg, hindi natin maaaring paalisin ang lahat dito. Wala akong pakialam kung delikado basta mapatay ko lang mismo ang iyong ama." Galit na sabi nito.
Hindi naman na nagulat si Greg sa sinabi nito dahil alam niyang malaki ang galit nito sa kanyang ama dahil sa ginawa sa oanyang tahanan.
"Mind bite." Nagtatakang nakatingin sa kanya si Greg dahil nakahawak ito sa sentido habang binigkas ang salitang iyon.
"Anong nangyayari?bakit sila sumisigaw sa sakit?."
"Sino ang may gawa nito? Bakit niya ito ginagawa?."
Napatayo ang duke maging ang lahat ng general dahil sa nangyari. May dalawang tao naman na nakatingin sa isang madilim na pwesto dahil alam niyang may kinalaman ang mga ito.
Hindi maiwasamg hindi humanga ni greg sa atakaeng ginawa ni Ren. Hindi niya akalaing sa unang atake pa lamang ay may napatay na agad ito ng mabilis.
"Hindi ko akalaing malakas din pala ang kayang magawa ng mga Mind Controller." Hindi rin maiwasang sabi ni Ren. Ngayon lamang nya na subukang gawin iyon.
"Hanapin niyo ang nilalang na may gawa nito." Sigaw ng Duke.
Agad na sumunod ang mga ito. Ang mga general naman ay agad pinalibutan ang duke upang protektahan ito.
"Burning Feathers." Bigkas ni Greg. Nagtataka namang napatingin ang lahat sa mga nagaapoy na balahibo na galing sa itaas.
Sa tuwing tumatama ang mga ito ay agad na nalalapnos ang mga parte ng tinamaan. Ibat ibang paraan ang kanilang ginawa upang hindi lamang sila matamaan ng atakeng ito.
"Spider's Poisonous Web." Bigkas ni Ren. Hindi pa man taoos ang kahat sa pag-ilag sa atakeng nauna ngayon ay may kasunod na naman ulit.
"Sino ang nilalang na may ganitong kalakas na uri ng atake." Gulat at galit na sabi ni Duke Rave. Nakatingin ito ngayon sa kanyang mga tauhan na nakabalotmg buhay sa isang makapal na sapot nah indi malaman kung saan nagmumula.
"Reverse time." Hindi naman na nagulat si Reyverm ng makitang huminto sa ere ang iba niyang atake at nawala. Dahil sa ginamit ng isang general ay may nakakigtas pang mga tauhan, ngunit mapapansin ang mas maraming namatay.
"Hindi ko alam na ganito pala kalakas ang kapangyarihan ng time manipulator." Nakangiting sabi ni Ren.
Hindi naman alam ni greg kung bakit imbes na kabahan ito dahil sa nangyari ay parang mas natutuwa pa ito sa nagaganap.
"Spider's Prey." Bigkas ni Ren. Muking nagkaroin ng mga sapot sa ibat ibang parte ng lugar habang ang bahagi na kinaroroonan ng isang general ay may espasyong nakalaan.
"Tingnan natin kung kaya bang sabayan ng kaoangyarihan mo ang atakeng kaya kong gawin." Nakangising sabi ni Ren.
"Anong klaseng atake ang iying ginawa Ren?." Takang tanong ni Greg.
"Siya lang naman ang magiging target ng mga saoot na iyan dahil siya ang prey ng mga atake ko. Tingnan natin kung magagwa niyang iwasan yan lahat ga,it ang kanyang kakayahan na mukhang hindi pa masyadong nagagamit."
Nanlaki naman ang mata ni Greg dahil sa kanyamg narinig at muling tumingin sa baba na ngayon ay maraming nakakalat na patay at mga sapot sa paligid.
"Time stop." Ang mga atake ni Ren ay muking huminto sa himpapawid maging ang kahat maliban sa may mallakas nakapangyarihan na hindi naaapektuha katulad ng mga generals at ng duke,maging sina greg at Ren ay hindi naapektuhan.
"Dark meteor." Bigkas ni Ren.
Lahat ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa himoapawid na meroong mga bulalakaw ang babagsak sa ianioang kinaroroonan. Hindi nila ito maiiwasan ng basta-basta lalo pa sa bilis ng pagbukusok ng mga ito ay kahit magawa nilang makatakbo ay aabutin pa rin sila ng impact ng pag-bagsak nito.
"Pumwesto kayo sa likod ng mga generals huwag kayong magpapahahalata." Ani ni Ren.
Agad na binitawan ni Ren ang kanyang sintido pagkatapos kausaoin amg dalawa na ngayon ay sinunod ang kanyang habilin.
"P-paanong nagagawa niyang makagalawa gayong pinahinto ko ang oras?." Gulat na sabi ni General Zaya. Hidni siya makapaniwala dahil ngayon lamang nangyari ito.
Agad na sumulpot si Ren sa harapan ng dalawa na mukhang nababahala na rin para sa kanilang mga buhay.
"Huwag kayong gagawa ng ingay." Seryosong sabi niya. Tumango ang dalawa dito agad silang hinawakan ni Rem at muling itineleport ang mga ito pabalik sa kinaroroonan nila kanina.
BINABASA MO ANG
God's And Goddesses Gifts: Volume 1 [ The Begginning ]
FantasyRen Bonifacio isang batang lalake na namatay sa isang hindi maipaliwanag na dahilan,ngunit muling nabuhay sa mindong kanyang hindi inaakalang totoong nag eexist. Walang pamilya,walang kaibigan yan ang buhay na kinakaharap niya sa mundong wala siyang...